Chapter 1 6

6K 291 19
                                    

(KHALIL)


Medyo magulo ang utak ko na kasing gulo ng umaga ko ngayon.Bakit?

"Kuya!Si kuya kleir!Nandito siya!may pancakes pa siyang dala!"salubong kaagad ni junie ng makita ako nitong pupungas pa sa sala namin.Halata talagang kagagaling lang sa higaan ang ayos ko.

At ano naman kaya ang ginagawa nito sa amin aber?Umagang umaga ay pinagugulo nito ang takbo ng utak ko!

Nakita kong pumasok ito ng pinto at kasunod si papa.Halata sa mukha nila na parang close na sila dahil sa parehas na lawak ng mga ngiti nila.

"Oh!gising na pala siya?Anak ang aga ng dalaw ng bisita mo oh?!"

Ngumiti na lang ako ng mapakla at sumenyas na magbabanyo lang.Nakakahiya kung mapansin niya ang morning breathe ko.Mapuna pa ako nito.Nakakahiya!

Matapos ang sermonya ko sa banyo ay saka ako nagpalit ng damit.At saka bumalik kung saan sila naroon.Naabutan kong nasa hapagkainan silang lahat pati si kleir na tuwang tuwa sa pakikipagkwentuhan sa mga kapatid ko.

Napansin nila ang presensiya ko kaya't napatingin sila sa akin.May kung anong naglilipana sa tiyan ko ng magtama ang mata namin ni kleir.Matamis na ngumiti pa ito sa akin.

"Anak,tara na at kumain.Napaghahalataan ka."sabi ni papa.Napakamot na lamang akong batok dahil eto at mang aasar na naman siya panigurado.

Lumipat ang kapatid kong si junie sa bakanteng upuan sa tabi niya."Kuya oh!dito ka sa tabi ni kuya kleir."napahigit na lamang ako ng hininga ng sandaling iyon.

Bahagyang nabigla ako ng lagyan ni kleir ang walang laman kong pinggan ng pancake na dala raw nito.Nilagyan niya ng mantikilya at binuhusan ng syrup.

"Ay,ang sweet naman ng batang ito."Sabi ni mama.Parang nagiinit na ang pisngi ko sa ginawa niya.Hindi tuloy ako makatingin ng direkta sa kaniya."Salamat."iyon na lang nasabi ko sa ginawa niya.

Alam ko na kahit hindi ko ibaling ang mata ko sa aking mga magulang.Nagmamasid ito sa mga ikinikilos namin.Lalo na si papa.Panigurado ang pagtataka nito.

Wala naman kasi akong dinadala na kaibigan simula pa noon.At aaminin ko hindi ako pala kaibigan.Madalas pa ang pang bubully ang natatanggap ko noon na kahit ngayon ay nangyayari pa rin.

Alam na ng magulang ko ang mga pangyayari sa aking ganoong bagay.Kaya alam nila kung bakit iwas ako sa ibang tao.Si froilan lang ata ang naging matagal at malapit kong naging kaibigan.Nabanggit ko na sa kanila ito ngunit hindi ko naihayag ang kasarian nito.Takot.Takot akong mapuna na baka isipin nilang ganoon rin ako.

Nang matapos ang masayang almusal.Narito kami ni kleir sa likod bahay namin."Bakit ka pala maagang napasugod sa amin?"panimula ko.

"Hmmm..ano kase,gusto ko sanang mag-magpa.."halatang kinakabahan sa pagkakabuhol nitong pagsasalita.

"Magpa-alin?"dugtong ko pa.

"G-gusto ko sanang magpatulong about sa darating na exam."Iyon naman pala.Mabuti na lamang at tapos na ako mag aral sa mga reviewers ko.

"Ah.o-oh sige ba."

"Wag kang mag alala,pagsusumikapan kong matuto sa mga ituturo mo.Pero bago yun ay..i just wanna say sorry."medyo hindi ko inasahan ang huli nitong nasabi.

"Sorry.Kasi sa mga pambabale wala ko sayo nitong mga nakaraang araw."

"Naku,wala yun.Saka ayos lang.Kailan mo ba gustong magreveiw?Ilang araw na lang at final exam na."

"Kung maaari sana ay..ngayon na."nasamid ako sa suhestiyon niya.

"Ngayon na talaga?"napatango naman kaagad ito.

"Hmm..mukhang may gagawin ka yata ?Siguro ay sa ibang araw na lamang."biglang lumungkot ang mukha nito.Hindi ko lang alam kung imahinasiyon ko lang ang nakikita ko pero ang cute niya lang sa ganoong ayos.

"H-hindi ayos lang.ano ka ba,saka sa katunayan tapos na rin akong magreview sa ibang subject."natuwa naman ako sa biglang pagbabago ng mukha nito.

"Mabuti naman."Nakangiti nitong tugon sa akin.

----

Apat na araw.

Apat na araw na kaming nagrereview sa mga subject na sablay nito.Minsan sa bahay o sa library kami nag aaral.

Masaya na rin ako kahit papaano dahil madali naman niyang nakukuha ang ibang exercises na aking itinuturo.

"Oh hindi ba!Sabi na eh!hindi naman talaga mapurol ang utak mo.Kamo kulang ka lang sa oras para mag aral!"panenermon ko.Natapos na kasi namin ang pre test na pinagawa ko sa kaniya.Bilang ang mali niya na itinama ko naman sa kaniya.

"Oo na po master.."may himig na sagot nito.At siya ko naman ikinatawa.Pero kaagad akong napatigil ng mapansin kong nakamasid pala ito sa akin.

"It's fun to watching you while you re laughing..lalo pa at tila guhit na lamang  ang iyong mga mata."napatanga na lamang ako sa mga binigkas niyang salita.

Kunwaring itinuon ko na lamang ang aking sarili sa aming pinag aaralan.Narinig ko pa siyang tumawa.Sasawayin ko na sa ito ng mapansing bumalik na ito sa aming pinag aaralan.

---

Natapos ng payapa ang pagsusulit namin.Medyo kabado pa ako kagabi pero ipinagdasal ko na lamang ito.Kasama sa aking panalangin na makapasa siya at maalala niya ang lahat ng aming ginawang pagrereview.

Exicited ako sa malaman ang bunga ng aming pag aaral ang kaso sa ikalawa pa itong araw malalaman.

"Class!Tandaan niyo ang araw ng kuhaan ng card at ilang requirements para sa next school year niyo."sabi ng adviser namin.Matapos isulat sa pisara ang schedule.

"Uy,bes.About dun sa paglipat niyo,tutuloy ka ba?"sabi sa akin nito.Halatang malulungkot ito kung sakali man na lumipat nga ako.Although,mas marami pa siyang kaibigan sa akin dito sa school.

"Hindi pa sure.At saka ayaw mo na bang makita ang pagmumukhang ito sa susunod na taon."Nagulat ako ng hampasin ako nito sa braso.

"Gaga ka!wag kang ganun kasi mamimiss kita.Alam mo naman na nakakamiss yang taba mo na lagi kong pinipisil."Madamdamin nito sabi.Sa tuwing kami ay nag aasaran lagi nitong napagtitripan ang braso ko na kinukurot nito.

Sinabi ko sa kaniya ang balak ng magulang kong lumipat ng bahay.Kaagad siyang nalungkot.Hindi ko pa rin alam kung sasama ba ako o hindi.Sayang kasi yung panahong makakasama ko na si papa ng matagal.Ako pa ba ang magpapaiwan para lang maipagpatuloy ang pag aaral rito.

Masaya nga naman dito lalo pa at naging malapit ko ng kaibigan ang taong dating hinahangaan at kasalukuyang nagugustuhan ko na.

Napagtanto ko na nitong mga nakaraang araw na mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.Sana lang may kauuwian itong damdamin ko.

---
"Ano anak?sasama ka pa ba sa amin?"medyo naguguluhan talaga ako sa mga oras na ito.Ano ba ang dapat kong piliin.Parehas naman ang mararamdaman ko kung sakaling may piliin ako.

Syempre kung magpapaiwan ako rito.Mamimiss ko ang pamilya ko lalo pa at kumpleto na kami.At kung sasama naman ako,ganoon din mamimiss ko ang mga taong napalapit na sa akin.

"Ma,hayaan na muna natin siyang makapag isip may ilang linggo pa naman bago tayo tuluyang makalipat roon."Paliwanag ni papa.Siguro napansin ang pananahimik ko.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now