Kabanata 01

92.8K 2.8K 2.2K
                                    

NASA loob si Choleng ng kanyang silid na tadtad ng mga posters ng kanyang mga favorite Kpop and Jpop idols. Busy mode siya ng mga oras na iyon habang nakaupo siya sa tapat ng kanyang study table. Nakabukas ang wifi at laptop niya. Nagkalat din sa ibabaw ng kanyang study table ang history books, papel, notebook, ballpen, marker at kung ano-ano pang mga related sa pag-aaral niya.

Gumagawa siya ng kanyang pagsasaliksik para sa kanilang Philippine History subject. Kung sinuman ang makakakita sa kanya roon ay iisipin talagang bawal siyang istorbuhin dahil abala siyang mag-aral. Ngunit ang totoo niyan ay kanina pa siya naglalaro ng Everwing sa kanyang phone habang kausap sa video call sa laptop si Rachelle, her best friend.

"Baks! Alam mo na ba ang chika?"

"Bakit? Ano'ng meron?" Tanong ni Choleng kay Rachel ngunit nasa phone ang kanyang pansin.

"Gosh! Ikakasal na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki for real!"

"Really?"

"Oo baks! This coming October na raw sila ikakasal and that's my birth month. I wish na sana sa araw ng birthday ko sila ikasal!"

"'Di ba, sila iyong bida ng Moon Embracing the Sun?"

"Shunga! Descendants of the Sun ang pinagbidahan nila, hindi iyon!"

"May Song-Song din kaya roon." Push na push pa niya.

"Baliw! Parehong lalaki naman iyong Song-Song na tinutukoy mo eh!" Inis na sabi ni Rachelle na para bang gusto nito ilusot ang katawan sa screen para sabunutan siya.

"Ah, eh di parehong bakla pala iyong ikakasal? 'Buti pinayagan sila ng batas ng Korea na magpakasal kahit pareho ang kasarian nila." Komento niya habang pinanggigigilang barilin ng kanyang weapons ang mga kalaban sa Everwing.

"What? Hindi sila bakla!"

"Ah, eh di lesbian?"

"Sira ulo ka talaga Choleng! Kahit kailan hindi ka talaga matinong kausap!"

"Sabi ko naman sa iyo. 'Wag mo akong dadaldalin habang naglalaro ako. Talagang lilipad sa outer space ang usapan natin."

"Ewan ko sa iyo!" Sinimangutan lang siya ni Rachelle pero hindi rin nagtagal ay bumira na naman ang kaibigan niya para magsalita. "Siyanga pala, nagsumbong sa akin ang ka-blind date mo kahapon."

Si Rachelle kasi ang umasikaso sa blind date niya since buryong-buryo na raw ito sa buhay-single niya.

"Ang sabi niya sa akin, wala ka raw tinirang dignidad sa sarili mo. Ano ba kasing sinabi mo sa kanya?"

"Sinabi ko lang naman na may apat akong anak sa iba't ibang lalaking DOM pero pinalaglag ko rin at nagpabuntis uli ako sa ibang lalaki."

"My ghad, Choleng! Baliw ka nga!" Ani Rachelle na kulang na lang ay iumpog ang ulo sa screen ng laptop nito.

"Correction, baliw na maganda─oh no!" Tinagilid pa ni Choleng ang kanyang phone para iwasan ang sunod-sunod na bala ng kalaban kaso nahagip pa siya kaya ayon, na-game over tuloy siya. "Asar!" Inis na sabi pa niya. Muntik na kasi niyang matalo ang sarili niyang score.

"'Buti nga sa iyo." Narinig pa niyang pinagtawanan siya ni Rachelle. "Talagang hindi ka makakabingwit ng lalaki kung gano'n palagi ang punchline mo sa mga nakaka-date mo. Sino ba naman kasing matinong tao ang gugustuhing magkaroon ng girlfriend na ilang beses na nagpalaglag ng anak at nagpabuntis uli sa iba?"

Nakasimangot na kinuha ni Choleng ang kanyang charger para i-charge ang kanyang naghihingalong phone.

"Ano ka ba? Doon mo masusukat kung talagang handang tanggapin ng lalaki ang lahat sa iyo."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now