:4 0

2.5K 165 9
                                    

K H A L I L

Nagising ako mula sa kung sinong nagsasalita.Kinapakapa ko ang katabi ko.Wala ito sa tabi ko kaya napabangon ako.

Narinig ko ang boses niya mula sa labas ng aking silid.Dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto.

Tila may kausap siya sa cellphone.

'Yeah,oo paki ayos na lang ang lugar.Kayo na ang bahala.'

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.Hindi niya man lang ako napansin sa paglabas ko.

Mabilis ko siyang niyakap mula sa likuran niya.

Tila nagulat pa siya sa ginawa ko.'K-kanina ka pa gising?'Matapos patayin ang tawag sa kausap nito.

'Kakabangon lang.'dinama ko ang init mula sa kaniyang katawan.

"Sino kausap mo?"tanong ko dito."A-ah yun ba?kliyente.Oo kliyente ko yun.Masyado kasing demanding."paliwanag nito.

Napansin kong tila balisa ito.Siguro ay sa isip ko lamang ito.Pero alam ko namang normal lang na makaramdam ako nito.Pero siyempre mas dapat kong pairalin ang tiwala ko sa kaniya.

"Tara balik na tayo sa kama.Maaga pa tayo para bukas.Alam kong excited ang baby ko."sabay kintil ng halik nito sa akin.

Dumating ang araw ng team building.Sa kalapit na isla ng puerto gallera kami nagdaos.Siyempre hindi ko maitatangging maganda ang tanawin.Isa pa ay pribado kaya maeenjoy namin ang buong lugar.

Napag usapan ang mga cottage na tutuluyan.Yun nga lang palihim na akong binitbit ni klier papunta sa silid niya.

Pabagsak ako nitong inihiga sa kama.Saka niya dahan dahang hinubad ang damit niya.Iba ang mga tingin niya sa akin habang ginagawa ito.

Nang aakit.

Napangisi ako.At naisipang gayahin siya.Subalit kabaligtaran naman ang ginagawa ko.Nagsimula ako sa board short ko.

Madali ko lamang natanggal ito dahil na rin sa may pagkamaluwag sa akin.Dahil sa ora oradang pagmamadali namin ni kleir kaninang madaling araw.

Mabilis niya akong nilapitan upang halikan.Napapansin ko na tila natural at sanay na si kleir na halikan ako.Subalit hindi gaya kong walang kasanayan kaya lagi akong nagpapaubaya na lamang sa kaniya.

Marami pa akong mga bagay na gustong maranasan kasama si kleir.Kaya talagang ipinagdadasal ko na sana hindi panaginip ang lahat para sa amin.

Mga dalawang oras bago kami lumabas ni kleir.

"Tignan mo,mukhang mag uumpisa na sila."reklamo ko.

'Sorry na babe.Tara,gala gala tayo!'Masigla niyang sambit.

'Eh,paano yung activity?Hindi talaga tayo aattend?'Para naman kasing unfair kung hindi ako makakasali.Saka first time ko lang sumabak sa ganitong aktibidad.Alam ko naman kasi sa sarili kong may pagkalampa ako.Pero gusto ko talagang subukan.

'Gusto mo ba?'tanong nito.Agad naman akong tumango.'Pero paano ka?sasali ka rin ba?'

Ngunit hindi pala siya makakasali dahil may kailangan asikasuhin.'Gusto ko sana,pero mas kailangan ko itong unahin babe.After this manonood ako promise.'Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti at siya namang yakap nito sa akin.

Bandang mga tanghali kami naghiwalay.Nakihalubilo ako sa mga kasamahan ko.Mabuti na lamang ay makakasali pa ako sa mga activity ng team building.

Tinawag kami ng mismong magiging game instructor namin.

Naglakad pa kami sa kahabaan ng highway na daan.Sulit naman dahil refreshing ang kapaligiran.Sa mayayabong nitong mga puno at mga halaman.

Nakita ko ang mga obstacle course na siyang pagdarausan.Napalunok ako sa kaba.

Sa totoo lang ngayon lang ako makakasubok ng ganito.Sa mga P.E namin noong nag aaral ako madalas akong excuse dahil sa mabilis akong hingalin.

Pero siguro naman ay magagawa ko na ngayon lalo pa at fit na ang pangangatawan ko.

Naghati kami sa tatlong grupo.Yellow,blue at orange.

Sa orange ako napunta at swerte namang naroon din ang ilan sa dept. namin.Lalo na si marg.

Ang siste ng laro ay paunahan.Paunahan maipasa ang flag sa mga kasamahan mo hanggang sa maabot ninyong grupo ang finish line.

Ikalawa ako bago sa huli kaya pinaghalong kaba at excited.Napangiwi pa ako ng makita ang ilan sa kanila ang madapa at madulas sa pakikipag unahan.

At nang ako na ang sumalang mabilis kong inabot ang flag.Akyat,gapang at takbo ang aking ginawa.

Subalit,

'Aah!'napaigik ako ng sumabit ang paa ko sa mismong gulong na aking nilalambitinan.Mabilis din akong napabitaw sa pagkakapit hanggang sa mahulog ako.

Hindi ko maigalaw ang kabila kong binti ng dahil sa sama ng pagkakabagsak ko.

Pansin kong lumapit ang ilan kong katrabaho sa akin.

Hawak ko ang dinadaing kong binti.

'Tabi!What the-'kaagad akong napatingin sa kung sino mang nagkukumahog ang boses palapit sa akin.

Walang pasabi niya akong binuhat.'A-aaw!'napadaing ako ng mahawakan niya ng madiin ang binti ko.

'Im sorry,babe.'alalang sabi niya na siyang aking kinabigla.Napapalibutan pala kami ng mga tao.At ng mga kasamahan ko pa.

Mabilis siyang tumungo kung saan naghihintay ang mga medic sa amin.

'He's hurt.Please do anything..'Siya nitong sabi sa mga nag aasikaso sa akin.

Nilagyan ng ointment ang binti ko at pinainom ako ng gamot para maiwasan ang pamamaga.Wala naman daw bali pero nabugbog lamang daw ito dulot ng pagkakahulog sa akin.

Samantalang si kleir hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan.Maya maya ang tayo at pagsilip sa akin.Halata ang pangamba sa kaniyang mukha.

Nang malagyan ng benda ay siyang niyang lapit sa akin.'Are you alright?'Kaagad naman akong tumango.

'Okey na ako.H'wag ka nang masyadong mag alala.'Pag aalo ko sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa noo matapos kong sambitin iyon.'Thank god.Pinanood kita kanina pero hindi ko inasahan ang nangyari.'

'Okey lang yun.Saka may ganoon talagang pangyayari at hindi maiiwasan iyon.'Paliwanag ko pa.Pero biglang pumasok sa akin ang kaganapan kanina.

Lalo na at alam kong narinig ng mga naroroon ang pagkakasabi niya.

Paktay!!

----

Nakapasan ako sa likod ni kleir habang tinutungo ang silid namin.Nagpumilit siyang ipasan ako kesa mahirapan akong maglakad.Wala kasing available na wheelchair ng magrequest si kleir.

'Kleir,hindi ka ba nabibigatan sa akin?'bulong ko sa kaniya.

'Nope.Para saan pa ang muscle ko kung hindi ko mabubuhat ang baby ko.'Halos itago ko ang mukha ko sa mga sinabi niya.

'Heh!Wag ka nga,saka hindi po ako baby.'

'Nope,you're always be my baby.Babe'Alam ko na panigurado ay nagkukulay kamatis na naman ako.

Bakit ba kasi nauso ang mga ganitong banat?Lalo na kung magiging dahilan ito ng pagpalpitate ng mga puso ng ilang milyong tao.

Maayos niya akong inihiga sa kama.Matapos magpalit ng damit.

'Take a rest,may gagawin lang ako sandali.Babalik din ako.Kung hindi lang talaga kailangan hindi ko gagawin ito.Huwag ka lang iwan.'

'Tss,kleir puntahan mo na iyon.Saka okey naman na ako.'Hinagkan pa niya ako sa labi bago tumayo.

'I'll make it up to you after this.So take a rest babe.'

A/N:Sa totoo lang,ginanahan ako mag update dahil na rin sa mga nagtatanong kung okey lang ba ako or buhay pa ba ako..hahaha.Yep,wala talaga sa isip kong mag update pa pero para maibsan lang itong nararanasan ko.Kaya naisipan ko ulit mag update.Masaya ako sa mga comments niyo guys.Either bad or good pa yan.Atleast napapansin niyo yung gawa ko.T.Y...till next year.Hahaha

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon