:51

1.8K 120 11
                                    

K   H   A   L   I   L

Vincent Klei Angeles.

Noong pagkalapag pa lang ng eroplanong sakay ang bata siyang ipakikilala sa akin.Abu't abot ang kaba ko ng sandaling iyon.

Nakakapagsalita na raw ito.At marunong magtagalog dahil sa kagustuhan ni klier.Kaibigan ni Cassie ang siyang nag alaga sa bata.Siya ang ina ni Klei.

May sakit pala sa puso si Cassie.Naging malubha ito dahilan para hindi niya kayanin ang panganganak sa bata.Sa awa ng diyos ay walang naging komplikasyon ang bata ng maisilang ito.

Laking pasalamat na lamang ni kleir na nakaligtas ang bata mula sa operasyon.

Ang kwento pa ni kleir ay mahaba haba pa na proseso bago ibigay sa kaniya ang pangangalaga sa bata.

Kaya hindi niya raw muna ito sinabi sa akin dahil balak niyang isorpresa ako sakaling makuha niya ito.Naunahan lang daw siya ng pangyayari.Pero sabi ko naman ay hindi na mahalaga iyon.Kung meron man ikinaganda ang pagkakamali sa aming dalawa.

Iyon ay naging open up kami sa isa't isa.Nagkaroon na rin ng kuro kuro sa aming dalawa.

Kalat na sa buong kumpanya ang patungkol sa amin.Dahil na rin sa matabil na dila ni marg.

Inaamin ko na may pagkakataong hindi ako masanay sa klase ng kasikatan ni kleir.Lalo pa kung kami ay nalabas o namamasyal.Hindi ko maiaalis na iba ang ibinibigay nilang kahulugan sa klase ng gawi ni kleir sa akin.

Naroon yung todo alalay o pag aasikaso niya sa akin.Nakakahiya man pero tila babae ako nito kung asikasuhin.

At hindi ko maiwasang kiligin sa mga pagkakataong iyon.

"Daddy!malayo pa ba ang bahay nila papa?"tanong nito sa nagmamanehong ama.Sa condo na kasi ako ni kleir namamalagi.Simula ng magkaayos kami.

Todo tanggi pa ako noon dahil nga walang kasama sila mama.Pero itong si mama.Abut abot ang panenermon sa akin.At siya pa ang may suhestiyon ng bagay na ito kay kleir.

At dahil sa sunod sunuran naman ang mokong at mukhang talagang sang ayon ang kapalaran kay kleir.Wala na akong nagawa ng makitang nakalagay na sa maleta ang mga gamit ko.

"Malapit na baby.Konting drive na lang ni daddy"ang pag aalo ko.

Malambing na bata si klei.Unang kita pa lang namin ay masasabi kong naging malapit na siya agad sa akin.

Hindi ko nga inakala na tatawagin niya agad akong papa ng magkita kami sa unang pagkakataon.

Kilala na raw pala ako nito dahil may ilang larawan ako na siyang ipinapadala ni kleir sa kaniya.

Masayang masaya ang bata dahil sa ipinararamdam naming pagmamahal sa kaniya.

Sa ngayon,hindi muna ako pinapasok ni kleir.Ang gusto niya kasi ay makabonding ko pa ng husto ang bata.Sumang ayon naman ako.Hindi ko naman maatim tanggihan ang napaka cute na batang ito.(Nasa Fb page ang pic ni baby klei)

Ngayon lang din kami dadalaw kina mama na kasama ang chikiting na ito.Tuwang tuwa nga ng sinabi kong narito na ang apo niya.

Matagal na palang alam ni mama ang tungkol dito.Nais lang pala talaga nila akong sorpresahin.

Kapag kuwan na nauna kasi ang pag iinarte ko.Haay..

----

"Wow!ang daming balloons papa!"halos magtata-talon sa tuwa ang bata ng makita ang hinanda nila mama para sa kaniya.

Agad na nag mano ang bata kay mama.Halos hindi mapigtas ang ngiti nito ng makita ang bata.

Maging sila simon at junie ay galak na galak.Hindi na raw sila ibe-baby ni mama.Dahil daw kay klei.

Ibayong saya ang nararamdaman namin ng sandaling iyon.

Habang kumakain dumating sila marg at froilan.Kasama rin si crause.

Nang gabing iyon,nagkasabwatan pala ang lahat.

Palabas lang pala ang balitang iyon.At pinagplanuhan nila ang lahat para lang bumalik ako kay kleir.

(Flashback)
"Paano kung ayaw ko?"

Naging mabigat agad sa aking dibdib ang kaniyang sinabi.Akala ko mabilis niya akong mapapatawad.

Sabagay kahit sino naman ang nasa lugar niya.Mag aalinlangan lalo na kung ibinigay niya ang lahat lahat.

Napayuko ako dahil sa pagkadismaya.

"Joke lang!Alam mo namang hindi kita mahihindian.Ganyan ako ka-obsess sayo.Kaya kung kailangan maging posessive ay gagawin ko.Ayoko ng pakawalan ka khalil."

Habang yakap yakap niya ako.At siyang higpit din ng pagyakap ko sa kaniya ng sandaling iyon.

"Kaya subukan mo akong iwan ulit,itatali na kita sa katawan ko khalil."

Pinaghandaan namin sila ni mama.Saka nagsalu salo.

"Kamusta naman ang buhay ng prinsesa?kleir."entrada ni froi na siyang taas ng kilay ko sa kaniya.

"Oo nga sir,ang haba ng buhok niyang sisteret ko ha?!Tinalo pa ang haba ng ilog pasig."panggagatong ni marg.

Tila close pa ang dalawa.Bagay sila,parehong mga baliw.

"H'wag kayong ganyan kay mahal.Nagba-blush na tuloy siya."sabay ngisi.

Kinurot ko tuloy ng walang pakundangan ang katabi ko.Napa aray naman siya.

"Ang sadista mo talaga!"pagrereklamo niya.Sinita naman ako ni mama."Khalil h'wag kang ganyan.Hindi pa kayo kasal inaaway mo na yang mapapangasawa mo!"

Napaumid naman ako sa sinabi ni mama.Kasal?

Kailangan pa ba iyon?Sabagay marami ang nangangarap na kagaya ko ang mangyari sa kanila ito.

Pero sa pagsasama namin ni kleir mukhang tama na itong sitwasyon para sa amin.Hindi pa naman siguro gusto ni kleir ang magpatali sa akin.

Sabagay hindi ko hawak ang panahon para sa aming dalawa.At hindi ko naman kakayanin kung sakaling...

"Kanina ka pa tahimik.May problema ba?"pagpukaw sa akin ni kleir.

Kasalukuyan kaming nanonood ng palabas sa laptop.Narito kami sa kwarto ko.Nasa tabi ko si klei at mukhang napagod sa paglalaro dahil nakatulog agad.

"Wala naman."Ang sabi ko.Inunan niya ang braso niya sa ulo ko.Nagdikit lalo ang katawan namin.

"Tsk,kung may gusto kang sabihin.Open up babe."bulong niya sa akin.

"Wala nga.Pagod lang siguro.Ikaw,mukhang hindi ka man lang napapagod sa buong araw ah?Si kulit nga sumuko agad oh."pag iiba ko.

"Hindi ako mapapagod lalo na kung kasama kita.Kayo ni klei.Sa inyo ako humuhugot ng saya at lakas."Napangiti naman ako at instant kilig na rin.

"I love you.."matapos niyang pugpugin ng halik ang labi ko.Hindi ko maiwasan ang mapa ungol.

"I love you more.."ang tugon ko.

Siguro dapat na akong makuntento sa kung anong meron kami ngayon.Yung masaya kami sa isa't isa.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now