:55

1.9K 96 11
                                    

K L E I R

THIS INCIDENT BEFORE MAGHIWALAY AT MAG EMOTE SI KHALIL.
:))

"Tang* na pare!hindi ko talaga alam kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin."halos padaskal kong tinungga ang laman ng bote ng alak.

Niyaya kasi ako nitong magpalamig muna.Halos hindi na ako magkandaugaga sa ginagawa kong paghahanap sa kaniya.Si tita(Mama ni khalil) naman ay talagang ayaw ipaalam kung nasaan si khalil.

Sa tuwing tinatanong ko siya,lagi niyang sagot na hayaan ko muna ito.Hayaan para saan?Saka bakit kailangan niya pang magresign sa kumpanya.

Nasaan ka na ba khalil!

D*mn!Hindi ko talaga kayang wala siya sa paningin ko.Kakagaling ko lang sa amerika para kamustahin ang pagsama ko sa anak ko.

Yes anak ko.Knowing na wala akong kinarelasyon sa mahabang panahon.But this child is blessing for me and also him.Us.

Walang alinlangan kong ipinangalan ang bata sa apelyido ko.Ginawa ko ito hindi lamang dahil sa bata.Kung hindi sa kaibigan na ang turing ko ay nakababatang kapatid na rin ang siyang aking turing.

Awang awa ako sa kaniya sa mga panahong wala siyang malapitan.Ulila na sa magulang,wala pa na masandalang kamag anak sa buhay.

Ginawa ko ang lahat para makatulong sa kaniya.She is a victim.A rape victim.

Nagdaan siya sa depression ng malamang buntis siya.Lalo pa nitong pinalala ang kaniyang kalagayan.Nang malaman kong may sakit siya.

Higit pa roon ang aking pag aalala.Pinaalam ko sa magulang ko ang aking desisyon.Patungkol sa kustodiya ng bata.

Sa una ay pinangaralan nila ako.Pinaunawa nila sa akin ang pag kakaroon ng anak.Subalit sa pagkakataong iyon ay pinaalam ko na ang tungkol sa amin khalil.

Wala na akong balak siyang pakawalan pa.Matapos ko lang ang pagkuha sa bata ay siyang pagpapatali na sa lalaking mahal ko.

Hindi man nila maunawaan subalit kung saan ako masaya.Susuportahan nila ako.

Kahit sa mga hangarin ko lang sa buhay.Hangad nila ang kaligayahan ko.

"Baka naman.Misunderstanding lang yan pre."Sabay tapik niya sa aking balikat."Sana nga.Bro,ramdam ko ang mga bagay na iniisip niya minsan.Lagi kong pinapakita sa kaniya ang kabaligtaran ng mga iniisip niya.Gusto kong maisip niya na hindi nadidiktahan ng ibang tao ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan."paliwanag ko na siyang tapik sa aking balikat nito.

"Swerte siya sayo pre.Ang swerte ng gaya niya sa gaya mo.Lalo mo akong pinapahanga!"kasabay nito ang pagbangga ng aming mga baso.

"Jonas.Wala ka bang balak hanapin siya."Pang uusisa ko.Pansin ko ang kaagad ang pananahimik niya.

"Pre,hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sa kaniya.Maging yung kaibigan niyang si cleo ayaw ipaalam sa akin kung nasaan si Aki."Batid ko ang guilt na bumabalot sa kaniya.Naikwento niya ang mga ginawa niya sa taong iyon.

Dahilan para iwan siya nito.Nakakalungkot man isipin subalit totoo nga ang kasabihang 'na sa huli ang pagsisisi'

Pero hindi ito ang magiging ending para sa amin ng mahal ko.

-----

"Sige na nga!kami ng bahala ni crause sa gimik mo.Naku siguraduhin mo lang!Hindi mo ineeme eme yang si bakla!Babalatan ko talaga yang ano mo!!"saad nito sa akin.

Kahit naiinis na malaman kong kay crause siya nanuluyan ng ilang araw.Pigil akong magmaktol.Ayokong lamunin ako ng selos dahil dito.Baka mabulyaso pa ang mga plano ko.

Nakita ko ang pag ngisi nito sa akin.Pasalamat siya at kasama namin si froilan.

Kung hindi ay kanina ko pa siya nabanatan.Argh!

Dati pa ay ramdam ko na ang kakaibang pagtingin niya kay khalil.Hindi lang pala ako ang tinamaan ng lintik sa lalaking iyon.

Tsk.Kung bakit kasi napapansin pa siya ng iba.Noon.

Kahit na sabihing chubby sya noon.Kakaiba ang dating niya sa akin.Hindi ko alam.

Pero isa lang ang masasabi ko.Hindi sa panlabas na kaanyuan makikita ang kagandahan ng  tao.

Kung hindi na sa kalooban mismo ng isang tao.

Nais ko sanang ismiran ang kutong lupang ito.Pero,"Pare.Wala akong balak agawin sayo si khalil.Alam kong mahal ka ng tao.Kaya sana hayaan mo siyang magpaliwanag muna bago ang lahat.Una pa lang alam kong wala na akong kapag-a pag asa.Lalo pa't malalim na ang inyong pinagsamahan.Isa pa kahit inamin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko.Alam ko naman na olat pa rin ako sa huli."

Napatigagal ako sa kaniyang sinabi.At talagang nakuha niya pang mangumpisal sa akin.Tsk.

Buti na lang pala,loyal ang mahal ko sa akin.

"Makakahanap ka rin ng iba diyan.Yung mabait,masipag saka maalalahaning tao."ang payo ko sabay titig sa katabi nito.

"Hoy kleir!wag mo akong ineeme eme ha!saka kahit iduldol ko pa ang sarili ko diyan kay crause.Hindi ako pasok sa panlasa niya!"mataray nitong saad.

"Malay mo naman."dugtong ni crause na ikinatigil ni froilan.

Napatawa na lang ako sa mukha ni froilan.Mukhang hindi maipintang larawan.

Sa ngayon kailangan umayon ang lahat sa plano.Wala ka na talagang kawala sa akin.Khalil.

(A/N:Medyo nangangamote ang utak ko eh.Yogurt please!)

CINNAMONGRAPES.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now