Chapter 19

5.9K 271 31
                                    

( K     H      A     L     I     L  )

Tatlong damit ang siyang nakalatag sa aking kama.Isang long sleeve polo na checkerd(Dark blue),polo shirt(Black) at t-shirt(Gray).Eto lang kasi ang maayos ayos na aking panglakad na damit.Kaya ko naman bumili pero sadyang kuripot lang.

"Hmm..ano kayang bagay?"nakapamewang pa akong nag iisip sa tatlong telang damit nasa aking harapan.

Ngayon na kasi yung araw ng farewell party ng school namin kaya panigurado ako.Pinaghandaan na ng iba sa amin ang araw na ito.

Napukaw ang aking nagiisip na utak ng tumunog ang cp ko.Kaagad kong kinuha at nakita kong may nag text.

Siguraduhin mong pupunta ka ha?hihintayin kita sa labas ng gate.

-crause W.

Napangiti ako sa kaniyang mensahe.Halatang nanakot pero sweet sa huli.

Nag reply ako para naman hindi na ulit magtext pa.

Oo na po.hehehe..SEE you later!

Ang reply ko.

"Kahlil!anong oras na?!malalate ka na!!"sigaw ni mama mula sa aking pinto.

"Opo!!susunod na!"

Nagmadali naman akong nagtungo sa banyo na kalapit ng aking silid.

Matapos maligo ay saka naglagay ng pabango at sinuot ang siyang aking natipuhan.

Naka pantalon ako ng denim black at rubber shoes na lang.Saka isinuot ang T-shirt.Kinuha ko ang cp at coin first ko saka labas ng silid.

"Ma.."bungad ko sa sala namin.Napangiti naman ito ng makita ako.

"Naku..binata na ang anak namin!Pang!halika tignan mo ang panganay natin!"pagtawag nito kay papa na nagkukumpuni ng sasakyan sa labas.Kaagad naman itong pumasok at napatingin sa aming gawi.

"Naks!dalaga este binata na talaga ang kuya namin.."sabay hakbay nito sa akin."Papa naman e!pawis mo oh!maligo na nga kayo."reklamo ko.Napatawa naman sila sa akin.

Nagprisinta naman si papa na ihatid ako sa skwelahan namin pero siyang tanggi ko."Pa,magpahinga na lamang kayo.Saka salamat na lamang din po.Si mama dapat lambingin niyo."Napangisi naman si papa habang si mama ay namumula na sa aking sinabi.

"Ikaw bata ka!Oh siya sige.Umalis ka na at mag ingat ka."Sabay abot nito ng pera sa akin at siyang pasalamat ko.

Papaalis na ako ng tawagin ako ni mama."Napagisipan mo na ba kahlil?sa ikalawa na ng linggo iyon.Sasama ka ba sa amin."

"Hindi ko pa po alam ma.."

Nasa tapat na ako ng school ng makita ko si crause na siyang nakatayo sa entrada nito.Binabati niya rin ang ilang dumadaan sa harap niya.

"Crause!"nang makalapit ako at siyang lingon nito sa akin.Ang gwapo niya lang sa suot niyang loose shirt at naka jacket na maong pa.

"Mabuti naman at dumating ka."bungad nito.Ikinikamot ko lang ng batok sa pagkahiya sa kaniya."Syempre naman."

"Cute mo pala diyan sa porma mo."Nabigla naman ako sa sinambit nito.Nakakahiya!Cute daw ako!!

"Tama na nga..pumasok na tayo!"pag iiwas ko.Baka mangisay na ako sa kilig na aking nadarama.

Kaagad sumalubong ang dami ng tao sa field.Maingay,magulo at masaya ang lahat.

Pumaroon kami sa tabi ng tent.Kung saan naroon ang mga SC na siyang namamahala sa palatuntunan.

Pinaupo ako nito sa isa sa mga upuan na walang umuukopa.Napapatingin ang mga SC sa aking gawi.Hindi ko naman mawari kung bakit.

Mukha siguro akong lumpia sa suot ko.bulong ko sa aking sarili.Iniwan ako saglit ni crause dahil sa pagtatalaga nito sa mga magbabantay sa buong paligid.

"Hi!kaibigan mo pala si mr.Sungit?"Biglang sulpot ng isa sa mga SC.Mr.Sungit?Bakit sungit?

"Hmm..Medyo."alinlangan kong sagot ayoko naman magfeeling close agad.

"Aah..may kaibigan pa pala iyon.E bakit sakin ang sungit sungit ayaw akong kausapin!"Talak nito na siyang kinangiti ko.Cute siya lalo na sa kakulangan nito sa tangkad.Oo.Maliit siya.Pero maganda naman siya sa mukha niyang hugis puso.

"A..e.hindi ko alam ang bagay na yan.Pero matanong ko lang bakit Mr.sungit?"sasagot na sana siya ng dumating si crause.

"Hoy!Soledad!bumalik ka na sa puwesto mo at gawin ang inuutos ng president sayo."sita nito sa kausap ko na siyang pairap nitong sinupladahan ang huli.

"Kinukulit ka ba niya?Wag mo na lang pansinin.."nang makaupo sa aking tabi.

"Hindi naman.Nakakatuwa nga siya e!"

"Kamo papansin lang yun."mukhang nakahanap ng katapat ito si crause.Opposite attract..Ganun."Sobra ka naman sa kaniya!wag ganun uy!Malay mo gusto lang ng tao makipagkaibigan."Pangaral ko rito.Inisnob lang ako ng lolo niyo.Hmp!

Tinanong ko sa kaniya kung anong banda ang siyang tutugtog sa program.Nagulat naman ako ng sabihin niyang Parokya ni edgar.Idol ko kasi iyong banda na ito simula maliit ako dahil na rin kay papa na hilig pakinggan ito.

"Wow!Naku makikita ko na rin ang idol kong si Chito Miranda!"bulalas kong sabi na siyang kinagulat din ni crause nasa huli ay natawa sa akin.

Maya maya pumailalang na ang hiyawan ng magsilabasan na ang grupo sa stage.

"Crause tara!!doon tayo pumwesto sa harap!Bilis!!"aligaga kong hila sa kaniya.

"Oo na!hahaha..nakakatuwa ka talaga!"sabi nito matapos magpatiuna na siya namang sunod ko sa kaniya.

Laking tuwa ko ng nakapunta kami sa harap nito.Ang cool talaga ni chito at ng mga kabanda nito.Sigurado matutuwa at maiinggit si papa sa ibabalita ko.

Una nilang inawit ang mga luma nilang kanta matapos ay ang mga sumikat pa nilang mga awitin.Hiyawan at napapatalon ang lahat sa rakrakan nila.

Inilibot ko ang aking paningin sa karamihan.Tuwang tuwa ang lahat.Pero napukaw ang aking mata sa di kalayuan ng mga kapwa ko estudyante.Nakita ko siya.Nakarating siya!

Pero mukhang hindi siya nag iisa.

Katabi niya ang isang babae na minsan ko ng nakita.

Kung maganda siya sa kuhang iyon mas maganda pa siya ngayon sa personal.

Kagaya ng iba,masaya silang sumasabay sa pag awit ng banda.Nahihiya naman akong lumapit sa kaniya lalo pa at kasama ko si crause.

Bumalik lang ulirat ko mula sa pagkakatitig sa kanila ng tapikin ako sa braso ni crause.Saka turo nito sa bandang nasa harap namin na kasalukuyan kinakanta ang 'Halaga'Tinuon ko na lang ang aking tingin dito.Kahit na sumasagi sa isip ko ang dalawa.

Subalit hindi ko maiwasan magtanong sa aking utak.

Sila kaya?

Napapalingon muli ako sa gawi nila.Tila lalanggamin ang kanilang puwesto sa kanilang dalawa.Nakahakbay kasi si kleir sa babae nitong kasama habang nakapilig naman ang ulo ng babae sa balikat niya.

At sa hindi inaasahan ay nagsalubong ang aming mga mata..

Subalit nabalot na ng kadiliman ang aking paningin ng takpan ito.

"Masasaktan ka lang...kung ipagpapatuloy mo pa rin ito..."

At siyang pagpapatotoo ng aking damdamin.

A/N:Putcha naiiyak ako sa next chap!

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now