Chapter 11

6.1K 324 21
                                    

(KHALIL)

Napapitlag ako sa gulat ng marinig ko iyon.Ang akala ko ay tuluyan na itong umalis subalit mali ako.

Pumagitna sa amin ito ni crause.

"At bakit hindi?"Tanong ni crause kay kleir.Samantalang nasa likod lamang ako nito.Nalanghap ko ang pawis nito.Ang bango lang!

"Dahil may napag usapan na kaming dalawa na gagawin mamaya.Kaya mabuting umalis na kami at baka mahuli pa kami.tss."halata sa boses ang iritasyon nito.

"Ah,crause pasensya na,pero masaya ako sa pagiimbita mo.Saka baka sa ibang araw na lamang siguro.Salamat."mabilis kong sabi.Umayon naman ito sa aking sinabi.Kalaunan ay umalis na ito.At sa ganoong sandali,hinila ako ni kleir sa exit area ng gymnasium.Walang gaanong tao dahil kahapunan na rin.

"Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil sa kanya!"kaagad niyang asik sa akin ng bitawan niya ako.

"H-hindi,mali ka kleir."mahinahon kong sagot.Hinarap ako nito na may inis sa mukha.

"Anong hindi?!kitang kita naman sa pagdating ko.Tapos ano?mas pipiliin mong sumama sa kanya!ganoon?"hindi ko alam kung bakit ganito kainit ang ulo niya ngayon sa akin.O baka sadyang pagod lang siya gawa ng pag eensayo nila.

Ibinagsak niya ang bag na sukbit niya.At saka may kinuha na kung ano sa loob nito."Oh!sagutan mo ang mga page na itinupi ko diyan!Saka bukas ko agad ko kukunin sayo iyan."Inabot niya ang tatlong libro nito.

"P-pero.."

"Ayusin mo ang pagsagot mo sa mga iyan!"kaagad niyang putol sa nais kong sabihin.Kaagad din siyang umalis sa harap ko ngunit bago iyon ay "Wag na wag mong subukang umangal sa akin.Lalo na ang makipag usap sa lalaking iyon.Maliwanag ba?!"nanlilisik ang tingin nito sa akin.Napatungo kaagad ako dahil sa takot.

Nang tuluyan na itong umalis sa aking harapan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Halos madaling araw na ng matapos ko ang mga pinasasagutan nito.

Kaagad akong humiga ng matapos kong sagutan ang huling pahina ng librong pinasasagot nito.Hindi ko maunawaan sa dami nitong aralin,wala siyang masugatan na tama ng tignan ko ang ilang exercises ng libro.

Tamad pala ito sa pag aaral.May dapat pa ba akong ikahanga sa tulad niya na sa tanging sa loob lang ng court magaling.

Tinanghali ako ng gising dahil doon.Dali dali akong nagkumahog sa pagbibihis at pagpasok.

"Oy,anong meron at parang zombie ang attire ng fez mo?"Sambit nito ng makaupo ako sa silya ko."Napuyat lang sa palabas kagabi."pagsisinungaling ko.Mabuti at kinagat naman nito.

"Labas ka ng room."binasa ko ang natanggap kong text mula sa kaniya.Kinuha ko naman ang mga libro nito.

Mabuti na lamang at wala pa ang guro namin ng lumabas ako sa silid.

Nakita ko naman itong nakalapat ang sarili sa pader ng makalabas ako.

Kaagad kong ibinigay ang libro nito sa kaniya.Baka kasi may makakita pa sa amin.Kung ano na lang isipin lalo na si froilan.

Bago ako makaalis ay hinawakan nito ang aking kamay.Kaya napatigil ako sa akmang pag alis.

"Magkita tayo sa likod ng school mamaya."sabi niya.Napatango na lamang ako."Salamat"pahabol nito ng hindi ko inaasahan.

Natapos ang klase ay kaagad akong nagpaalam kay froi na hindi makakasabay sa kaniya sa pag uwi.Gaya ng inaasahan nagtungo ako sa likod ng school.May waiting sched naman doon kaya doon ko naisipang umupo muna habang naghihintay sa kaniya.

Mag iisang oras na pero wala pa siya.Magdadapit hapon na rin,kaso wala pa ring kleir na dumating sa lugar na ito.

Maghihintay pa sana ako ng magvibrate ang cellphone ko.Pangalan niya kaagad ang nakita kong nakarehistro dito.

Nang basahin ko iyon.Lungkot ang siyang lumukob sa akin ng mga oras na iyon.

-may biglaan kasi akong lakad pasensya na,i hope nakauwi ka na..

-----

A/N:Bakit ka ganiyan kleir😢

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora