Chapter 37

4.2K 206 32
                                    

(KHALIL)

'Hoy!baks,hindi ka ba sasabay?'napatigil ako saglit sa ginugugol kong pagtitipa ng keyboard.

'Sensya na marg,kayo na muna.Tatapusin ko lang ito.'nag aalangan itong tumango.Nagpaalala pa siya na kumain ako pagkatapos ko sa ginagawa ko.

Ilang folders pa ang nasa lamesa ko ng tignan ko ito.Mukhang matatagalan pa ako sa mga dokumentong dapat kong ayusin.

Habang patuloy sa pagtitipa,may naramdaman akong umupo sa katabi kong swivel chair.

'Lunch na,hindi kasama sa agenda ng kumpanya na pagutuman ang mahal ko'napatigil ako sa ginagawa ko.Imbes na bigyan siya ng pansin ay kaagad akong napatingin sa paligid.Mabuti na lamang at wala ng tao.

'Tara,kain muna tayo.'sabi nito.Gustuhin ko mang ipagpatuloy itong gjnagawa ko.Hindi ko na magawa dahil na rin sa naamoy ko ng husto ang pabangong gamit ni khalil.Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Ano tara,o gusto mo tulungan pa kita dyan."sabi nito sabay kindat pa sa akin.Boltahe naman ang dala nito sa akin.Ang cute niya pero mas nakakaintimida.Parang ganun.

Inayos ko muna ang mga files bago ko patayin ang computer.

"Bat dala mo pa yang bag mo?iwan mo na yan."puna nito.

"Eh kasi,may baon talaga ako.Pero pwede naman tayong magsabay kumain."napatango na lamang ito subalit siyang pagkuha ng bag ko sa akin.

Sinubukan kong kunin ang bag ko at sawayin ito.

"Boyfriend mo ko,kaya dapat ako nagdadala nito diba?"hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin pero parang hindi naman ata tama iyon lalo pa at nasa opisina kami.Nag aalala ako na baka may makakita sa amin at magisip ng kung ano.

"Ako na magbubuhat niyan,magaan lang naman yan.Saka wag mo akong ituring na babae.Lalaki pa rin ako sa paningin ng iba."sambit ko dito ng nasa elevator na kami.

"Sa paningin nila iyon.Hindi sa mga mata ko.Hindi ko naman sinabing babae ka.Ang akin lang naman,sa ganitong paraan mapakita ko sayong karapat dapat kang alagaan."napakagat ako sa aking labi mula sa kaniyang mga sinabi.

Simula yata nang maging in relationship ang status namin ni khalil.Para yatang walang araw kung hindi ako makadama ng ganitong damdamin.Parang kwitis na sumasabog,parang isang baso na napupuno ng tubig at kapag sa katagalan ay baka tuluyan na akong malunod sa lalaking ito.

Sa isang mamahaling restaurant kami nagtungo.Nakakailang lang dahil ang ganda ng mismong lugar.Elegante at masasabing hindi basta basta lamang ito.At mukhang hindi rin maitatanggi na hindi rin basta basta ang mga taong nakikita ko rito.

Nang makaupo kami,kaagad na inasikaso si kleir sa oorderin nitong pagkain.Tumanggi naman na ako ng tanungin kung may gusto akong orderin.Sapat na kasi ang ulam at kanin na baon ko.Kaya lang naman ako napabaon ng pagkain,dahil nga sa alam kong matatambakan ako ngayong araw.

Nang dumating ang pagkain ni kleir siyang handa ko naman ng baunan ko.Nahihiya man ilabas ngunit batid ko ang mga mata ni kleir sa hawak  kong baunan.

Naalala ko tuloy noon,ng malaman niya na may baon akong lunchbox ay aligaga siyang makita ang laman nito.Wala raw kasing nagpapabaon sa kaniya ng pagkain.Natuwa naman ako ng wala siyang atubiling kainin ang baon kong kanin na ibinahagi ko sa kaniya.

Kuryosidad.

Iyan ang nakikita ko sa kaniyang mukha ngayon.

Nang buksan ko ang mga patong patong ko na baunan.Tumambad ang ulam kong menudo,nilagyan ni mama ito ng mga maliliit na nilagang itlog,(itlog ng pugo)Sa sumunod na lalagyan ay kanin.At ang panghuli ay tinapay na pinalamanan ko ng ham at chicken mayo.

Nang tignan ko ang pagkain ni klier katiting lamang ito sa plato niya.Hindi ko alam kung pati ang disenyo na gulay dito ay makakain niya.Alam ko na sa ganitong uri ng kainan ay tila ginto ang mga nakahain dahil sa halaga o presyo nito.Kaya hindi ko tuloy maiwasang manghinayang.

"Hati na tayo,ako ang naghanda nito."Sabi ko.Bigla naman nitong iginilid ang pagkain mula sa plato nito.Umorder siya ng extra rice nang matikman ang ulam na kinuha sa akin.Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ngayon napapaisip ako,paano kung hindi ako lumayo.Ano kaya ang mga posibleng nangyari.Hindi

----

Pabalik na kami sa opisina ng may makasalubong si kleir na kakilala.Nagpasya akong magpatiuna na para makapag usap sila.

"Hoy khalil,saan ka galing?Pambihira ka,kakain ka pala hindi ka na lang sumabay sa amin."parang naninitang bungad ni marg sa akin.

"Eh hindi ko na natiis ang gutom."paliwanag ko.Nagsabi ito na dumaan daw ako sa accounting dahil may mga papel na pinapakuha mula sa head namin.

"Naku khalil,may mga gwapo dun sa department nila.Malay mo naman chance mo na."Pagbibiro nito sa akin.Ganyan talaga si marg malakas ang radar pagdating sa panlasa niya.

"Chance?Anong chance yun?"napatigil kami ni marg sa nagsalita.

Hindi ko alam na nakatayo na pala ito malapit sa amin.

"Eto kasing si khalil sir,hinahanapan ko ng jowa.You know,kulang sa dilig kaya matamlay ang buhay.Kaya gusto kong ireto naman itong friend ko para naman hindi puro sa work lang siya nakafocus.Am i right sir?"tila nangasim ang sikmura ko sa sinabi ni marg.Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya ang patungkol sa aming dalawa ni kleir.

"Ganun ba.O sige,maiwan ko na kayo."pigil na pigil ako sa aking hininga ng dahil sa kalokohang lumalabas sa bibig ni marg.Hindi ko magawang tignan si kleir ng sandaling magpaalam ito.Dahil sa pagkukwento ng magaling kong kaibigan.Kung pwede lang sana busalan ng bibig ito ay nagawa ko na.

"One more thing pala,dumaan ka sa akin mamaya Mr.Bustamante.May didiligan tayo."Pahabol nito.At siyang ikipinanlamig ng aking diwa.


A/N:Natagalan ako dahil sa pagiisip ng plot ng chapter nito.Pasensya na sa shemshem kong utak.Whew.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now