Chapter 31

5.5K 288 19
                                    

(KHALIL)

'Hmm,teka bakit wala pa sila?Anong oras na,malamang tapos na ang misa.'

Takhang mapatingin ako sa orasan.

Hindi ko tuloy masubo subo ang masarap na pagkaing na sa harap ko.Nakakahiya naman kila mama na datnan kaming solong kumakain nito.

'Baka naman may dinaanan lang..'sabi nito at kuha ng slice ng pizza saka lagay sa pinggan niya.

Gaya ng nakaraan,ginawa niya muli ang pagtatanggal ng bell pepper sa ibabaw ng pizza.

Napanganga ako ng ilagay niya ito sa aking plato.

'Kleir,bakit mo ba ginagawa iyan?'

Napakunot ang kaniyang noo.

'Ayaw mo ba?gusto mo palitan ko ng iba.'Umiling naman kaagad ako.

'Hindi.Ayos lang naman,nagtataka lang ako kung bakit mo ginagawa ito?'

Napabuntonghininga ito sa huli.

'Sa tuwing nakikita ko kasi ang bell pepper sa ibabaw ng pizza may naaalala kasi akong tao'

Gulat na napatingin ako sa kaniya.

'Ang nakakalungkot nga lang..baka kinalimutan na ako nito.'Halata sa boses niya ang pagkadismaya.Ako naman ay napipi sa kaniyang mga sinabi.

'Hayaan na nga lang natin.Tara kain na lang tayo.'dagdag pa nito.

Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakakain ng dahil sa sinabi niya.

Totoo ba?totoo bang naaalala niya ako.

Pero bakit hindi niya ako makilala kung sino ako?O baka isa na naman itong biro?

Huwag..

Huwag ka uling magpapaniwala...

Sa mga kilos at salita niya..

Nagawa niya na ito..

Noon.

'Khalil?do you hear me?'balikwas akong napatango sa sinasabi niya.Kahit hindi ko batid kung ano ang mga iyon.

Napagdesisyunan kong buksan ang dvd player at magsalang ng palabas.

Nerve ang title nito.

Doon ko na lang ibinaling ang aking isipan.Kesa isipin ang mga pahaging na sinasabi nito.Baka tuluyan na akong trangkasuhin.Kakaisip.

Mukhang maganda naman ang palabas,ayon na rin sa takbo ng kwento.Patungkol ito sa mga kabataan na naghahanap ng kalayaan at tiwala sa sarili.

Medyo kinilig ako sa katambal ng bidang babae na si Vee/Venus.Ang gwapo lang kasi nito.Swabe ang dating.Hindi ko inasahang may scene na tatakbo silang naka hubo't hubad.Ang abs!whew!!

Hindi ko pa mapapansing may kasama ako ng makaramdam ng kung ano sa aking sinasandalang upuan.Bakit parang naka akbay ito?

Napatikhim ako.Pero parang baliwala sa kaniya ito.Mukhang tapos na rin siyang kumain,hindi naman nakaligtas ang amoy nitong unti unting nanunuot sa aking ilong.

'Ehem..p-pwede bang umisog ka ng konti?'utos ko.

'Ayoko nga'inis ko itong tinitigan.Subalit hindi nakaligtas sa aking paningin ang kaniyang pagngiti.

Doon tila ramdam ko na ang kamay nitong humahapit sa aking braso.

'A-at bakit?'nakapukol man ang paningin sa t.v ay tila malulusaw ka sa pinapakitang ngiti sa labi nitong mala rosas ang kulay.

'Kasi ayoko'sabay harap ng mukha nito sa akin dahilan para magkrus ang aming mga paningin.Mataman akong pinagmamasdan nito.Tila nakikita ko ang aking sariling imahen sa kaniyang mga mata.Dahil sa labis na pagkakalapit nito sa akin.

Medyo nagkumahog sa bilis ng tibok ang aking puso.

Para bang tumigil ang pag inog ng oras ng sandaling ito.

Habang nakapako ang aming mga mata sa isat isa.Ramdam ko ang isang kamay nitong nasa aking pisngi.

Huwag!huwag kang gagalaw!

Hahalikan ka na niya!

Ang first KISS mo!

Bulong ng maingay kong puso.

Naku wag kang TANGA!!

Hinohopia ka lang niyan!!

Sigaw naman ng aking utak.

'May sauce ka pa sa gilid ng labi mo'saad nito na aking ikinanganga.

'Sarap'na ikinatanga ko pa ng kaniyang lasahan sa kaniyang daliri.At saka humarap sa pinapanood namin.

Nang sandaling iyon tila nakadama ako ng kung mga anong bagay.Inis at excitement.Pero nangingibabaw ang dissapointment.Argh.


_______

Bandang kahapunan na dumating sila mama at ang kapatid ko.Ewan ko ba,ang mga kapatid ko ay gulat at saya ang naramdaman ng makita kung sino ang bisita.E si mama na pumafan girl.Ayun parang wala lang sa kaniya.Pangisi ngisi pa.

May mga dala silang pagkaing galing resto.Kaagad naman itong inihain ni mama sa lamesa.Gumala sila ni hindi man lang ako niyaya..

(May sakit ang karakter mo ngayon.Shunga!)

Napanguso naman ako sa kung sino mang talipandas na bumulong sa aking isip para maalala ito.

Paborito kong pansit at chow rice ang aking kinain.Samantalang si kleir naman ay masarap na humihigop ng sinabawang dimsum.Teka dimsum ba yun?O siomai ang tawag?

'Kamusta naman ang pakiramdam mo anak?Siguro naman gagaling ka na nyan gwapo ng nag aalaga sa oh!'sabi ni mama habang nakaupo sa tabi ko.

'Ma naman e!ayos na po ako.Saka pasalamat tayo sa boss kong nag alaga sa akin imbes na kayo ang gumagawa nun.'napangiwi ako ng kurutin nito ang tagiliran ko.

'Naku,ang drama mo ngayon khalil.Dont me!Mother knows best kaya the best kung siya ang nag alaga sayo.'ewan ko parang nakakaramdam ako ng asiwa sa mga komento nito sa akin.Parang may mali?

'So,dapat pala siya na lang ang nanay ko ganun?'sambit ko.

'Hindi bababagay,anak.Mas maganda kung siya ang maging kabiyak mo.'

Huli na ng masaisip ko ang mga sinabi nito.Matapos malunok ang pagkaing hindi ko magawang nguyain.Dahilan para..

'Argkkh..'

At huli na ng mapansin nila na nabibilaukan na ako.




'Kleir,imouth to mouth mo ang anak ko!!Dali!'






A/N:+_×soree,mddyo leym.Sabog pa utak ko e.Tewtewtew..

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now