Chapter 34

5K 237 22
                                    

(KHALIL)

Nasa isang theme park kami.Kasama ang mga kapatid ko at si mama.Halatang halata ang kasiyahan sa mukha ng kambal.Pati na rin si mama.

Hindi ko alam na planado na pala talaga itong lakad na ito.Nagising na lang ako na bihis na sila,ako na lang ang nakahilata sa kama.

Pansin ko rin ang kaibang closeness ng nanay ko at ni kleir.Kung ako lang siguro wala akong masasabi,ang kaso mukhang mamasang si mama sa tabi ni kleir.

Kanina nga sa sasakyan ay nasa likuran ako katabi ang mga kapatid ko.Samantalang si mama ang nasa front seat.

Mabuti na lamang at isinama ng kambal ngayon si mama sa isang ride kaya nayakag ko naman si kleir kung saan.

Mabuti na lamang at nakashades ito.Simpleng shirt at pants lang din ito.Pinagcap ko na rin siya.Baka kasi may makakilala sa kaniya kung sakali.Masyado kasing angat ang ayos niya ng dumating siya sa bahay.


Napadaan kami sa space shuttle.Mukhang nakakalula pero parang exciting.Kaagad kong dinala kleir doon.Nang makakuha kami ng ticket,kaagad na kaming umupo sa kalagitnaang bagon.

Ngayon lang kasi ako makakasakay dito kaya hindi ko talaga maitago ang ngiti ko.Simula kasi ng mawala si papa,mas naging busy ako sa pagtatrabaho.

Nang magsimula ng umandar ito ay makapigil hininga ang papaakyat na senaryo nito sa tuktok ng riles.

'WAHHHHHHHHH!!!!'lahat kami ay napapasigaw sa pinaghalong saya at kaba dulot ng rides na ito.

Nang matapos,medyo hilong talilong akong naglalakad.

'Phew,grabe.Nakakahilo pero ang saya.'komento ko.

May natanaw naman ako na mas exciting sa di kalayuan.Nakita ko kasi yung mga naglalaro.Kaagad ko na namang hinila si kleir papunta roon.

Nang makapasok kami ay kaniya kaniya kaming suot ng mga protection gear at nakinig sa mga instruction sa laro.

Bale ang siste,hinati kami sa grupo.Syempre teammate ko si kleir.Nakikita ko lang ito sa tv dati pero ang saya ko lang na masusubukan ko na ang larong ito.

Panay takbo at tago lang ang gawa ko.Habang si kleir ay ilan na ang nabaril sa kabilang squad.Samantalang ako hindi ako makatatama ng kalaban.Sira ata ang gamit kong baril ng paintball.Akmang lalabas ako ng makita kong may papalapit na kalaban.Nakafocus lang ito kay kleir.Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.At inalog ko ang aking baril sabay kasa.

Sunod sunod na tama ng paintball ang inabot ng kalaban.Pero hindi ko inasahan na nakatingin na ang mga iba pa naming kalaban sa gawi ko dahilan para kabahan ako.Patay!

Nang sandaling iyon napapikit na lang ako.Hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil na rin sa kaba.Subalit napamulat ako ng may bumalot sa aking katawan.At siya ang sumalo lahat ng tira ng kalaban namin.

------

'Khalil,bat kanina ka pa walang imik?Masama ba pakiramdam mo?'tanong ni mama.Kumakain kami ngayon sa food park.Umiling lang ako bilang tugon.

Sa katunayan naman kasi ay nahihiya lang ako.Nahihiya ako kay kleir.Naisip ko kasi ang mga bagay na ginawa ko.Nag eenjoy ako samantalang siya,hindi ko man lang natanong kung masaya ba siya? O ano.

Pero naisip ko na masyado pa namang maaga.Maaaring makabawi pa naman din ako sa kaniya kahit papaano.

Matapos kumain,nagpasya kaming sumakay ng ferris wheel.Ang kaso pang dalawahan lang bawat upuan nito.Nagpasya sila mama na sa ibang rides na lang sila sasakay ulit.

Para naman daw masulit namin kleir ang date'daw namin.Minsan napapaisip ako e,mas mukhang teenager si mama sa akin mag isip.Mabuti na lang at natagalan ni papa ang kakulitan ni mama.Sabagay,never kong nakitang nalungkot si papa noong nabubuhay pa ito.Kalog at palabiro kasi si mama.

Naglalakad lang kami ni kleir,hindi pa ako makapag open up dahil sa nangyari kanina.Nainis lang ako dahil tila pinagtulungan kami ng kabilang squad.Ang daming tama ng gear ni kleir.

Nahihiya lang ako dahil muntikan na akong maiyak ulit sa harapan niya.Sabagay hindi naman kami malalagay sa ganoong sitwasyon kundi sa katangahan ko.

'K-kleir ayos ka lang ba?'panimula ko.

'Okay lang naman.Hmmm,kung iniisip mo yung kanina.Wala lang yun.'Nang sabihin niya iyon nakikinita ko sa mga mata niya ang sinseridad.

'Sorry kung ako lang ata ang nag eenjoy sa buong araw na ito.Na nakalimutan kong kasama pala kita.Sorry talaga.'Hindi ko naman magawang tignan siya dahil sa nahihiya nga ako.

Subalit hindi ko inasahan na hahawakan niya ang kamay ko.Pinagsiklop niya ang mga palad naming dalawa.At siyang ikipinang init ko.

Pero bigla akong naconcsious sa paligid.Dibat'nakakailang yung dalawang lalaki na magkahawak kamay?Pero pawang wala namang atensyon akong nakikita sa mga tao sa ginagawa namin ni kleir.

Kung ganito siya kalapit sa akin,parang hindi ko nagugustuhing bumitaw pa.Lalo na't ramdam ko ang init sa kaniyang mga kamay.

Sana..

Sana lagi ko siyang naaabot ng ganito.Yung hindi ko na kailangan pang tumingala sa langit at pangarapin ang mga bagay na gaya nito.

Tumigil kami sa isang cliff,kung saan tanaw namin ang pababang liwanag ng araw.Presko ang lugar dahil na rin sa nasa mataas kaming bahagi.Unti unting lumilitaw ang liwanag mula sa kabahayan sa siyudad.

'Ang ganda naman dito.'sabi ko.Hindi ko maiwasang humanga.

'Do you like it?'tanong niya na ikinatango ko agad.Napansin kong sumipat siya sa kaniyang wristwatch.

'Ang sabi ni mommy noon,kung sakali raw makasama ko ang isang tao sa pambihirang oras at pagkakataon.Maaaring siya na ang kasagutan ko sa hinaharap.Kahit hindi ko man maintindihan ang kaniyang nais ipunto noon.Sa ngayon nakakasiguro akong alam ko na.Nakapagnakita mo yung taong iyon,siya na yung itinakda para sayo.'pinagmasdan ko siya.Seryoso siyang nakatanaw sa kung saan.

Pero habang nakikinig ako sa kaniyang mga sinasabi,parang may kung anong naglalaro sa aking kalamnan.

'Alam kong masyado pang maaga,para sa ating dalawa.Pero gusto ko,ikaw na yung makasama ko hanggang sa huli.'

A/N:Ehem!

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now