Chapter 5

6.9K 304 8
                                    

(KHALIL)

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.Nakakapagpaligaya?So,nabitin siya sa kissing scene na nagaganap kanina.Edi kung bitin siya ulitin na lang ulit.Chickboy din kasi itong si crush.Syempre kapag sikat ka,for sure maraming babaeng nagkakandarapa rin sa iyo.

"S-sorry..H-hindi ko n-naman balak m-maabala ang g-ginagawa niyong halik-"

BLAG!

Marahas na paghamapas nito muli sa bagay na aking nasa likuran.Yung totoo!sa estante ba siya nagagalit?

Napa-tsk naman siya at kinuha niya ang aking braso.Sa una ay pilit akong nagpupumiglas pero wala naman nagawa ang liit ko sa laki ng katawan niya.

Ang ending ay nagpatianod na lamang ako sa kanya.

Pumasok kami sa isang silid mismo sa library.Parang storage o stock room ito.

Itinulak niya ako at isinara niya kaagad ang pinto nito.Nilock pa niya talaga.

Tapos ay humarap sa akin.

Nakangisi pa na animo'y may masamang balak na gagawin.

"Oy!a-anong ba-balak mong gawin?!"Nangangatog kong tinig.

Humakbang naman papalapit ito sa akin.

At ako naman ay paatras ang aking ginagawa.

"P-pa-patawarin mo na ako..h-hindi na mauulit promise!"sabi ko habang patuloy ang pagatras sa aking kinaroroonan.

Subalit nanatiling tahimik ito sa kanyang kinaroroonan.Natatakot ako sa ngising pinakikita nito sa akin.

Hanggang sa wala na pala akong maatrasan dahil lamesa na pala ang naatrasan ko.

Mabilis akong umikot sa kabilang dulo nito.

"K-kleir!s-sorry na!palabasin mo na ko!"pakiusap ko.

BLAG!!

Hinampas nito ang lamesa.So matapos ang estante kanina ay lamesa ngayon.Yung totoo hobbies niya ba ang manghampas?

"Get over here!"matigas na utos nito.

"Ayoko nga!Palabasin mo na ako!"sagot ko rito.Bigla kasing sumagi sa utak ko yung research na dapat ay ginagawa ko na ngayon.

Tumakbo ito papunta sa akin at maagap naman akong umikot sa kabilang bahagi ng mesa.

Nagsalubong na ang kilay nito sa akin.Ako naman ay binabantayan ang galaw niya.Naisip ko na tamang tama na ang lugar ko malapit na ako sa pinto.

Naisip ko maging maagap.

Isa

Dalawa

Tatlo

At nahawakan ko na ang doorknob nito.

Pero...

"Anong akala mo maiisahan mo ako ha?!!"sigaw nito habang sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

Hawak nito ang pulsuhan ng kamay ko.Habang ako naman ay nanginginig sa takot sa inaasta nito.

Baka mabugbog di oras ang maganda kong mukha.

"So,gusto mo bang patawarin kita?"tanong nito.

Napatango na lang ako bilang sagot.

"SAGOT?!"sigaw muli nito.Halos mabasag na ang eardrum ko sa boses nito.But take note ,husky ang boses niya.

"Oo.as in Y-yes na yes!"sagot ko medyo nakakangawit pala ang posisyon ko.













































"Then be my Slave?!"






------
A/N:Yes or Yes?😂😂

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon