:44

1.8K 133 13
                                    

K   H   A    L   I   L

Ang araw ay naging buwan.Ang akala ko ay babalik siya kaagad agad.Subalit wala akong kasiguraduhan.Hanggang ngayon na walang ni anong balita patungkol sa kaniya.Wala siya sa condong tinutuluyan niya.

Kaya hindi ko alam kung saang lupalop siya ng pinas hahagilapin.

Lalo pa na hindi ito nagbubukas ng mga account niya.Maging sa cellphone hindi ko siya magawang makausap.

Maging ang mga kabanda niya hindi ko mahagilap sa tuwing ako ay pupunta sa bar na madalas nilang tugtugan.

Ang sabi ng assistant ni jonas ay pansamantalang nagbabakasyon siya.

Ito ba ang dahilan ng pagiging balisa niya noong sandaling iyon.

Plano niya na talagang iwan ako.

Paasahin.

Ang saktan.

Patikim lang ba ang lahat..

"Anak,ginabi ka na ata.Kumain ka na ba?halika at hahainan kita ng pagkain."alalang salubong ni mama sa akin.

"Ma,busog pa po ako.Gusto ko na pong magpahinga."Wala akong ganang kumain simula pa kaninang umaga.

Paano ba naman ay napanaginipan ko siya.Yakap yakap niya ako at nakatingin kami sa kung saan.

Ngunit paglalaro lamang pala ito ng aking imahinasyon.At sa tuwing naiisip ko siya.Hindi ko maiwasan ang mapaluha.

Bakit ganoon,kung kailan natuto na akong magmahal saka naman ako nasaktan agad agad.

Ganito ba ang pag mamahal na sinasabi niya sa akin.Yung paglaruan ang damdamin ko sa mga bagay na pinakita niya sa akin.

"Anak,h'wag mong sarilinin ang nararamdaman mo.Marahil may mga bagay siya ngayong  kinaharap.Hayaan mo muna siya.Bigyan mo ng pagkakataon na magpaliwanag ang tao sa pagbalik niya."

Pagbalik?babalik pa nga ba siya?

Baka naman sadyang pinaasa niya lang ako sa matatamis niyang salita.Sa mga pagpapakita niya ng mga bagay na ikahuhulog ko lalo sa kaniya.

Nahihiya ako sa sarili ko dahil naging tanga ako sa pagmamahal niya.

Yung tipong nasa rurok ka na ng kaligayahan ay siyang lagapak ko sa lupa.

Akala ko mapapaiyak niya lang ako dulot ng pagmamahal niya.Hindi pala..Dahil katumbas lang pala ito ng hirap na mahalin ang isang tulad niya.
-----

"Khalil,kumain ka muna.Kanina ka pa diyan sa ginagawa mo."sa totoo lang panay yaya nila sa akin.At lagi ko naman itong tinatanggihan.

Wala talaga akong gana sa ibang bagay.

At naiinis ako.Dahil pati ang mga taong nais akong makasama ay siyang binabalewala ko.Dahil lang sa kabiguan ko sa taong iyon.

"Wala ka pa rin bang balita sa kaniya."saad nito at inilapit ang upuan niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Wala.At kung meron man wala na siguro akong pakialam doon."maang sabi ko habang patuloy na nagtitipa sa keyboard.

"Bakit naman aber?!"sinamangutan ko ito."Malamang,siya nga nagawa niya akong baliwalain.Hindi ko gawain maghabol lalo na kung wala naman pala akong mapapala."sagot ko.

"Aray!!"napadaing ako ng ihampas sa akin nito ang nirolyong mga papeles sa lamesa.

"F.Y.I hindi pa kayo break diba?saka ang sabi niya matatagalan lang siya.At babalik diba?Kaya wag kang nega diyan uy!"sana ganoon lang kagaan ang umasa.Kaso hindi niya alam ang nararamdaman ko.

Hindi niya alam kung paano ko hinahanap hanap ang mga matatamis niyang ngiti,ngisi at maging halakhak.

Pati ang nakakadik na mga halik nito sa akin.Mga yakap niya.At maging ang boses niya.

Hindi nila alam kung gaano kahirap tiisin ang sarili ko sa pangungulila sa kaniya.

Tanga na kung tanga!pero mahal na mahal ko pa rin talaga siya.

Kung babalik siya para sa akin.Papatawarin ko siya.Agad agad.

Sa mga ipinayo sa akin nila mama at ng mga kaibigan ko.Iisa lang ang nais nilang sabihin.

Ang maghintay..

-----

"Ikaw wag kang killjoy nandito para magsaya hindi para mag emote!mahal ka nun kaya babalik yun!"halos mabingi na ako sa pabalang na bunganga ni froilan.

Dinala niya ako sa isang bar.Para mag enjoy kuno"hindi naman talaga ako ang nag eenjoy dahil kanina pa umiikot ang ulo niya kakatingin sa mga lalaking dumadaan sa amin.

"Ay nandito na raw siya.Makikilala mo na rin siya!"ang sabi nito sabay tila kinikilig ang pantog niya sa kinauupuan ng mabasa ang text ng kung sino sa cp niya.

Baka nagtawag ng back up dahil nao-OP sa akin.Haay..

----

"Mabuti at nakarating ka!Dahil kung tatanggihan mo na naman ako hindi na talaga tayo friends!"napatingala naman ako sa kausap niya.Medyo nahihilo na ako sa tama ng alak.Mahina kasi ang tolerance ko sa alak.

Kahit nagdodoble ang paningin ko masasabi kong gwapo ang kaibigan nitong si froilan.

Hindi ko makitaan ito ng lamya sa tindig niya.Straight pa yata ito.Kawawa naman siya kay froilan dahil panigurado pinagnanasahan na siya nito.Hahahaha!!

"Long time no see khalil..."ang sabi niya sa palagay ko.Hindi ko na rin kasi maunawaan ang nangyayari sa paligid ko dahil tila umiikot na ang aking diwa gawa ng presensya ng alak.

"Long time no see din..hik*sino ka nga ba?hik*"

Nagkatinginan pa ang dalawa ng nagsalita ako.

Tatayo pa sana ako para lapitan sila.Tila dumadami kasi sila sa paningin ko.Langya ang daming back up ni froilan!

Pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay siyang pagtama ng dilim sa aking paligid.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon