Chapter 23

6.3K 289 33
                                    

( K H A L I L )

Ilang araw na rin ang nagdaan simula ng malaman kong si kleir at ang anak ng boss namin ay iisa lang.

Bawat araw na pumapasok ako,siyang pakikipagpatintero ko sa pag iwas sa kaniya.

Hindi ko alam na sadyang mapaglaro ang tadhana.Kahit yung taong nilimot at ayaw mong makita ay siyang humahabol naman sa mga alaalang labis na gumugulo sa aking isipan.Pinaalala ang tamis at pait ng kahapon.Eh?

Kakatapos ko lang isaayos ang mga papeles na pinapapagawa sa amin ni marg.Balak ko kasing umuwi ng maaga.Dahil birthday ni junie idagdag pa na baka abutan ako ng traffic sa daan.

Ako pa naman ang nakatokang bumili ng cake nito.Nilalagay ko na sa drawer ang mga folder ng dumaan si marg.

'Beks!Sama ka?'Umiling ka agad ako.Tuwing sasapit kasi ang biyernes ay nakagagawian na namin ang gumimik nito ni marg kasama ang ilan sa katrabaho sa opisina.

'Ay sayang!'

'Bakit naman?aber.'

'Kasama kasi si sir kleir,may gig pa naman daw siya sa pupuntahan na bar kaya siya na raw ang taya.'Kumikinang na naman ang mga mata nito habang nagkukwento.Kuripot talaga.

'Sayang nga.'Pagkikibit balikat ko.May masabi lang.

'Oo nga,ano ba kasing meron at hindi ka makakasama.'

'Birthday ni bunso.'Napa-ah'na lang ito.Kalaunan ay pumunta na sa cubicle niya.

Nauna akong umalis sa mga kasamahan ko gayong panghihinayang nila dahil hindi ako makakasama.Mabuti na lang din para hindi magkrus ang landas namin.

Kinakabit ko na ang seatbelt ko ng matanaw ng aking mata ang taong papalapit sa kinaroroonan kong parking lot.Nagmadali akong yumuko at magtago para hindi makita.

Sinilip ko ito kung saan patungo pero hindi ko matanaw.Baka imahinasyon ko lang siguro.

Nang masigurado ko na wala o guni guni ko lang marahil ito ay binuhay ko na ang makina ng kotse ko.

Ilang pagpihit ang ginawa ko pero tila may sapak na naman ito.At sa kamalas malasan ay talagang makisama nito.

Lumabas ako at tinignan kung ano ang sira sa makina nito.

'Need a help?'mula sa likod ko ay kaagad kong nilingon ito.

Wala naman akong alam na may balat ako sa pwet para ganito kung malasin ngayong araw.Kung minamalas ka nga naman talaga!

'Hmm,k-kailangan mo ba ng tulong?'halatang nag aalangan sa kaniyang sinabi.

'H-hindi na sir,kaya ko na ito.'Lakas loob kong sagot kahit na kinakabahan.Hindi ko maiwasan ang pagkatitigan ang kaniyang mukha lalo pa't mas gwapo pa pala ito sa malapitan.

'Really,pero mukhang matatagalan ka pa kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko.'medyo natotorete na ako sa alok niyang tulong.At batid kong mukhang matatagalan nga talaga ako.Pisti naman kasing sasakyang ito ngayon pa nakihalubilo sa kamalasan ko.Buset!

'Nakakahiya naman po sir.Saka mukhang may lakad pa po kayo.'Dumapo agad ang mata ko ng iangat niya ang kahabaang manggas ng damit niya sa braso.Napaflex ito dahilan para makita ko ang hubog nito.Nakakadaga ang muscle niya!

Hindi ko maiwasan ang mapalunok ng laway.

'It's okay.Malapit lang din naman yung place.Nga pala may tools ka ba diyan?kung wala iyong akin na lang.'

'M-meron po sir.'Agad akong tumalima sa pagpunta sa compartment ng kotse ko.At dahil sa hindi inaasahan,natisod ako dahilan para mawalan ng balanse at madapa ako.Award-an niyo na ako!

'Hey!are you alright?'Mabilis nitong pag-akay sa akin.Amoy ko ang bango ng hininga niya malapit sa akin.

'Eh,pasensya na po sir.S-sandali kukunin ko lang yung tools.'pagmamadali ko.Medyo napangiwi pa ako ng makaramdaman ako nang hapdi sa pagtayo ko.

Kaagad kong iniabot sa kaniya ang tool box ng maabutan kong masusi niyang tinitignan ang makina.Mabuti na lang at maliwanag sa parking lot.Uso kasi ang nakawan dito dati kaya pinaayos ito ng kumpanya para hindi na maulit pa.

'Wiring problem lang.Madali naman ito ayusin.'Habang binubutingting ito napapatingin ako sa kakisigan niyang katawan.Kaya pala hindi magkamayaw ang mga babaeng taga hanga nito.Ang ganda kasi ng pagkakahubog ng katawan niya.Hindi naman yung bato bato na halatang batak sa gym.Yun bang sakto lang,pang model ng brief ganun.Ay ano ba yang pinagiiisip ko?!

Matapos maayos ay laking pagpapasalamat ko naman dito.Tinatanong niya ako kung sasama daw ako mamaya sa lakad ng mga ka opisina ko sa gig niya.Kaso siyang pagtanggi ko.

Kahit papaano medyo asiwa man akong kausapin siya.Hindi maiwasang mapalagay ang loob ko sa kaniya ng sandaling iyon.Hindi.Hindi pwede at baka diyan ka naman niya madale!

Nang matapos ay nagpasalamat ako sa kaniyang pagtulong.Iniimbita pa ako nito at siyang pagtanggi ko.Kaagad akong tumalima sa pagpasok sa kotse ng matapos namin mag usap.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ay may kamay na pumigil sa akin.At siyang lingon ko dahilan para magtama ang aming paningin sa isa't isa.

'Itatanong ko lang?Kung...

....nagkakilala na ba tayo dati?'


↑↑↑↑
Picture of kleir♥



Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin