Chapter 35

4.7K 254 36
                                    

(KHALIL)

Nakatulog na yung mga kapatid ko at katabi na si mama sa backseat.Halata sa kanila ang pagod pero alam kong husto ang kasiyahan nila para sa araw na ito.

Si mama naman ay tahimik lang pero alam ko na kating kati na ang bibig nito.Panigurado ay pakukwentuhin ako nito sa nakita niya kanina.Wrong timing ang dating nila ng sandaling iyon.

[Flashback]

Sa kaunting distansya ng aming mukha,siya itong gumagawa ng paraan para maabot ako.Matangkad lang siya sa akin ng kaunti.Subalit hindi hadlang iyon para magawa niyang maidampi ang kaniyang labi sa akin.

Naramdaman ko ulit ang mga labi niya.Malambot at buong suyong hinahagkan ang aking mga labi.

Nang maghiwalay,mistulang nakalarawan na ang mga ngiti sa aming mga labi.Subalit kaagad naglaho ang ngiti sa aking labi dahil sa narinig kong pagtawag sa akin.

Si mama.

Tulala itong nakatingin sa amin,subalit hindi lang iyon ang mas ikinatapda ko.Dahil maging ang mga kapatid ko ay tila naging estatwa sa harapan namin.

Napukaw na lamang kami sa aming sitwasyon ng pumailang ang pagputok ng kung anong bagay.Sumunod noon ang nagkalat na liwanag sa paligid.Ibat ibang kulay na tila bituing kumukutitap sa kalangitan ang mga ito.

[End of Flashback]

Nang makarating kami sa bahay ay naalimpungatan na ang mga kapatid ko at siyang niyaya ni mama na pumasok na sa bahay.

Pababa na ako ng sasakyan ng pigilan ako ni kleir.Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

Ewan pero parang may gusto siyang sabihin na kung ano,nahahalata kong nahihiya ito dahil hindi makatingin sa akin ng diretsyo.

'C-can i stay with you,tonight?'Seryoso ang mukha nito pero ako naman ay tila nasamid sa kaniyang tanong.

'Pero..'isipin ko lang na magtatabi kami sa kama.Parang daan na ang pagdagdagundong ng puso ko.

'Kahit,sa couch lang ako matulog please..Gusto ko lang maramdaman na hindi ako mag isa ngayong gabi.'bigla akong nakaramdam ng lumbay mula sa kaniyang sinabi.Inabot ko ang kamay niya ng sandaling ito.

'Yun lang pala.Halika na.'yaya ko sa kaniya.

________

'O siya matulog na kayo.Hoy ha?wag muna kayong magtatabi.Wag abuso,may bukas pa para sa lambingan.'Pahabol ni mama ng ilapag ang extrang kumot at unan.May extra kaming folding bed kaya napagpasyahan kong sa sahig na lang humiga.

'Sigurado ka bang diyan ka matutulog?Ako na lang dapat siguro diyan nakakahiya naman at ako pa ang nasa kama.'sinabihan ko na lamang siyang magpahinga na.Inayos ko ang unan ko saka humiga.

'Syempre,gusto ko lang maging komportable ka.Isa pa narinig mo naman si mama.'napangiti ako ng maalala ko yung nagsleep over din siya sa dati naming bahay.

'Yeah,pero kung ako lang masusunod gusto kong nasa tabi kita.'nilahad niya yung kamay niya sa akin.At siyang abot ko naman din dito.

Stay with me
Don't fall asleep too soon
The angels can wait for a moment

Come real close
Forget the world outside
Tonight we're alone
It's finally you and I

It wasn't meant to feel like this
Not without you..

Habang umaawit siya,pakiramdam ko nasa alapaap ako.Lalo pa't hawak hawak niya ang kamay ko.

Cos when I look at my life
How the pieces fall into place
It just wouldn't rhyme without you
When I see how my path
Seem to end up before your face
The state of my heart
The place where we are
Was written in the stars..

Napapikit ng kusa ang mga mata ko dahil tila nadadala ako sa pag awit niya.Subalit nanatiling mahigpit ang hawak ko sa kaniya.Para siyang bituin noon sa akin.Ang hirap abutin.

Ngunit posible pala,posibleng bumaba ang tala at gawing makatotohanan ang mga bagay na pawang ilusyon lamang sa iba.

Sana hindi lamang panandalian ang lahat.

______

(KLEIR)

I cant help it,but to smile.Sobrang himbing ng tulog niya.To the point na kanina ko pa pinupugpog ng halik ang labi niya.Kung pwede lang sana ay..argh ang aga aga minomulestya ng isipan ko ang mahal ko.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya.Nilakbay ng daliri ko ang   parte ng mukha niya.Sa mga mata nitong chinito,sa maliit ngunit pointed na ilong.At sa pisngi niyang malambot.Napapangiti ako sa pagkakataong ito lalo na at bigla niya akong niyakap.

Isama pa na idantay nito ang binti niya sa akin.Niyakap ko na lamang siya pabalik.Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga hudyat na magigising na ito.

'Kleir..kanina mo pa ako minamanyak huh.'natawa ako sa sinabi nito.

'Manyak pala,pero ano yung nararamdaman ko sa ibaba ng...A-aray!'marahan akong hinampas sa balikat.

Tangkang babangon ito pero hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya.'Kleir ano ba?!'reklamo nito.Hindi siya makatingin sa akin habang kumakalas sa yakap ko.

'Tss.Gusto mo pakawalan na kita?'sa loob loob ko nakakaramdam na ako ng kung ano.Napatingin siya sa akin ng seryoso.Kapag nakikita ko ang mga mata niya sa likod ng makakapal na salamin noon.Hindi ko maiwasang mahumaling.

Pero mas gugustuhin kong malusaw kung ang pagmamahal niya na ang ibabaling niya sa akin.Siguro nabwisit si kupido sa akin sa pagiging torpe ko sa taong ito.Pero sa kabilang banda sa akin din pala siya ibibigay.Wala namang mali sa magmahal ka ng kapwa mo kasarian,dahil sa totoo lamang ay hindi sa hugis,bigat o ano mang pag uugali ng tao makikita ang pagmamahal na hinahanap mo.Nasa nilalaman lang ng iyong puso.Kung ano ang higit na makakapagpasaya sayo.

Inilapit ko muli ang sarili ko sa kaniya.Tangka kong hahalikan ulit ito ng biglang...









'May apo na ba agad ako huh?khalil?!'


A\N:Sana laging ganto ano..

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now