Kabanata 55

11.4K 709 452
                                    

Dedicated to krstnnnn

CHOLENG gave a deep sigh while looking at her gloomy reflection in front of the full-length size mirror. Suot-suot niya sa mga sandaling iyon ang unang damit na ginamit niya noong aksidenteng mapadpad siya sa taong eighteen-fifty-five at bumagay din sa kanyang getup ang magandang bakya na suot-suot niya. Maraming buwan din ang lumipas bago niya uli naisuot ang damit na iyon. Mabuti na lang pala at naitabi ni Clarita ang mga damit niya kaya meron siyang maisusuot pabalik sa kanyang panahon.

Buo na ang pasya ni Choleng na bumalik sa kanyang panahon at iyon na ang huling araw sa dalawang buwang palugit na ibinigay sa kanya ni Proxerphina nang muli siyang makiusap ng isa pang mahabang extension nang muli silang magkita. Wala namang nagawa si Proxerphina kundi patulan ang kanyang request. Aminado rin si Proxerphina na kung hindi dahil sa kapabayaan nito sa kapangyarihan, hindi sana mahihirapan si Choleng na umalis sa panahong kinasadlakan niya. Saka sinabihan din siya ni Proxerphina na suotin ang kanyang damit mula sa kasalukuyan para hindi magtaka nang husto ang kanyang pamilya kapag nagkita na sila.

Kahapon, bago i-dismiss ni Choleng ang kanyang klase ay nagbigay siya ng mga souvenir items sa mga mag-aaral niya gaya ng mga damit, mga bagong pansapin sa paa, at iba pang mga gamit na makatutulong sa pag-aaral ng mga bata. Lahat ng iyon ay galing sa mga inipon niyang sweldo sa pagtuturo. Bumadha naman ang kalungkutan sa mukha ng mga mag-aaral ni Choleng nang sabihin niyang iyon na ang huling araw ng kanyang pagtuturo.

Ayaw daw kasi ng mga bata sa ibang guro. Lalong ayaw din daw ng mga bata sa mga Kastilang guro. Natatakot daw kasi ang mga bata sa mga gurong Kastila. Siya lang daw ang gusto ng mga bata kasi mabait daw siya, nakatutuwa raw mga biro niya, palagi raw siyang may naiisip na bagong palaro, malinaw at naiintindihan daw ng mga bata ang kanyang tinuturo at higit sa lahat, siya lang daw ang nag-iisang pinakamagandang guro ng kanyang mga mag-aaral.

Natawa na lang si Choleng nang maalala niya iyon. Mukhang nahawa na rin sa kanyang kalokohan ang mga bata. Marunong na ring mang-uto para makumbinsi siyang 'wag umalis. Pero kinailangan pa rin niyang ipaliwanag sa mga mag-aaral niya ang dahilan ng kanyang pag-alis. Sinabi niya na kailangan na niyang bumalik sa Amerika dahil nangungulila na ang pamilya niya sa kanya. Hindi na rin kailangang mag-alala ang mga bata dahil nag-usap na sila ni Padre Crustacio na si Padre Agripino na raw ang bahala sa mga subjects na maiiwan niya. Tiniyak din niya sa mga bata na hindi sila pababayaan ni Padre Agripino dahil alam naman niyang mabait ang paring iyon.

Nang magsawa si Choleng na pagmasdan ang kanyang sarili ay nag-decide na siyang umalis mula sa loob ng kanilang silid at lumabas.

Sa labas ng bahay-paupahan ay naroroon ang mga taong naging bahagi na ng kanyang buhay sa maraming buwan na nagdaan hanggang sa mga sandaling iyon. Sina Santiago, Segundo, Ignacio, Karyo, Heneral Ruiz at higit sa lahat, si Clarita na bakas sa mga nito ang matinding kalungkutan.

Sa totoo lang, noong ikuwento niya sa kanyang mga kaibigan na malapit na siyang umalis, inasahan na niya talaga ang magiging reaksyon ng lahat. Lalo na si Clarita. Syempre, masakit para sa kanya na mawawalay na siya sa mga taong nakasama na niya nang matagal at napalapit na nang husto sa kanyang puso. Pero sa ayaw man niya o sa gusto, kinakailangan pa rin niyang sundin ang sinabi sa kanya noon ni Proxerphina.

Hangga't naroroon siya sa panahong iyon, malaki ang posibilidad na baka may mapahamak na naman at ayaw na niyang mangyari iyon. Lalong ayaw niya na meron na namang taong malapit sa kanyang puso ang bigla na lang mawala. Hindi na niya iyon kakayanin maging ng kanyang konsensya at habambuhay niya iyong pagsisihan.

"Mag-iingat ka sa pagbabalik mo sa inyong lupain, Binibini." Si Ignacio ang unang nagsalita.

"Salamat, Ignacio."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now