Kabanata 06

34.4K 1.7K 181
                                    

"RECIBI una noticia de que hay un levantamiento por aquí en Manila." (I received a news that there is an uprising around here in Manila.) Gamit ang dulo ng hawak na patpat ay itinuro ni Lucas sa mapa ang Maynila upang bigyang-diin ng binata ang pinatutungkulan. "Todavía no estoy seguro de quién está detrás de este levantamiento, pero necesito su ayuda para detener a los traidores españoles." (I'm still not sure who's behind this uprising, but I need your aid to apprehend the Spanish traitors.)

Sabay-sabay na tumango ang matataas na opisyales upang ipakita ang kanilang pagsang-ayon sa Gobernador-Heneral.

"Esto significa que debemos tener una seguridad estricta alrededor de Manila." (This means that we need to have strict security around Manila.) Pahayag ni Alferez Almanza─ang pinuno ng mga guwardiya sibil na marunong manalita ng wika ng mga indio.

"Y quiero que se haga cargo de este caso, alférez. Estoy seguro de que puede tener algo que ver con el ataque dentro de casa de parocco hace seis meses donde el padre Hurtado resultó herido." (And I want you to take charge on this case, Alferez. I am sure it may have something to do with the attack inside Casa de Parocco six months ago where Padre Hurtado was injured.)

Lahat ng mga suliranin ay nakarating na kay Lucas lalong-lalo na ang kumakalat na aliwaswas tungkol sa isang kilusan na ibig kalabanin ang pamahalaan. Kabilang na sa natanggap na ulat ni Lucas ay ang naganap na pagsalakay sa Casa de Parocco anim na buwan na ang nakararaan kung saan doon naninirahan ang mga prayle na kinabibilangan ni Padre Hurtado. Nagtamo ng mga sugat at galos noon si Padre Hurtado. Hindi rin mawari ng mga tao kung bakit si Padre Hurtado ang napagdiskitahan ng mga taong iyon. Subalit may palagay ang mga opisyales ni Lucas na maaaring may kaugnayan iyon sa kilusan.

"Tenga la seguridad, gobernador general. Mis guardias civiles y yo nos encargaremos de esta investigación. Nos aseguraremos de que estos rebeldes sean capturados." (Rest assured, Governor-General. My civil guards and I will take care of this investigation. We will make sure that these rebels will be captured.)

"Muy bien. Quien capture al líder y los miembros de su movimiento, le daré encomienda como recompensa en nombre de nuestra reina." (Very good. Whoever captures the leader and members of their movement, I will give him encomienda as his reward on behalf of our Queen.)

"Sheet...ang guwapo talaga niya." Mahinang komento ni Choleng sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang postura pati na ang gawi ng pakikipag-usap ni Lucas sa mga opisyales nito.

Hindi na kasi nasundan pa ang usapan nila ni Clarita sapagkat tinawag na ang dalaga ng isa pang babaeng tagapagsilbi na si Celerina. Pinatatawag daw si Clarita ng tagapagluto ng hacienda upang samahan si Ludivila na bumili ng mga sangkap sa pamilihan para sa ihahandang tanghalian mamaya. Sa ngayon ay hindi pa nagpapalit ng kasuotan si Choleng sapagkat tinatamad pa siya. Hindi rin niya magagamit ang kanyang phone upang libangin ang kanyang sarili sapagkat wala pang internet sa panahong iyon.

Kaya sa halip na mamatay si Choleng sa labis na boredom ay naisip niyang lumabas muna sa loob ng silid. Kahit na masakit ang kanyang paa ay pinilit pa rin ni Choleng ang sarili na lumakad at pumanaog sa hagdan para sana maglibot-libot. Subalit hindi natuloy ang kanyang binabalak nang maabutan ni Choleng ang nagaganap na pagpupulong sa sala mayor sa pangunguna ni Lucas. Kaya roon na lamang sa likod ng kurtina siya nagkubli katabi ang isang halamang nakatanghal sa gilid upang makinig sa usapan.

Ngunit wala namang maintindihan si Choleng sapagkat Kastila ang ginagamit ng mga tao sa usapan. Kaya hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na tanawin si Lucas mula sa kanyang puwesto at pagmasdan ang bawat galaw nito. Naka-side view kasi sa gawi ni Choleng si Lucas, kaya kitang-kita niya kung gaano katangos ang ilong nito maging ang paggalaw ng lalagukan nito sa leeg sa tuwing magsasalita. Saka ang sarap ding pakinggan ng baritonong tinig nito!

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now