:53

1.6K 112 19
                                    

(K  H  A  L  I  L)

"Felizia Del Mundo."

Nag simula ang matinding kaba ko ng sabihin niya kung sino siya.At sa tindig niya ay masasabi ko kaagad ang pagiging isang mayaman.

Sopistikada at maiging kumilos na tila isang mapag mataas.Base lamang ito sa nakikita ko.Ngunit napatunayan ng siya na mismo ang pumasok sa loob at sinipat ang kabuoan ng yunit.

Napatabi na lamang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan siya.

"Who are you?"

Matalim ang pagkakatitig niya sa akin.Sinusuri mula ulo hanggang paa.

"A-ako po si khalil."kakaba kaba kong sagot.

"So,ikaw pala ang baklang kinaaaliwan ng anak ko ngayon?"mariin niyang pagkakasabi.

Hindi ko magawang magsalita.Magulang siya ni kleir.At ayokong magmukhang bastos sa kaniya.

"At ang lakas ng loob mong magpabahay talaga sa kaniya.Anong klaseng moral ang meron ka at balak mong gawing bakla ang anak ko.Hindi ba itinuro sayo ng magulang mo na ang lalaki ay para sa mga babae.Anong klaseng magulang ang meron ka?!Mga immoral rin ba sila kagaya mo?!"halos nabingi ako sa sinabi niya patungkol sa aking mga magulang.

Masasakit at higit pa ito bugbog.

"Hindi ka ba magsasalita?O sadyang manhid ka lang sa kakapalan ng mukhang meron ka?!Anong habol mo sa anak ko huh?tell me?sa pagkakaalam ko dapat kayong mga bakla ang gumagasta sa mga lalaki niyo?!Iba na pala ngayon.Pobreng bakla pa ang siyang pagkakagastusan."halos napapalunok ng mariin ako sa mga maanghang niyang salita.

Hindi ko alam na ganito pala ang ina ni kleir.Wala naman kasi siyang gaano nababanggit dito.Ang alam ko lang ay nag asawang muli ito ng makipaghiwalay sa ama ni kleir.

"Gusto mo ng pera?name it.Bibigyan kita.Layuan mo lang ang anak ko."

Napatingin ako sa kaniya ng maglabas siya ng tseke.

"M-mawalang galang na po.Pero hindi ko po matatanggap ang inaalok ninyo.At hindi ko rin kailanman tatanggapin iyan."lakas loob kong sagot.

"What?!Hindi ba sapat ang pera?gusto mo pa ba ng bahay at lupa?Isipin mo ang relasyon ninyong imposible para sa ibang tao.Sa tingin mo ba tatagal ang pagmamahal na meron kayo?Iiwan ka rin niya iho.Kilala ko ang anak ko.Madali siyang magsawa sa isang bagay.At kapag alam niyang wala na rin itog halaga sa katagalan.Itatapon niya rin ito."

"Kaya kung ako sayo,iwan mo na siya habang maaga pa."dagdag pa niya.

Tahimik.

"Sorry."

"Oh diba,naisip mo rin ang mga sinabi ko.Kawawa ka lang kung patuloy kang aas-"

"Sorry.Hindi ko po gagawin ang gusto niyo.Mahal na mahal ko po si kleir.Hindi ko po gusto ang maramdaman niya sa akin ang pagmamahal na binibigay niya.Kung dahil lang po doon ay huhusgahan na rin po siya ng iba ng dahil lang sa nagmahal siya ng kapwa kasarian niya.Pero hindi ko siya kayang isuko.Dahil hindi biro ang ginawa niya para makita ko na walang masama o pagkakamali ang mahalin ang gaya ko.Hindi po namin hangad ang mahusgahan ng kung sino.Pero hindi rin naman sila ang dahilan kung bakit kami masaya sa kung anong relasyon namin ngayon.Oo,makapal na po sa makapal pero ipaglalaban ko po ang pagmamahal ko sa anak niyo.Hindi niyo man ako matanggap ngayon pero hihintayin ko po ang araw na iyon."May bahid man ng takot.Hindi ko naman kayang ipakita sa kaniya ang kahinaan ko.Lalo na at mahal ako ng taong pinaglalaban ko.

Alam ko na marami pa kaming pagdaraanang pagsubok.Pero sabi nga nila parte ito ng pag ibig.

(A/N:Bawi na lang ako next ÜD)

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora