Finale

3.2K 155 17
                                    

Matapos magpalitan ng I DO sa amerika.Balik pilipinas kami.Oo sa ibang bansa kami nagpakasal ni kleir.Pribado ang okasyon.

Ayon na rin sa pinagkasunduan namin.At na rin sa aming mga pamilya.

Masaya ako dahil naroroon ang mga taong malapit sa amin.

Naging payapa at maayos ang lahat sa araw na iyon.Nagdiwang naman  kaming dalawa ng 'Honeymoon'sa Paris.

Regalo ng kaniyang mga magulang ang flight na iyon sa amin.Sa isang luxury hotel kami tumuloy.

At halos buong araw kaming nag 'ano'.Dahil doon tila isa akong lantay gulay kinabukasan.Abo't-abot ang pag aalagang  ginawa naman niya sa akin.

'Ikaw kasi!sabi ng tigil na.Sige ka pa rin.Imbes na naglilibot tayo,eto at nakahiga tayo pareho.'pagmamaktol ko pa.Ipinatong niya ang aking ulo sa kaniyang matipunong braso.Saka inilapit ng husto sa kaniyang katawan.

"Sorry,sorry..Hindi ko naman balak na magdamag gawin yun."tugon niya.Habang nakaguhit sa labi ang ngingiting aso.

"Eh ano pala!"

"Nakakagigil ka kasi!"sabay sunggab ng halik sa aking labi.Kinurot ko naman siya na ikinaigik niya sa kaniyang tagiliran.

"Iisa ka pa ha?!Kitam ng hindi ako makatayo na dito!"saway ko sa kaniya.Tawa lang ang siyang sinagot sa akin nito.

Hayy...

Sa ngayon,ilang balita na ang nagdaan patungkol sa aming dalawa.Mga haka haka na siya namang tunay.

Nakakatuwa lamang ang katatagan at pagmamalaking ginagawa ni kleir sa mga isyung iyon.Walang alin langan siyang nagsabi sa harap ng maraming tao na ang kaniyang kabiyak ay kapwa niya kasarian.

"Ano naman,kung kami parehong lalaki.Kung tatawagin niyo akong bakla ngayon.Edi sige.Ang mahalaga marunong akong magmahal.Ang pag ibig ay walang mukha.Hindi mo madidiktahan ang puso.Lalo na kung yung taong mahal mo ang siyang dahilan ng bawat pintig nito."

Ang sabi niya sa isa sa mga interview niya.

Halos hindi magkahumayaw ang aking puso sa kaniyang mga binitawang salita.

Tagos ito sa aking damdamin.Naroroon ang mga senaryong nanumbalik sa aking ala ala.

Flashback...

"Sa palagay mo natutuwa pa ako sa mga pagsunod sunod mo sa akin..."

"Then be my Slave?!"

"Now get out of my sight!...fag"

"Nagmumukha kang baboy sa kakasimangot mo."sagot nito namay pagngisi pa sa huli.

Yumakap ang braso nito sa aking katawan.Tila naninigas akong yelo sa aking kinahihigaan.Ramdam ko ang init na nagmumula sa matipuno nitong katawan.Lilingon pa sana ako sa kaniya subalit,

"Sleep now.slave"


"Ayusin mo ang pagsagot mo sa mga iyan!"kaagad niyang putol sa nais kong sabihin.Kaagad din siyang umalis sa harap ko ngunit bago iyon ay "Wag na wag mong subukang umangal sa akin.Lalo na ang makipag usap sa lalaking iyon.Maliwanag ba?!"nanlilisik ang tingin nito sa akin.Napatungo kaagad ako dahil sa takot

Habang gumagawa nakarinig ako ng pagtalbog ng bola sa kabilang bahagi ng mataas na halaman ng hardin.Kasunod muli ng kantiyawan at tawanan.Panigurado mga barkada na naman ito ni kleir.

"Par,nakita kita ka raw ni domingo na kahangkas yung matabang beki kahapon?Pansin ko parang close kayo?"

Woah!wag mong sabihin pinatos mo pati yung baklang iyon.."kasunod ang tawanan.Nakaramdam ako ng awa sa sarili ng marinig ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now