Chapter 14

5.8K 295 11
                                    

(KHALIL)

Halos pantay na ang puntos ng dalawang koponan.Lahat nag aabang sa pagtatapos ng mainit na bakbakan.Sa puntos na 99-97.Tatlong puntos na lang ang kailangan bunuin ng grupo ni kleir.

Halata na ang mga pagod at matinding pagpupursige nila makamit ang dominasyon para sa semi finals.

Habang nanonood hindi na maawat sa mukha namin ang tuwa sa tuwing nakakapuntos si kleir.

Nakakapagtaka lang.Dahil sa tuwing mapapadako ang mata nito sa gawi namin ay masamang titig ang siyang pinupukol sa amin.

4th quarter.

Nang sumapit iyon ay mas lalong humigpit ang mga depensa at taktika ng bawat manlalaro sa laro.

Unang sampung minuto ay nakapuntos ang kalaban ng 1 at na sundan ng 3 puntos.

Pero humabol ang grupo ni kleir.Sa una ay tatlong puntos.Hanggang sa ginawa na ni kleir ang mga puntos na inaasam ng fans at team nila.

Natapos ang laro na may ngiti sa labi ang manlalaro ng aming paaralan.

Kabaligtaran naman yata ito ni kleir.Halos hindi maipinta ang mukha nito.Nakasimbakol na maihehelera sa kalabang manlalaro.

"Huy!tara salubungin natin ang mga fafa sa court."kayag ni froi.Pati kami ni crause napasunod na lamang sa kaniya.

Mabuti na lamang itong si crause ay nakalapit loob kaagad si froi.Ikaw ba naman banatan ng mga kautuan nito na may pagnanasang lihim.Char!

Halos nagpatiuna ito sa pagsugod sa kakapalan ng taong nasa court.Tuwang tuwa ang lahat ng kapwa kamag aral namin sa pagkapanalo ng team.

Hindi ko naman matanaw kung nasaan si kleir.Kasama ko si crause na tumatanaw sa kumpol ng tao.Hanggang sa biglang may humila sa akin.

Halos pakaladkad ako nito dinala sa isa sa mga storage room sa gymnasium.Hindi ko nagawang lingunin si crause sa bilis ng pangyayari.

Maswerteng nabuksan niya iyon.Saka padabog na isinarado.Kaagad niya akong itinulak sa pader.Itinukod niya pa ang isang kamay sa balikat ko.Medyo nanggigil siya sa sandaling iyon dahil bumabaon ang daliri niya sa balat ko.

Basang basa siya ng pawis mula sa jersey niya.Tagaktak din mula ulo hanggang leeg ang mga ito.Matalim na mga titig ang siyang sumalubong sa akin ng magtama ang aming mata.

"Bakit kasama siya?!"singhal nito.Napaarko naman ang kilay ko sa sinabi nito.

"S-si froilan ba?kaklase at kaibigan ko naman siya."hindi ko maiwasan kabahan dahil sa titig nito.

"Si Crause!ang tinutukoy ko!hindi ba at may usapan tayo?!"Pagtataas ulit ng boses.

"E..K-kasi nagkataon lang na nagkita kami sa labas.K-kaya nags-sabay na kaming manood dito."naku at nakuha ko pang magsinungaling sa kaba.Kasi naman talagang mangangatog ka sa tuliro sa mga inaakto niya.

Kaya takot akong sabihin ang totoo.

Medyo lumuwag na ang kapit ng kamay nito sa akin.Napasinghap pa ito.Mukhang dala sa matinding pagod at nadagdagan ko pa ng stress dahil doon.

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.

Tinanggal niya ang kamay niya sa aking braso.

"K-kleir..Conggratu..."

"GET OUT!!"nabigla ako sa sigaw nito.Hindi ko inaasahan ang ganun sa kaniya.Pero siguro pagod lang talaga siya.

Napayuko ako saka marahang kumilos na umalis sa harap niya.Iintindihin ko na lang dahil sadyang nakakapagod na araw ito para sa kaniya.

Pagkalabas ko sa pinto saka ko na sabi sa sarili ko na "okay lang yan."

Baka mamaya o kaya bukas ay ayos na siya.Ganun naman siya kapag nagagalit.Bumabawi.

Sumalubong naman ang dalawang taong kani kanina lang na kasama ko.Halata ang pag alala sa kanilang mukha.

"San ka ba galing beks?Hinahanap ka namin ni crause kanina.Sabi niya bigla ka na lang nawala sa tabi niya.Akala ko lumabas ka na kaya balak na sana naming lumabas na rin at hanapin ka."sabi ni froi.

"Ah d-diyan lang.Naihi lang ako."palusot ko.Ewan ko pero imposibleng hindi nakita ni crause si kleir kanina.

Mukhang napapayag ko naman ang kaibigan ko at saka kami lumabas ng gymnasium.Pero bago pa iyon napa sumulyap pa ako sa gawi kung saan ko iniwanan si kleir.

"Anong ginawa sayo ni kleir?"medyo na nasamid ako sa iniinum kong milk tea ng tanungin ako ni crause.Narito kami sa isang coffee shop malapit sa school.Eto namang si froi ay mukhang natabunan ng inoorder nito.

Humugot muna ako ng malalim na hininga saka sumagot."Wala naman.Medyo masungit lang yun dahil sa pagod."

"Kaya kailangan kaladkarin ka ng ganun lang"tama nga ako nakita niya nga si kleir.

"Pero bakit hindi mo sinabi kay froi?"

"Mukha naman kasing walang alam yung kaibigan mo tungkol sa inyo ni kleir.Tama ba ako?"medyo napipi ako sa huli.Tama nga naman siya.Hindi ko maiwasan maguilty dahil doon nakukuha kong maglihim sa kaibigan ko.Samantalang si froi lahat ng baho at kalokohan niya sinasabi niya sa akin.

"Naku..madaldal kasi iyong isang iyon."Napatingin ako sa gawi ni froi kung saan siya nakapila.

"Sa tingin ko hindi iyon ang dahilan."Mukhang magaling bumasa ito ng nilalaman ng utak ng tao at nadale niya ako.

"Kasi..kasi ayokong malaman niya o nang kung sino man."hindi ko maiwasan mapahiya sa sarili ko.

"Kaya palihim kung magkita kayo?"Napatingin ako sa kaniya.Napangiti siya."Lagi ko kayong nakikitang magkasama subalit may mali sa tuwing nagkikita kayo."naghihintay ako muli ng ibubulgar niyang mga salita.

"Lahat ay patago.At sa tingin ko sa kalagayan mo.Sunodsunuran lamang.Am i right again?"Napatango na lamang ako dahil lahat ay totoo.

"May gusto ka ba sa kaniya?"Doon ako labis kinabahan.Sa tanong na alam na alam ko ang isasagot.

-----

A/N:Hmmm.Medyo nakatatlong ulit ako sa chap nito.Nagloko na naman kasi ang drafts ko.Saka pabago bago ang plot na ginawa ko rito.Hehe..guys bigay kayo ng magandang songs na babagay sa story na ito.Patulong lang hihi.

ORIGINAL DATE POSTED:04/17/17

-CinnamonGrapes.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now