Kabanata 26

26.7K 1.5K 575
                                    

NAWINDANG ang brains cells ni Choleng! Dinaig pa ang makinang nawalan ng kontrol at tila ba na-mental block nang halikan siya ni Lucas. Akala niya nananaginip lamang siya. Pero hindi, mga beshy! Totoong nagaganap ang halik na iyon! Tumitili rin ang kanyang isip upang utusan ang kanyang sarili na kumilos at gumawa ng paraan upang matigil na iyon. Subalit hindi siya makakilos!

Tila ba mayroong lumulukob na mahiwagang tawal upang hindi siya makakilos at mapako sa kanyang kinatatayuan. Hindi gumagana ang buo niyang sistema. Kaya hanggang sa humiwalay ang labi ni Lucas sa kanyang labi ay wala siyang naitugon at natulala siya kawalan. Ang lakas din ng tibok ng kanyang puso at batid niyang namumula ang magkabila niyang pisngi. Nakatatangay pala ng kaluluwa ang halik nito!

"Magsimula ka nang magpalit ng iyong kasuotan. Marumi na iyan at hindi nababagay sa isang Binibini ang magsuot nang ganyan."

Walang naitugon si Choleng. Tila ba nilimas ng nagngangalit na alon mula sa payak na halik ni Lucas ang lahat ng kanyang mga hinaing na ibig niyang maipabatid sa binata. Wala rin siyang ibang ginawa kundi ang manatiling nakatayo sa harap ni Lucas. Mayamaya ay narinig ni Choleng na tinawag nito si Ludivila. Kitang-kita rin sa mukha ni Ludivila ang labis na takot. Maging ang mga kamay ng tagapagsilbi ay nanginginig sa labis na pagkabahala na maaaring madamay din ito sa galit ni Lucas.

"Magpatawag ka ng manggagamot na susuri sa kanyang sugat." Tukoy ni Lucas sa sugat ni Choleng sa kanyang pisnging nadaplisan kanina ng bala. "Ipaghanda mo rin ang iyong Senyorita ng kanyang makakain. Batid kong kanina pa siya nagugutom."

"M-Masusunod po, G-Gobernador-Heneral." Bahagya pang iniyuko ni Ludivila ang ulo nito upang magbigay-galang kay Lucas. Saka nagmamadaling umalis upang sundin ang utos ng binata sa takot na maaaring mapagalitan.

Muli namang binalingan ni Lucas si Choleng. "Inuulit ko, hindi na magbabago pa ang aking pasya. Kung anuman ang maging pasya ng hukuman, iyon ang ipatutupad at susundin. Sasayangin mo lamang ang iyong pagod na panigan sila kapag napatunayan bukas na sila nga ay nagkasala hindi lamang sa akin kundi maging sa pamahalaan."

Matapos sabihin iyon ni Lucas ay tinalikuran na siya ng binata. Nakatayo lamang si Choleng sa kanyang puwesto habang tinatanaw ng kanyang mga mata si Lucas na kasalukuyang pumapanhik sa hagdan hanggang sa marating ng binata ang pinto ng sariling silid saka pumasok sa loob. Si Choleng naman ay naiwang mag-isa sa malawak na sala mayor. Tulala. Walang imik.


UMAGA na nang magising si Choleng sa kanyang higaan. Kapag ganoong gising na siya ay bubukas ang pinto ng kanyang silid saka papasok si Clarita upang ihatid ang bandeha ng agahan. Palagi rin niyang inaanyayahan si Clarita na sumalo sa kanyang pagkain habang nagkukuwentuhan sila. Siyempre, hindi nawawala sa kanilang paksa si Lolita.

Ang babae lamang kasing iyon ang tanging specie na naiisip ni Choleng na magandang pagkatuwaan. Yeah, masarap sa pakiramdam na mam-backstab ng kapwa lalo na kung sobrang impaktita ng ugali. Ngunit ang mga sandaling iyon ay hindi na kailan man magiging kagaya ng dati. Nawalan si Choleng ng kaibigan. At labis na nangungulila ang kanyang puso sa maagang pagkawala ni Clarita.

Nagsisisi si Choleng sa mga masasakit na salitang ibinato niya kay Clarita noon. Ibig lamang siyang tulungan ni Clarita na makawala kay Lucas. Kaya nagawa ng kanyang kaibigan ang bagay na iyon at binigyan naman niya iyon ng masamang kahulugan. Inisip niyang masama si Clarita at manloloko. Subalit para din naman pala sa kanyang kaligtasan at kapakanan ang ginawa ng kanyang kaibigan.

Ni hindi man lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Clarita at makahingi ng tawad sa mga nasabi niya. Pakiramdam tuloy ni Choleng, siya ang pinakamasamang kaibigan sa daigdig at labis siyang nagdadalamhati sa pagkawala ni Clarita. Lalo pang nadagdagan ang kanyang nadaramang lumbay nang ipatapon ni Lucas kagabi kay Celerina ang kasuotang inihandog sa kanya ni Rafael.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now