::49

1.7K 116 22
                                    

K  H  A  L  I  L

It will be pouring a lot of time for the bittersweet chased.




"Ma!ayos lang naman ako dito.Saka h'wag na kayong makulit.Tatawag naman ako kapag okey na ang lahat."

"Hindi ko na alam ang gagawin sayong bata ka!Akala ko ba,mahal mo yung tao?Bakit hindi mo sa kaniya sabihin ang nalalaman mo.Nang hindi ka nag eemote ng ganyan.Hindi ko kayo maintindihang mga kabataan!Mapa-straight o tagilid,ang gugulo niyo sa pakikipagrelasyon.Aba hindi kami ganyan ng tatay mo khalil.Kung mahal niyo talaga ang isat isa ay mauunawaan niyo ang lahat ng bagay na dumarating sa buhay pag ibig ninyong iyan."

"Pero ma,mahal niya ba talaga ako?Kasi kung-"

"Malalaman mo ang sagot kung mag uusap kayong dalawa.Hindi yung nagtataguan kayong dalawa ng mga bitbitin sa sarili.Wala naman palang kapararakan.Kaya umuwi ka na rito!Naku..humanda ka talaga sa akin pag uwi mo!!"

Napantig ang tenga ko roon.Mabuti na lamang saktong nagloko ang signal ng cp ko.Hay..

Pangatlong araw ko nang pamamalagi ito sa bahay ni crause.Nakakahiya na nga ang pananatili ko.Pero wala akong ibang mapuntahan.

Matapos ng gabing iyon.Wala na.As in wala kagaya ng blangkong papel ang ginawa kong pagputol sa ugnayan namin dalawa.Umuwi ako sa bahay ng lulugo lugo.Hindi dahil sa nawala ang puri ko.Pero ang mas higit pa roon ay ang sakit na iniwan ko siya.

Hindi ko pinakita ang sakit na nararamdaman ko bago pa ang ginawa kong pag reresigned sa kumpanya nila.Hindi niya batid ang panlalamig ko sa kaniya.Bago ko sinabi sa kaniya na tapos na kami ay nasa ibang panig na siya ng mundo.

Tama naman ang ginawa ko di ba?

Naroroon na siya.Kasama ang dapat na pag buhusan niya ng atensyon sa mga panahong ito.

Kung baga ginawa niya akong saling pusa sa buhay niya.

Langya!Tagos tagos ang pagdurog sa puso ko ng sabihin ko sa kaniya na hiwalay na kami,na ayoko na.Kahit gusto kong marinig ang pagsusumamo niya ay hindi ko na hinayaan pa.

Baka magapi ako ng mga salitang sasabibihin niya.Matibag ang mga desisyon ko.

"Pasensya na kung nalate ako ng uwi.Ang kulit kulit kasi ng mga estudyante ko."sabay lapag nito ng biniling pagkain sa lamesa.

"Okey lang,ako nga itong nang aabala pa sayo crause."

"Ikaw pa..Kung bakit naman kasi naghahayag pa lang ako sayo.Olats na agad ako."napatawa naman ako sa kaniya.Subalit hindi ko rin maiwasang maguilty.

Nagsabi siya sa akin kahapon ng magkwentuhan kami patungkol sa amin ni kleir.

At doon inamin niya ang nararamdaman niya para sa akin.Hindi ko intensyong paasahin siya.

Tama na isa siya sa malapit kong kaibigan.

Ayoko ng makasakit pa ng damdamin ng iba sa katagalan.Dahil masakit kapag ikaw ang nasa katayuan nila.

"Che!kumain na nga lang tayo."ang sabi ko sabay bukas naman nito ng t.v niya.

"Flash celebrity news!Kilalang frontman ng bandang Karie nagwala sa isang bar."

Napahinto ako sa aking narinig.Saka tumambad sa aking paningin ang eksena sa balita.

"Lango sa alak ang singer-businessman na si Kleir.Nagwala ito ng pigilan siya ng kaniyang kasamahan sa pag iinom."

Nakita ko ang ginawa niyang pagwawala sa kaniyang kinaroroonan.At ang pagsuntok niya sa kaniyang kabanda.Tila nabagabag ako ng mga oras na iyon.

"Kasalukuyan siyang nakaconfine sa ospital dahil sa mga natamong sugat dulot ng pagwawala nito.Hindi pa malaman ang dahilan ng kaniyang pagiging agresibo patungkol sa insedente."

Nanlambot ako ng malaman kong nasa ospital ito.

"Ano,kaya pa?Kung ako sayo puntahan mo na siya.Malay mo hindi lang iyan ang gawin niya."Nang sabihin ni crause iyon ay dali dali akong napatayo saka kinuha ang gamit ko mula sa guest room niya.

Tangkang lalabas na ako ng pigilan niya ako.

"Ooops.Hayaan mong ihatid kita.Mamaya  mapano ka pa sa daan niyan.Malagot pa ako."Ang sabi nito.

Habang nagmamaneho siya ay hindi ko naman maiwasan kabahan sa pupuntahan namin.

"Easy ka lang kahlil.Siguro ay maayos naman na ang kalagayan niya."Halata kasi ang pagkabalisa ko.Pati tuloy siya ay naabala ko sa pagmamaneho niya.

"Eto tubig.Kumalma ka lang khalil."Binuksan niya pa ang bote ng tubig sabay abot nito sa akin.

Tinungga ko agad ito dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

Nilakasan niya ang aircon ng kotse.Hindi ko alam subalit tila nakaramdam agad ako ng antok dahil doon.

Halos sumabay ang bigat ng aking ulo sa pagbigat ng talukap ng aking mata.

Hanggang sa....
































Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon