Chapter 33

5.1K 271 26
                                    

( KHALIL )

'May nagawa ba akong mali?akala ko ba okey na tayo?'hindi ako umimik bagkus ay pinagpatuloy lang ang paglalakad sa hallway.

Nitong mga nakaraang araw iwas talaga ako sa kaniya.Sa opisina man o sa bahay.Oo sa bahay,madalas siyang bumibisita pero sa mga panahong iyon ay nagsisinungaling ako na pagod at may mga ginagawang bagay na para lang makakaiwas sa kaniya.

Hindi ko alam na kukomprontahin ako nito sa mga ginagawa ko.

Wala naman masama para sa iba ang pagkakamabutihan sa kapwa.Pero hindi sa nararadaman ko.Natatakot ako.Takot na umasa sa mga ganitong pinapakita at pinaparamdam niya sa akin.Baka kasi panandalian lang ang lahat.

Gulat naman akong hinila nito sa nadaanan naming storage room.Pagkapasok pa lang namin ay kaagad niyang pagkasara ng pinto nito.

Teka parang..

Parang nangyari na ito?

Rinig ko ang malalim na paghugot ng hininga nito.

'Hindi ko na alam.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.'siya nitong sabi.Kasabay  nito ang unti unting paglapit sa akin dahilan para mapaatras ako sa aking kinaroroonan.Naramdaman ko na lang na pader na ang kinalapatan ko.

Napatiklop naman ako.Kakaiba rin kasing tingin ang pinupukol nito sa akin.

'Maikli lang ang pasensya ko,pero pagdating sayo..Natitibag ang mga iyon.Gaya ng ginawa mo sa akin noon,Ganoon ang epekto mo sa akin.Khalil,matagal na rin.Pero siguro ito na yung oras.Ayoko na kasing patagalin pa ang mga bagay,baka mawala ka na naman ulit.'siyang ikinatigagal ko sa mga salitang binatawan niya.

'Simula ng makita kita ulit,naramdaman ko yung pagkabog nito'turo niya sa kaniyang dibdib.'Akala ko coincidence lang na kapangalan mo siya,pero hindi.Iba yung nararamdaman ko.Alam kong ikaw na yan.'dinampi niya ang mga palad niya sa aking pisngi.

'Back then,magulo pa sa akin itong nararamdaman ko.Oo,aminin kong ayoko ng ganoong pakiramdam dahil tingin ko ay mali.Pero ngayon siguradong sigurado na ako.Sigurado ako na mahal kita.'matagal bago rumehistro sa utak ko ang huling sinabi niya.

M-mahal?mahal niya ako?

'Paano ka nakakasigurong mahal mo ako?Gayong pinagtitripan mo lang ako noon?H-huwag mo nga akong lokohin!Isa pa ay malayo ang estado mo sa kinalalagyan ko.At hindi mo ba nakikita,bakla ako.Hindi mo naman siguro gugustuhing husgahan ng mga nakakakilala sayo,ng mga taong nakapaligid sayo.Kaya wag na lang ako,iba na lang.'Ang bigat bigat ng loob kong bitawan ang mga ito sa harap niya.Dahil gusto ko lang naman sa kaniya ipamulat ang reyalidad.

Hindi pa ako nakakaisang hakbang palayo sa kaniya ay hinuli nito agad ang braso ko,hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari.Dahil naramdaman ko na lamang ang pagtama ng aming mga labi.Dahil sa pagkakaawang ng aking bibig ay nagawa niyang palalimin ang pagkakahalik niya sa akin.

'Huh!huh..'halos maghabol ako ng hininga ng bitawan ako nito mula sa pagkakahalik niya sa akin.Subalit hindi ang paghapit nito sa akin kaya dama ko ang init na nagmumula sa kaniya.

'Bakit pa ako maghahanap kung nasa harapan ko na ang matagal ko ng hinahanap.Estado?wala sa akin kung anong klaseng pamumuhay ang mayroon ka.Hindi naman importante iyon.At kung panghuhusga man ng tao ang makapaghihiwalay sa atin,hindi ako matatakot ipaglaban yung nararamdaman ko.Sorry kung huli na para magtapat ako.Pero hindi pa naman natatapos ang lahat dahil pawang nag uumpisa pa lang tayo ngayon.Kaya wala ka ng magagawa kundi ang mahalin mo na lang din ako khalil.'gustuhin ko mang linlangin ang aking isipan,subalit hindi ko kayang baguhin ang takbo ng puso ko.

'Kung sakali bang hindi ko tanggapin ang nararamdaman mo,mamahalin mo pa rin ba ako?Maaari ka pang magback out.'nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya.Kung kanina ay puno ng sinseridad.Ngayon ay parang hindi ko mabanaag ang kasagutang inaasahan ko.

'Ngayon pa ba?tsk..'niyakap lamang ako nito.At hindi ko na matiis pa dahil alam ko na.Alam ko na sa sarili kong dapat ko lang siya na mahalin.

________

Matapos ang pagtatapat niya sa akin ng umaga,naging tuliro na ang aking isipan sa buong maghapon.Umabot sa paminsan minsan ay hindi ko na maipokus ang sarili ko sa trabaho.

Paano ba naman kasi ay parang replay sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya.

Kahit alangan man ng una,wala naman na ako sa puntong umatras pa.Dahil ang pag ibig ay parang sugal.Matalo man o manalo dapat buo ang loob mo sa mga bagay bagay na maaring mangyari sa takbo ng relasyon niyo.

Para na akong natuptop sa aking kinauupuan dahil presensya niya.Kahit ata bukas ang aircon ng sasakyan niya ay init na init ako.

Kung bakit ba naman kasi naflat-an ako ng gulong.Sabay kasi kaming umalis ng opisina.Nang makarating sa parking lot ganoon na lang ang gulat ko ng mabungaran ko ang dalawang gulong nito.

Sakto ring napadaan si kleir sa kinaroroonan ko sakay ng kotse niya.Wala akong nagawa kundi ang makisabay sa kaniya.Tinawagan niya ang tenant niya para ayusin ito kinabukasan.

Nakatingin man ang mga mata ko sa daanan,hindi naman matigil ang pagkibot ng dibdib ko.Para kasing ang awkward na sa akin na kasama siya.

'May gagawin ka ba bukas?'

Otomatikong napatingin ako sa kaniya.'W-wala.'

Napakuyom ako dahil hindi ko agad na pag isipan ang isinagot ko.Ganoon pa man,nagawa pa ng mga mata kong suriin siya.

Wala siyang suot na coat,sa white long sleeve nito na nakatupi ang kalahating manggas.Hapit nito ang kaniyang kapintugan mula sa braso nito.

Naglakbay pa ang mga mata ko paakyat sa kaniyang mukha.

Angat dito ang katangusan ng kaniyang ilong.At ang mapilantik na pilikmata nito.Napapalunok ako ng mariin mula sa kaniyang labi.

Parang..parang ang sarap

Kagatin?


'Im all yours now,kaya libre lang na pagnasahan mo 'ko.'

A/N:Nabasa ko yung lumang drafts ko.Medyo lame ang pagkakagawa ko noon.Baguhan pa lang kasi ako sa wattpad.hehehe.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now