Chapter 9

6.7K 300 17
                                    

(KHALIL)

"Ano ka ba naman anak,bakit hindi mo sinabi na may bisita ka pala at nakitulog pa ito sa atin.Hindi ko man lang napaghandaan ito ng pagkain kagabi!Hala sige kain na kayo!"ang aga aga akong sinermunan ni mama dahil kay kleir.

Asar!!

Heto kami sa kusina at kumakain ng inihain ni mama na pagkain para sa aming dalawa.

Tulog pa kasi yung mga kapatid ko na magsisipasok sa elementarya.Mag aaral na rin sila sa susunod na taon sa high school.Si papa naman ay nadestino pa sa malayong lugar sa trabaho nitong Minero.Sasakto naman ang ipinapadala nito kay mama para sa aming panggastos sa araw araw.

"Tita salamat po pala sa pagkain.Ang sarap naman po nitong tocino ninyo."matapos nguyain ang pagkain sa kaniyang bibig.

Lakas maka-tita ha?!

"Naku..wala iyon iho.Nga pala kaklase mo ba ito si khalil?Ngayon ko lang kasi nakitang nagdala ng kaibigan itong batang ito."sabi ni mama habang nagtitimpla ng gatas para sa mga kapatid ko.

"Schoolmate ko po siya ma."agad kong sagot.

"Ahh..hala sige kain lang kayo diyan at gigisingin ko lang ang mga kapatid mo."Sabi nito at agad lumabas ng kusina namin.

"Slave.Mabait pala yung mama atsaka masarap pang magluto.Kaya pala tumaba ka ng ganyan eh."napangisi pa ito ng sabihin niya sa akin iyon.

"Hmp,nakikikain ka na nga nanlalait ka pa!"asik ko sabay kuha ng plato at saka tumayo.Nauna akong matapos sa kaniya

"Oh..sorry na aga mo namang sumimangot,Cute mo slave..'hindi ko maiwasang kiligin pero,

"Pakisabay naman ng plato ko.hehe"dagdag nito matapos akong iwanan sa kusina.Hinugasan ko na lang din.Kapal pala talaga ng apog nito.

---

"Kuya sino po siya?"pang uusisa ni simon sa akin.

"Kaklase ko."tanging sagot ko habang inaayos ang butones ng polo ko.Si kleir naman?Ayun kinakausap din ng isa ko pang kapatid sa sala.

Mabuti na lang at nag alok ito na isasabay niya ako sa pagpasok sa school.

Naabutan kong naghaharutan ang kapatid ko at si kleir."Hoy!kleir!tama na yan tara na.Malate pa tayo sa school niyan"paninita ko rito sa mga ito.

"Oh,alis na kami ng ate niyong masungit.haha.dalaw na lang ulit ako tapos laro tayo ng basketball ha?"paalam nito.Nagtawanan naman ang mga nakakabata kong kapatid.

"Ate ka dyan?tara na nga!"tatawa tawa lang ito.

Nang makasakay na ako sa likod niya ay agad niyang kinuha ang aking kamay.Iniyakap niya iyon sa kaniyang tiyan.Hindi ko tuloy maiwasan makapa ang katigasan niyang bahagi.

"Oh libre himas.Nakalibre ka pang pandesal sa umaga"pangaasar nito.Kitang kita ko sa side mirror ng motor nito ang pagtawa niya.

Tuloy,hindi pa rin ako makapaniwala na eto siya,kasama ko!Parang nasa cloud 9 ako ng mga oras na ito.Dahil sa kanya.

Dumaan muna kami sa condo niya.Nalaman ko na siya lang pala ang namamaligi doon.Ibinigay kasi sa kaniya iyon ng magulang niya.Sunod sa luho nga ito dahil pagpasok ko pa lang mga mamahaling gadget at mga collectible item ng paborito niyang laruan.

"Maiwan muna kita at magbibihis lang din ako."sabay pasok nito sa isang silid.

Habang wala siya ay  nagmasidmasid muna ako sa paligid.Nakakainggit lang ang kompletong action figure ng mga anime niya.Gaya ng one piece at saka yung paboritong kong cast ni doreamon meron siya.

Sa pagtingin tingin ko,na pukaw ang mata ko sa isang bagay na nasa dulo ng kabinet nito.

Isang gitara.

Ang ganda kasi ng kulay nito.Abuhin na may halong kulay din ng asul.

Naggigitara rin kaya siya?

"Sa kuya ko iyan,naiwan niya rito.Ano alis na tayo?"

Nakatapos na pala siya sa pagbibihis.Fresh na fresh ang aura nito paglabas ng pinto.

Tapos hinawi niya pa ang basa nitong buhok.

"Slave baka pasukan ng langaw yang bibig mo?"biglang sabi nito at napangiti pa.Yung ngiti na makalaglag panty.Ganun!

"C-che!tara na!at late na tayo!"irap ko rito.Parang nag init ang pisngi ko dahil doon.Nakakahiya!

Naiilang tuloy akong kumapit sa kanya habang nasa byahe kami.

Nang makarating kami sa school ay kaagad kaming naghiwalay sa parking lot palang.

Nagpasalamat naman ako sa kaniya.Sabi pa niya bayad lang daw yun sa pagpapatuloy ko sa kaniya.

"Hoy!kahlil anyare sayo?bakit pangiti ngiti ka diyan?nang istalk ka na naman kay kle..."hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito.

"Manahimik ka nga diyan at baka maiskoba ko yang nguso mo sa kadaldalan mo!"sinamaan lang ako ng tingin nito.

"Eh bakit kasi pangiti ngiti ka diyan!mamaya gumamit ka na pala ng bawal na gamot ha?!naku!naku!wag ganon friend."madrama nitong talak.

"O baka naman napanaginipan mo si kleir at nag aala little mermaid este butanding pala..haha.biro lang!"haay,kung alam mo lang!hehe.

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng marinig namin ang ingay sa labas ng hallway.

Naunang dumaan ang barkada ni kleir.Tuloy nakaramdam ako ng tuwa dahil makikita ko muli siya.Seriously?Magdamag na nga kayong magkasama?

Subalit,hindi ko inasahan ang aking nakita.Naglaho kaagad ang sayang aking nadarama.Ang ngiti na siyang kaninang sumungaw sa aking labi.Pinalitan iyon ng pagkadismaya sa pagkakataong ito.

Naroon siya at nakalingkis ang braso nito sa bewang ng babae.

Tila tinusok kung saang parte ng aking puso nang makita ko siyang may kasamang iba.



Original Date Posted:03/11/2017

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now