Chapter 6

7.1K 320 26
                                    

(KHALIL)

Matapos ang araw na naganap sa amin ni kleir sa storage room ng library ay tila naglahong parang bula iyon.

Nandito ako ngayon sa science lab ng school ng makatanggap ako ng text galing sa kung sino.

Gym.4:00 sharp.Bring mineral water..

Yun yung nakalagay sa text.Nireplyan ko naman ko ito ng "who you?".At halos hindi pa nagiinit ang pagtipa ko sa cellphone kong 3210 bokia ay may nagreply agad.

Kleir.

Halos lumuwa ang eyeball ko.Saka ko lang naalala na kinuha pala nito ang number ko.Akala ko trip niyang maging textmate kami kung sakali.Pero about pala ito sa slave thingy niya pala iyon.

Ayos na rin kasi makakasama ko siya plus makakausap ko na rin siya.Naging instant ang lahat hindi gaya dati na sa malayo ko lang siya malayang pinagmamasdan.Ang swerte ko.

Sinabi ko kay froilan ang nangyari sa amin ni kleir.Ayaw pa niyang maniwala sa akin pero dahil bff kami nito ay syempre sumakay na sa ikinuwento ko.

May mga agam agam pa nga siya pero sinabi ko na lang na "wag kang maging nega."

Matapos ang module na ginagawa ko ay dali dali akong tumakbo sa tindahan sa loob ng school.Humugot ng naitabi kong pera sa aking baon at saka bumili ng mineral water.

Sa sobrang pagkukumahog ko natisod pa ako.Medyo masakit sa tuhod.Hindi pa ako kaagad nakatayo dahil kumikirot ang bahagi ng tuhod ko.

"Need a help?" Napatingala ako sa kung sinong nag-aabot ng kamay niya sa akin.

Agad ko iyong inabot at dahan dahan sa pagtayo ang aking ginawa.

Nagpagpag pa ako ng aking slacks.

"Ahhh..s-salamat sa.."napanganga ako nang harapin ko yung taong tumulong sa akin.

Si Crause Willer.

Iyong transferee sa higher section.Halatang halata sa pagiging may lahi nito.

May pagkayellowish ang kulay ng buhok at ang kulay ng mata nitong mala-asul.At ang idagdag pa ang tangos ng ilong nito.

Snap*

Pagpilantik ng kamay nito sa harap ko.Nakakahiya.Nakita niya ang paghanga ko sa gaya niya.

"You ok?"tanong nito.

Napatango na lamang ako dahil wala yata akong boses na mailabas sa harap niya.

"Ah ok,sorry but im in hurry..so maybe we will meet some other time..see yah!"at saka nagmadaling umalis.

Napatingin ako sa hawak kong bote.

Whoah!

Nagmadali akong tumungo sa gymnasium.Nadatnan ko ang pagpapraktis ng mga grupo nila kleir.Hinanap ko kung nasaan si kleir.Natanaw kong nasa sulok malapit sa exit ito,hawak ang cellphone niya.

Lumapit ako rito.Pawisan siya habang nakasabit ang towel sa kaniyang balikat.

"Ahh..k-kleir?"salubong ko.

Napatingin naman kaagad sa akin ito.

Matalim at tila masama ang timplada nito.Pakiramdam ko.

Hinablot nito ang braso ko at hinatak patungo sa hallway ng exit.Wala pa naman gaanong nadaan sa mga oras na iyon dahil uwian na.

"HINDI BA SABI KO SHARP 4PM!!"sigaw nito.

Napatungo ako.

"Anong oras na?!!"tanong nito.Halata na nagpupuyos na ito sa galit.

"S-sorry..k-kleir."ang tanging kong na sabi ko.

"Sa susunod sumunod ka ng maayos sa pinaguutos ko kung ayaw mong pagpiyestahan ang pagiging baklang stalker mo!!!"angil nito.

Pinigilan ko ang paglagapak ng luha ko.

Kasalanan ko nga naman.Kung hindi nga naman ako tanga at lampa.Mataba nga ako pero ang ampao ko lang..

"Now get out of my sight!...fag"

Naglakad ako ng marahan dahil tila masakit na ang aking tuhod mula sa aking pagkakadapa kanina.

Nagulat naman ako ng pinigilan ako ng huli.

"A-anong...bakit ganyan ka maglakad?"tanong nito.Pero nanatiling nakayuko lamang ako.

"W-wala ito.s-sige mauna na ako wala ka na yatang ipaguutos."at nagpatiuna ako.

Napahinga na lamang ako ng malalim.Nang makalabas ng gymnasium.

Sino nga naman ba ako?isang hamak na tagahanga na laging bubuntot buntot sa kanya.



------
A/N:Si YuYang ng Here U Are ang bagong bookcover ko.Sino nagbabasa ng manhwa?

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now