Chapter 8

6.5K 307 17
                                    

(KHALIL)

Matapos namin makauwi.Heto ako at nag-aayos ng mahihigaan niya.Nakakahiya naman kung magtatabi kami eh sa akin palang hindi na sapat itong kama ko."Oh!mahiga ka na..wag ka ng mag inarte dahil iyan lang ang maiaalok ko sayong tulugan."Humiga naman ito matapos kong ayusin ito.

Saka ko naman kinuha sa likod ng tokador ko ang folding bed.Extra ito para sa aming mga bisitang nanunuluyan dito.Lalo na kapag sasapit ang bakasyon dahil pumupunta ang kamag anakan namin dito sa bahay.

Aktong ilalatag ko na ang sapin ay dagli siyang napabangon."Diyan ka hihiga?"ang mahinahon nitong tanong sa akin.Napatango naman kaagad ako.

"Bakit di ka na lamang humiga dito?wala naman kaso maliban na lamang kung.."

"Ay tigil tigilan mo nga ako kleir.Pinagbigyan na nga kitang makitulog dito aasarin mo pa ako matulog ka na nga!"Asik ko habang inaayos ang hihigaan ko.Wala kami sa school para alipinin niya ako ng husto.

Nang makahiga na ako ay siya ring higa nito sa kama ko.

"Ang bango naman ng unan mo."puna nito habang sinisinghot ito.adik lang?

Hindi ko na lamang siya pinansin bagkus ay tinuon ko ang aking sarili sa pagtulog.Mukha kasing mahihirapan akong itulog ang mga ganitong kaganapan lalo pa at narito kami sa iisang kwarto ng labis kong hinahangaang tao.haay.

"Uy..khalil tulog ka na ba?"

"Psst..uy!"

"Khalil?"

Mga pangungulit nito sa akin.Pero ako? pinanindigan talaga ng mga mata kong pumaFamas acting award sa pagkukungwaring tulog.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglundo ng aking kama.Siguro ay malikot itong matulog.

Subalit mukhang mali ang aking hinala.Naramdaman ko ang pagtabi nito sa aking kinahihigaan.Jusme paano ako makakatulog nito!

Yumakap ang braso nito sa aking katawan.Tila naninigas akong yelo sa aking kinahihigaan.Ramdam ko ang init na nagmumula sa matipuno nitong katawan.Lilingon pa sana ako sa kaniya subalit,

"Good night"

Maging ang init ng hininga nitong dumampi sa aking batok ay kay sarap.

Wala na akong magawa dahil mukhang tinukhang  na ako ng antok.

At sa kaniyang bisig,dumapo na ang kadiliman ng gapiin ako ng antok.

Nagising ako mula sa sinag ng araw na siyang sumisilaw sa aking kinahihigaan.Parang ang sarap ng panaginip ko.Nakatabi ko daw ang ultimate crush ko sa pagtulog!

Nagunat unat pa ako.Pero laking gulat ko na wala pala ako sa kama at nasa sahig ako.

At ang mas nakakagulat ang taong katabi ko!

Anong ginagawa niya rito?Paano siya nakapasok sa aking silid?Ibig sabihin totoo ang lahat!

Inalala ko ang lahat bago ako matulog.

Tama!!

Nakasama ko nga siya kagabi.Hindi pala kung hindi sa buong magdamag kaming magkatabi.

Ngayon naman ay hindi ko maalis alis ang mga mata ko sa mukha niya.Sa mga mata nito na may mahahabang pilikmata at maging sa tangos ng ilong nito,hindi rin nakaligtas ang mapupulang labi nito.Hanggang sa dumako ito sa kaniyang katawan.Wala pala siyang suot pangitaas na damit!

Pak na pak ang six pack abs nito!Mga bes!

"Matunaw ako niyan."nagulat ako sa husky nitong boses.

"Heh!bakit ba kasi nandito ka sa higaan ko?!"sita ko rito at nginisian lamang ako.

"Gusto mo naman."inikutan ko lamang ng mata ito at saka ko napagpasiyahang tumayo na.Imbyerna!

Pero lumuwa ang mata ko ng biglang nagbukas ang pinto ng aking silid.

Si Mama!

Gulat itong napatingin sa akin at maging kay kleir!

paktay!

-----

A/N:whew!

Original date posted:03/09/2017

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now