Chapter 13

6.3K 313 25
                                    

(KHALIL)

Pigil ang aking hininga ng sandaling iyon.Hindi ko alam ang eksatong nangyari,kung bakit nasa ibabaw ko ito?

Langhap ko ang mabangong hininga nito na lumalabas sa nakaawang nitong labi.

Basta naramdaman ko na lang ang bahagyang pagbagsak ko sa lupa."a-ah,b-baka g-gusto mong tumayo na?"Mukha kasing wala itong balak na tumayo.Nang marinig niya iyon ay saka siya umalis pero bago iyon ngumisi ito ng nakakaloko.

Nagpagpag ako ng katawan.Saka tumayo.

"Kuya?bakit po namumula ang pisngi niyo po?"sabi ni junie."Oo nga po kuya?Hala!masakit po ba kuya?tara junie kumuha tayo ng gamot.dali"natatarantang sabi ni simon saka mabilis na bumalik sa loob ng bahay.

"Mukhang hindi ka naman napurahan?"biglang sabi ng katabi ko.Sa totoo lang wala naman talaga."Paano mo naman na sabi?"pagtataka ko.

"Sinalo kita bago ka pa man lumagapak sa lupa."saka niya inangat ang braso niyang may gasgas.Agad ko iyong sinuri.

Hindi naman ito kalaliman.Dumating naman ang dalawa dala ang medical kit namin.

"Ayos lang naman ako,pero si kuya kleir niyo ang may sugat.Akin na ng magamot natin ang sugat niya."kaagad naman nilang inabot ito."Salamat.Oh,magpalit muna kayo ng damit at pawis na pawis na kayo.Baka magkasakit pa kayo."Sumunod naman ang mga ito saka bumalik sa bahay.

Pinaupo ko siya sa bakal na upuan namin.Saka kinalkal ang kit namin.Naglabas ako ng mga pamahid,bulak at band aid.

Nililinis ko iyong galos niya subalit nakakadama ako ng pagkailang sa pagtitig niya sa akin."Ang cute mo talaga,lalo na pagnagbablush ka."Biglang sabi nito.

"Manahimik ka nga,Saka hindi ako babae para magblush!"kahit na ramdam ko na nga ang pagiinit ng pisngi ko.

"Hehe..sige,sige sabi mo eh."Sa huli natapos ko na itong linisan.Subalit pangiti ngiti ito tuwing napapatingin ako sa kaniya.Baliw na yata ito.

Akmang ibabalik ko na ang med kit ng bigla siyang lumapit sa akin.Laking gulat ko na naman ng yakapin niya ako.

"K-leir?!"

"Nakalimutan kong magpasalamat sa ginawa mo sa mga pinasagutan kong libro sayo.Lahat ay tama.Saka pambawi na rin sa pangiindian ko."sabi nito.Hindi ko naman alam kung saan ko ilulugar ang lakas ng pintig ng puso ko.

"A-ayos lang yun!saka ako nga dapat magpasalamat kasi napasaya mo ang mga kapatid ko."saad ko ng mapahiwalay ako agad sa kaniya.Tila ba natutusok ako sa kilig dahil sa pilit kong pinipigilan ang nadarama sa harap niya.

Matapos iyon nagpahinga muna siya saka nagpasyang umuwi na.Ayaw pa sana ng dalawa kung hindi lang siya nangako na babalik at maglalaro muli sila.

Lunes...

Maaga akong pumasok para sa darating na basketball university game ng paaralan namin.Ngayon pala maghaharap ang dalawang kuponan na papasok sa semi finals.School namin laban sa AjkHighSchool.(A/N:Wala akong maisip na name eh..heher)

Sisilip sana ako kung anong oras ito magsisimula.Sana naman ay makapanood ako.Nang makarating sa bulletin board sinipat ko agad yung announcement nila.

Sakto!!vacant pala namin yung oras ng laro.

"Manonood ka ba?"napatalon ako sa gulat sa kung sinong nagsalita.

Nang tignan ko iyon si crause pala."Good morning."bati nito."Magandang umaga din crause!"masaya kong tugon.

"Hmm,Oo manonood ako.Ikaw ba?"dugtong ko pa."Oo.Pero kung pwede ay sabay tayo para may kasama ako."Sabi nito.

"Aba,Oo naman.Magkita na lang tayo sa labas ng gymnasium mamaya."Kaagad kong sagot.Mukhang may sasabihin pa siya subalit hudyat na pala ng pagsisimula ng klase.

Nagkapaalaman na kami matapos ng pag uusap.

Sa klase..

"Huy!beks,nood tayo mamaya!Bet kong magbaon ng popcorn para mamaya kaya ito!Nilubos lubos ko na!"sabay labas ng dalawang balot nito.

"Ano sine lang?!sus!pero tamang tama may kasama tayong manonood mamaya."sabi ko pa.Hindi ko na sinabi kung sino iyon baka ikabaliw niya pa pagnagkataon.

Natapos din ang klase namin.Kumain muna kami ng lunch.Nagmadali pa kami nito sa pagkain.Matapos ay dali daling nagtungo sa gymnasium.

Natatanaw ko na ang kakapalang tao na pumipila rito.

Napansin ko naman kaagad si crause sa katabi nitong shed.Lumapit kami rito.Habang si froilan walang kamalay malay.Paano na lang kung makaharap na namin si crause?

"Hmm.c-crause?"nahihiya kong sambit.

Napalingon kaagad sa amin ito."Oh!there you are!akala ko hindi ka makakapunta."kaagad nitong salubong.Ngumiti lang ako."May kasama ka pala?A-anong nangyari sa kasama mo?"Napatingin ako kay Froilan.

Halos manigas ito sa kinatatayuan.Nakakanganga pa,mulat na mulat ang mata sa kaniyang tinitignan.

"Huuy!para kang sira froi!"kaagad kong itinikom ang bibig nito.May virus na nga mapapasukan pa ng insekto sa katawan.Char!

"Kaibigan at kaklase ko pala si Froilan."pagpapakilala ko.Mabilis pa sa kidlat inabot ni froi ang kamay ni crause.

"Froilan pala..hehe"pakilala nito sa sarili.Iiling iling naman si crause pero napapangiti na rin.

Kalaunan ay pumasok na kami sa loob ng gymnasium.Yun nga lang nasa bandang itaas na kami ng bench naunahan na kami ng iba.

Sigawan at kalampag ng mga pampa ingay nila.Ito ang pumapailang sa paligid namin.

Nang magsimula na ay kaagad hinanap ng mga mata ko si kleir.Hindi ko ito makita.

Biglang nagvibrate ang telepono ko.

Sinagot ko iyon.

"He-hello?!"pambungad ko.

"Manonood ka ba?"napakunot ang aking noo sa pagtataka.Tinignan ko kung kaninong numero ito.Kay kleir pala!

"Oo.Narito ako.Nanonood,nasaan ka na ba?"sunod sunod kong sagot.Hindi ko maiwasan kiligin dahil sa inaalala nito ako.

"Ofcourse dapat lang na manood ka dahil lucky charm kita..."

-----
A/N:Ang aga akong pinaiiyak ng mga tao sa paligid ko.Shet!Ayaw papigil ng luha ko e.Nagmamarkilyo sa pagkanais na lumitaw.😔

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon