Chapter 12

6.2K 292 5
                                    

(KHALIL)

Ilang araw kong tinitiis ang mga tawag ni kleir sa akin sa cellphone kong second hand.Wala ba akong karapatan magpabebe!Dahil sa ilang oras kong paghihintay sa kaniya sa wala.

"Anak bumaba ka muna narito si kleir!"speaking of the devil.

Naiirata naman akong kaharapin ito.Pero anong magagawa ko nandito pa naman si mama.Isipin ko pa lang mag alibi na may sakit ako?Eh kakababa ko lang kanina at nakipaglaro pa ng playstation sa mga nakababata kong kapatid.

Bumaba na ako para hindi na muling sumigaw muli sa mama para ako'y tawagin pa.

Nang makababa ako kaagad kong nakita ang mga kapatid ko at si kleir na naglalaro ng bola sa sala.

"Hoy!tigilan niyo na nga iyan!baka makabasag pa kayo!"suway ko sa mga ito."Oh!mukhang may dalaw ang ate ninyo kaya masungit."nagtawanan pa ang dalawa sa sinabi ni kleir.

Sinamaan ko lang ito ng tingin saka umupo sa sofa namin."sige mamaya na lang tayo maglaro,kakausapin ko lang ang kapatid niyong masungit."rinig kong bulong nito sa dalawa na kaagad ding lumabas ng bahay.

Naramdaman ko naman ang pagtabi nito sa akin."Oh!hindi ba sabi ko wag mo akong tinatangihan?"sabi niya pero nagbingibingihan ako na kunwari ay hindi ko siya naririnig.Naiilang naman ako sa pagtitig niya kaya,"anong pinag sasabi mo diyan?saka bakit ba narito ka?"mainis na siya kung mainis.Sa 99°/• na paghanga ko sa kaniya nabawasan lang ng sampu.(A/N:che!bumabanat ka pa ng ganyan..o sige pagpatuloy na ang kwento.)

"Eh anong tawag dun sa mga phone calls ko na nirereject mo!"inis nitong sabi."Bakit?hindi naman buong araw nakatanghod lamang ako sa cellphone ko para lang tanggapin ang tawag mo.Saka pwede ba umalis ka na lang kung aawayin mo lang ako dahil dun."bakit parang tinubuan ako ng tapang.Dahil ba nasa teritoryo ko siya para hindi maging sunod sunuran.

"Dahil ba ito sa hindi ko pagsipot noong hapon na iyon?"seryoso nitong tanong.Gusto ko sanang sabihing "Oo pinaghintay mo lang pala ako sa wala!"Ang kaso parang ang oa ng drama ko.

"Hindi."

"Eh anong kinaiirita mo at ganyan ka maka asta sa akin.Baka nakakalimutan mong .."hindi ko na siya pinatapos pa.

"Na utusan mo lang ako.Hoy!sa school lang yun hindi dito sa bahay namin.Umaasenso ka sa paguutos utos mo sa akin ha!"singhal ko.

"Tss..kung naging hsiajakajskaljal..."hindi ko maintindihan ang sinabi nito sa huli.Bigla na lamang ako nito hinila palabas ng bahay.Nagtungo kami sa likod bahay kung saan naroon ang mga kapatid ko.Masaya silang kumakain ng pizza at ice cream.Saan galing iyon?

Lumapit kami sa kanila."Saan galing iyang kinakain ninyo?"napatigil sila sa kinakain."Kay kuya kleir po.."Sabay nilang tugon.

Mataman ko lang itong tinignan.At siya namang ngisi nito."tara kain na tayo!"pinaupo niya ako sa bakal na upuan namin.

Inabutan niya ako ng isang hiwang pizza na pinalalamutian ng ham,pine apple at bell pepper.Tinanggal ko naman ang mga bell pepper.

"Oh ayaw mo ba ng lasa ng bell pepper?"tanong niya ng makita ang ginawa ko."Allergic po kasi si kuya dun eh!"sabat naman ni junie.

Nagpatuloy kami sa paglantak ng uwi niyang pagkain.Nang makapaghinga ay nagpasya silang maglaro ng basket ball.
Natutuwa ako kasi kahit papaano malapit ang loob ni kleir sa mga nakababata kong kapatid.Kung narito lang si papa ay tiyak sasali rin ito sa laro nila.Sana.

"Huy!!tumayo ka nga diyan at sumali ka sa laro namin!"pinipilit ako nitong patayuin.Eh sa ayaw ko naman maglaro nito.Dahil una sa lahat'Hindi ako marunong!Baka maturuan ko pa ng mali ang mga kapatid ko."Paliwanag ko.

"Sige na kuya sumali ka na sa amin."pamimilit rin ng kapatid kong si simon sa akin.

Pero dahil sa mapilit talaga siya.Sabi niya ayos lang iyon dahil mga bata pa naman sila.

Napapayag naman ako nito sa huli.Sa una ay pasahan ng bola ang aming ginawa.Si kleir ang siyang aming naging guro.

Sumunod ay pagdidribble ng bola at maging ang pag shoot nito sa ring.Madali lang para sa kanila samantalang ako hingal na hingal na kaagad.

At ang huli ay ang opensa at depensa sa kalaban.

Bumuo ng team si kleir.Kaming dalawa ni simon at silang dalawa ni junie.

Nag umpisa na ang laro namin.Kaming dalawa ni kleir ang siyang naglalaban ganoon din ang mga nakababata kong kapatid.

Medyo sinusumpong na ako ng pagod pero hindi ko magawang umangal.Lalo pa at aliw na aliw ang aking mga kapatid.

Mahigpit ang bantay sa akin ni kleir ng maipasa sa akin ang bola.Hindi ko magawang takasan ang mga galaw nito.

Hanggang sa nakakita ako ng paraan kung paano ako makakashoot.

Subalit minalas ako dahil siyang lagapak ko sa lupa ng pilit kong iwasan si kleir.

Hindi ko alam ang sumunod na nangyari.Dahil sa pagkamulat ko ay ilang pulgada na lang ang lapit nito sa aking mukha.

------
A/N:Ayieee..Support niyo guys bago kong pub.'ALIA'fantasy genre.😊

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now