:47

2K 134 9
                                    

K   H   A   L   I   L

"Salamat sa paghatid.Mauna na ako."Paalam ko sa kasama ko sa naturang elevator.

"Wala man lang ba akong kiss?pang pa-lucky charm lang ng araw ko."napaarko naman ang kilay kong titigan siya.Lucky charm your face!

Sa katunayan,ilang araw na akong sinusuyo nito.Kung anu anong ang ginagawa nito makuha lang muli ang loob ko.Paano ba naman kasi.Ayaw niya pang sabihin yung long story niya kung bakit siya nawala ng halos isang buwan.

Aber!sino ang matutuwa kung ganoong wala ka man lang kabali balita sa kaniya o kaalaman kung anong nangyari sa kaniya that time.

Kapag tinatanong ko siya.Ang lagi niyang sagot"Kapag maayos na ang lahat ikukuwento ko sayo ang lahat."puros ganon ang sagot kaya hindi ko maiwasan ang mairita sa kaniya.

"Mukha mo."sabay labas ng elevator makaraang tumigil ito sa palapag ng department namin.

H'wag kayong ano?may karapatan akong magpabebe.Pero hindi ko matitiis ang gaya niya.Hihihi..

Pangisi ngisi akong naglalakad papunta sa cubicle ko.

"Ay oh!blooming si bakla!"napangisi naman ako sa bungad ni marg sa akin.

"Tsk.tsk.tsk.palibhasa andyan na ang dyowa niya kaya ganyan siya.Hoy!paki abot nga ng pinakamatalas na gunting diyan ng maputol ko ang buhok ng isa ritong nagmamaganda!!"eksaherada nitong kastigo na siyang ikinatawa at iling ng ilang kasamahan namin.

"Baliw.Umayos ka nga marg!baka sa mental ang labas mo diyan!"sita ko.

Pinaikutan lang ako ng mata nito.

Hindi ko alam kung napapansin ng ilan ang closeness namin ni kleir dito sa loob ng kumpanya.Cover up kasi itong si marg sa amin.

Siya ang nagpapaliwanag sa mga umaarkong kilay na nakakapansin sa panlalandi ni kleir sa akin sa tuwing napapadpad siya sa dept.namin.

Laking pasalamat ko talaga sa isang ito kahit ganyan iyan kabaliw.Minsan.

"Bustamante!may tawag ka sa lobby."sabi sa akin ng head namin.

Kaagad naman akong bumaba.Doon naabutan ko ang guard na nakangising sumalubong sa akin.

"Sir,may deliver po kayo."saka inabot ang isang boque ng bulaklak.

Nagkasalubong ang kilay kong tignan ito."Manong,baka naman mali lang kayo ng basa.Hindi sa akin yan."tanggi ko.

Tinignan nito ang receipt ng mismong bulaklak.Pangalan ko nga ang nakalagay dito.Nakakapagtaka naman.

"Baka naman wrong sender ito?Manong."nagkibit balikat ito."Kunin niyo na lang sir.Wala naman masama kung tatanggapin niyo na lang ito.Kesa ang malanta pa yan dito.Sayang naman."

Napabuntong hininga ako.Sino naman ang magpapadala sa akin nito?

Saka biglang pumasok sa isip ko ang lalaking iyon.Tsk.Baka naman bagong paandar ito ni kleir sa akin.

Kung ganito siya ng ganito.Ang hirap niyang tikisin!

Sumapit ang uwian.At kagaya ng nakagawian ay hinahatid niya ako pauwi.

Panay kantyaw ang inabot ko kina marg at katrabaho ko dahil sa dala dala kong boque.

Pangiti ngiti pa akong sinalubong si kleir.Habang nakasandal ito sa pinto ng sasakyan niya.Mukhang may kausap pa sa cp.

Syempre gusto kong ma appreciate niya na masaya ako sa binigay niya sa akin.Well,nakakahiya naman kung masyado na akong magiinarte pa sa kaniya.Ergh!

"Hi!"ang sabi ko.Mataman naman na titig ang sumalubong sa akin mula sa kaniya.

Este hindi pala sa akin kung hindi sa hawak hawak kong kumpon ng bulaklak.

"Where do you get that?"walang halong biro.Nakakaintimida ang kaseryosohang nakikita ko sa kaniya.

"H-hindi ba sayo galing ito?"Alangan kong tanong.

"Tell me,kanino galing iyan?"

"Hindi ko alam.Ang akala ko sayo galing ito."ang sabi ko.Kung hindi sa kaniya galing ito,sino ang nagpadala nito?

Bagkus ay pinagbuksan na lamang ako ng pinto nito mula sa kaniyang sasakyan.Hindi ako maka angal dahil mukhang bad trip ang lalaking ito.

"May problema ba kleir?"hindi ko na kasi matiis ang kaniyang pananahimik simula ng makauwi sa bahay.Akala ko nga ay uuwi na siya kaagad dahil nga mukhang wala sa mood ito.

Narito kami ngayon sa silid ko.Nakapag palit na ako ng pantulog.Nang madatnan ko siya ay nakahiga na siya sa kama ko.

Nakadantay pa ang isang kamay sa mukha niya.

"Meron."napahigit ako ng hininga sa sagot niya.

"Ano naman iyon?at kanina mo pa ako hindi kinakausap."

"Kapag ako ang nagbibigay sayo ng bulaklak ay sinasabi mong hindi dapat kita binibigyan nun.Pero kapag sa iba,masayang masaya ka."muryot niyang sambit.

Ang drama ng lolo niyo!

"Hindi ko naman sinasabing ayaw ko ng mga bigay mo.Ang kaso naasiwa ako.Pero kapag naman nandyan na ay masayang masaya ako sa natatanggap ko mula sayo.Hindi ko naman kasi inakala na hindi sayo galing ang mga bulaklak na iyon.Saka akala ko kasi surprise mo sa akin."Napabalikwas siya ng bangon saka tumingin sa akin.

"Mean to say,ako lang ang iniisip mo that time?Tsk.tsk.Dapat pala binigyan talaga kita ng flowers today hindi yung kanino galing ang mga iyon.Edi sana ako ang dahilan ng mga smile ng mga oras na iyon."tila batang api ang mukha niya.Dahilan para ipitin ko ang ilong niya.Why so tangos?Ahihihi...

"Wala na iyon kleir.Saka hindi sa mga materyal na bagay maipapakita ang pagmamahal sa isang tao.Nandidirito iyan."itinuturo ko ang puso niya."Ipinararamdam ang pagmamahal sa taong espesyal sa kaniya."

Bigla niya akong niyakap.Saka hinalikan ang aking noo.

"So,ibig sabihin ba niyan...bati na tayo?"

A/N:Haist!kanino kaya galing ang mga flowers?Antok na antok ako today..

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon