Chapter 18

5.9K 270 5
                                    

(KHALIL)

Nalaman ko na ang resulta ng aming pagsusulit.Mabuti nakapasa lahat ang score ko sa lahat ng subject.

"Uy!congrats nakapasa tayo!!"natutuwang sabi ni froi.

Masaya naman ako pero hindi ko naman maiwasan ang kabahan para kay kleir.

Kamusta kaya siya?

Nakapasa kaya ito?

Kinuha ko ang cp ko saka hinanap ang pangalan sa contact ko.

Musta?:)

Kaagad kong sinend ito.

Matagal pa bago ako nito nareplyan.

Mabuti naman.Kita tayo sa lunch break sa labas.

Napangiti ako sa simpleng mensahe niya.

"Hoy!sino yang katext mo at kelangan wagas makangiti?!"kaagad kong tinago ang cp sa bulsa ko.

"Hmm.Si mama lang."pagsisinungaling ko.

Gusto ko ng ipaalam sa kaniya ang tungkol kay kleir.Ngunit baka naman may tamang panahon para dito.Para maipakilala ko sila sa isat isa.

"Ay sus!baka naman si fafa crause yan ayaw mo lang sabihin.Tss,sige iyo na! iyong iyo na!sus mas maganda naman ako sayo at seksi pa!"umikot naman ito umarte na parang modelo.

Napatawa na lamang ako sa arte nito.

Natapos ang klase at gaya ng inaasahan kaagad akong nagmadaling lumabas.

Hindi na ako nakapagpaalam kay froi na mukhang busy naman sa pagchichikahan sa mga kaklase namin.


Nagtungo na ako sa lugar na kaniyang sinabi.

Nakita ko naman kaagad siya sa tabi ng kaniyang motor.

Ewan ko lang pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng pagmasdan ko siya.

Nakasuot siya ng varsity jacket habang pasimpleng nakaupo sa kaniyang motor.Lalong dumagundong ang pagpintig nito ng tumingin siya sa aking gawi.Isang nakakatunaw na ngiti ang siyang aking nasilayan sa kaniyang mukha.

"Khalil!"sigaw nito.Parang slow motion ang kaganapan na unting unti namin na paglalapit sa isa't isa.

Mga bisig niya na nakalahad ang siyang yayakap sa akin.

At ang matamis nitong labi ang...

"Khalil?huy!ayos ka lang ba?"Bulik naman ang aking wisyo ng alog alugin ako nito.Ilusiyon lang pala.

"Oo ayos lang.A-ano..anong atin?"pautal utal kong sabi.

"May good news ako sayo?"

Halata ko ang kasiyahan niya sa mukha ng sandaling iyon.

"A-ano naman?"

"NAKAPASA ako!"halos mabingi ang aking isipan sa kaniyang sinabi.

"Talaga?"

"Oo.Kaya bilang pasasalamat ililibre kita.Saan mo gusto kumain?Kahit saan basta treat ko."Halos hindi magkamayaw ang aking puso sa kasiyahan.

Hanggang sa...

"Khalil.."rinig kong bulong nito sa akin habang ako ay nakayakap sa kaniya.

"Masaya ako dahil nakapasa ka."Bumitaw rin ako ng mga sandaling iyon.

"Syempre lucky charm yata kita.Kaya salamat talaga sayo."

"L-lucky charm?paanong lucky charm?"Naguguluhan man pero hindi ko maiwasan kiligin.

"Dahil simula ng nakilala kita maraming nagbago sa akin.Tulad nito,nakapasa ako sa mga pagsusulit ng walang halong pandaraya.At baka hirangin ako muling MVP ulit sa darating na finals kaya sana naroon ka muli para manood sa akin ha?"paglalahad nito.

"Pero hindi naman talaga ako ang lahat ng dahilang iyon.Ikaw at ang pagsisikap mo.Iyon ang mga naging bunga nito kleir.Kaya dapat pagbutihin mo pa ang pag aaral mo."tumango naman ito na parang bata.Saka inabot ang helmet niya sa akin.

"Tara na!"saka kami nagtungo kung saan.

Pizza house.

Dito kami napadpad ni kleir.At dito narin namin naisipang kumain.

"Oh heto."sabay lapag nito ng isang slice ng pizza sa plato ko.Tinanggal niya pa ang mga bell pepper na nasa ibabaw nito bago ibigay sa akin.Nagpasalamat naman ako.

"Sabihin mo sa akin kapag gusto mo pa at ako na ang kukuha at magtatanggal ng bell pepper."pinilit kong wag kiligin sa harap niya.Parang ang hirap kasi feeling ko libo libong kiti kiti ang nagdidiwang sa tiyan ko.

"Kaya ko naman,saka abala pa sayo.Kumakain ka rin naman."paliwanag ko.

"Ayos lang naman.Saka nakakatuwa palang gawin ang magtanggal niyon."Somewhere parang nagustuhan ko na ang bell pepper na kainin.

Natawa na lamang ako sinabi niya.Habang kumakain biglang nagring ang phone niya sa bulsa kaagad niya naman iyon kinuha.Pero tinignan niya lang ito saka ibinalik sa bulsa.

Kumain ulit siya at nagring muli ito.Kagaya kanina iyon muli ang ginawa niya.

Inis niyang pinatay ito saka ibinalik sa bulsa.

"Nakakainis tawag ng tawag."reklamo nito bago isubo ang slice ng pizza.

"Hmm..sino ba iyon at mukhang ayaw mong makausap."

"Wala.wag na lang nating pag usapan."ah okey.Ikaw kasi khalil hilig mang usisa!

Natapos namin ubusin ang isang pizza nagkwentuhan muna kami bago umalis.

"Nga pala pupunta ka ba sa gaganaping farewell program ng school?"Sabi nito bago iabot ang helmet sa akin.

"Hmm.hindi ko pa alam eh,bakit mo na itanong?"sa totoo lang ayoko naman talaga dumalo subalit nakapangako na ako kay crause.Nagaalangan lang ako dahil wala pa akong maisip na masusuot ng araw na iyon.

"Wala naman."sagot nito.

"Eh ikaw kleir pupunta ka ba?"

"Hindi ko rin sure.Darating kasi yung kaibigan ko galing sa ibang bansa.Ako kasi ang magsusundo sa kaniya."Paglalahad niya.

"Ganoon ba?Naku sayang naman sabi nila maganda pa naman ang hinandang program ng mga SC para mga dadalo."

May parte sa utak ko na sana dumalo na lang ako at sa gayon makita siya pero mukhang malabo naman iyon.Gayong hindi naman pala siya dadalo.

"Sige.Kung makakahabol baka makapunta pa."

Baka kailangan ko ng maghanap ng maisusuot na damit.

(A/N:PLUG ko sana yung gawa ng baguhan kong kaibigan.MICKYUAN.Cant take away my eyes from you.Mukhang maganda.Pakisupport naman.Tenkyu.)

-CinnamonGrapes.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now