Chapter 26

6.1K 307 40
                                    

(KHALIL)

Napapa palatak na lamang ako sa ingay ng katabi ko.Gustuhin ko mang pasakan ang bunganga nito malamang isang malutong na batok ang dadapo sa ulo ko.

Simula ng sabihin ko ang imbitasyon ni kleir sa kanila.Si marg agad ang tumalilis sa excitement.At nang malaman niya rin ang nangyari sa akin,nahihibang nitong sinabi na'Naku!maglulupasay rin ako sa harap niya para magkaroon lang ng chance na makadaumpalad paulit ulit ang mga member ng banda niya.Akalain mo yun!hindi na natin kailangan makipagbalyahan sa mga gig at concert nila!Ayiieee!'


'Paulit ulit talaga?!'

Kaagad na sumalubong ang kagandahan ng disenyo ng kanilang restobar.Masasabi kong kakaiba dahil hindi ito yong may kadiliman bagkus maliwanag at naghahalo ang neon lights sa ganda ng lugar.

Semi futuristic ang dating sa akin.May mini stage sila kung saan nakapwesto ang mga kagamitang instrumento ng grupo.

Binati kami ng mga tauhan saka dinala sa kahabaang lamesa ng kainan.

'Teka nasan ba si fafa kleir..Aray!Grabe ka khalil.huhuhu'daing nito matapos kong kurutin sa braso.

'Tumigil ka nga marg,'napanguso naman ito.

Natawa naman ang ilan sa mga katabi naming katrabaho.

'Ikaw naman,hindi ka na natuto dyan kay marg.Alam mong ilusyonada yan.'kasunod ang tawanan ng mga ito.

'Ay ang hard niyo ah!!'si marg.

Nakita kong papalapit sa amin si kleir kasama ang lalaking nakita kong kasama niya sa mall.

'Guys,meet my bestfriend and the owner of this resto.Jonas Salbero.'

Binati naman kami nito.Halos magkasingtangkad sila ni kleir.Masasabi ko ring may maibubuga ang kaniyang datingan.Matipuno ang pangangatawan at may kaamuhan ang mukha.

Tila nangingisay naman ang ilan sa kasamahan kong babae ng kamayan sila nito.Papahuli ba si marg na tila nanginginig sa pag ihi.

Naghain sila sa amin ng ilan sa main course ng kanilang menu.Hindi naman namin nakasabay si kleir dahil tila abala sila ng kausap niya.

'Grabe!!palaging sulit kapag kasama natin si boss!'usal ng kasamahan namin.

Kwentuhan at asaran habang kumakain at ang namumuno ay si marg.Kwela talaga ito kahit saan mapunta.

Hanggang sa...

'Mic check..'

Nakahanay sa kani kanilang pwesto ang kalalakihan sa mga instrumentong naroon.

Pumailang na ang tunog mula sa mga ito.

Pero ang aking  mga mata at maging pandinig ay nakatuon lamang sa iisang tao.

Making my way downtown

Walking fast faces pass and im homebound

Staring blanky ahead and just making a way ,make in a way through the crowd

I need you

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now