Kabanata 47

15.1K 870 582
                                    

"ANG weird naman ho manong." Nalilitong napakamot sa pisngi si Choleng habang kaharap niya ang dalawang guwardiya sibil na nagsisilbing estatwa-este tagapagbantay sa entrada ng palasyo. "Hindi niyo naman po ako hinaharang dati kapag pumupunta ako rito. Suki na nga ako rito 'tapos ngayon pa po ninyo ako haharangin?"

Maraming beses na siyang pumupunta roon kapag si Lucas ang sadya niya. Pero iyon ang first time na hinarang siya ng dalawang guwardiya sibil ng palasyo.

"Paumanhin, Binibini." Hinging paumanhin sa kanya ng guwardiya sibil na nasa gawing kaliwa. "Hindi naman ho malaking suliranin sa amin kung hayaan namin kayong pumasok sa loob. Sa katunayan, Binibini, ikaw ang pinakamabait at napakagandang dilag na aming nakilala."

"Ngunit sa ngayon, kinakailangan naming sumunod sa ibinabang kautusan ng Gobernador-Heneral na wala kaming papapasukin na kahit na sino sa loob." Dagdag pa ng guwardiya sibil sa kanan.

"Gano'n ba?" May halong panghihinayang ang kanyang boses. Bakit kaya? At bakit pati ako damay? 'Di ba dapat exception ako kasi labidabs niya 'ko?

Mukhang nakonsensya naman ang dalawang guwardiya sibil nang makita ng mga 'to ang malungkot niyang mukha na dinaig pa ang mga brokenhearted. Kaya naman muling nagsalita ang isa sa dalawa.

"Ganito na lamang. Kakausapin ko angGobernador-Heneral sa loob upang ipaalam sa kanya na ikaw ay naririto, Binibini. Natitiyak ko namang kapag sinabi kong naririto kayo ay maaaring magbago ang kanyang isip."

Sumigla ang kanyang mukha pero napangiwi rin siya sa huli nang muling kumirot ang kanyang likod.

"Maraming salamat po manong! The best talaga ang tandem niyo!"

Hindi man naintindihan ng dalawa ang kanyang sinabi ay nginitian lang siya ng mga 'to.

"Walang anuman, Binibini. Hali na kayo at sumunod sa akin. Ako na ho ang maghahatid sa inyo sa kanyang opisina."

Sumunod nga si Choleng na pumasok sa loob ng palasyo kasama si manong. Umakyat sila sa magarbong hagdan ng palasyo. Narating naman kaagad nila ang palapag kung saan naroroon ang opisina ng Gobernador-Heneral at huminto silang dalawa sa tapat ng pinto niyon.

Kumatok muna ang guwardiya sibil sa pinto at nagpakilala. Wala silang narinig na anumang boses mula sa loob pero muling nagsalita si manong.

"Gobernador-Heneral, naririto po ngayon si Binibining Choleng. Ibig daw po niya kayong makausap."

Iyon lang ang oras na may sumagot sa loob.

"Adelante."

"Manong, ano pong ibig sabihin ng sinabi niya?"

"Maaari na raw po kayong pumasok."

Si manong na rin mismo ang nagkusang pagbuksan siya ng pinto ng opisina.

Bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina si Choleng ay nakangiting nagpasalamat muna siya sa guwardiya sibil. Agad ding umalis ang guwardiya sibil at siya naman ay maingat niyang isinara ang pinto ng opisina nang makapasok na siya sa loob.

Nang mag-angat si Choleng ng kanyang tingin sa harap ay nakita kaagad niya ang likod ni Lucas. Tahimik itong nakaharap sa durungawan at abala ang mga matang nakatanaw ang tingin sa labas ng binatana.

"Lucas..."

Nabitin ang sasabihin ni Choleng nang maagaw ang kanyang pansin ng isang nakabukas na bote ng alak na nakapatong sa gilid ng lamesa. Medyo na nangangalahati na ang laman niyon. Muling lumipat ang kanyang tingin kay Lucas at nakita niyang umangat ang braso nito. Doon niya nakita na may hawak itong babasaging kopita na may lamang alak saka nito ininom ang kalahati ng laman niyon.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now