Kabanata 23

24.8K 1.5K 1.1K
                                    

"ANO ang ibig sabihin nito?" Kakatwang tingin ang ipinukol ni Ignacio maging ng iba pang mga kasama nito nang bumalik sina Choleng at Rafael sa moog. Nauna na ring magtanghalian ang mga kasama ni Rafael sapagkat may katagalan din ang kanilang pagbabalik.

"Ha? Bakit? Ano'ng meron?" Nalilitong sambit naman ni Choleng kina Ignacio na ngayon ay bakas ang pang-uusisa sa mga mata.

"Kami dapat ang nagtatanong niyan sa inyo. Bakit ganyan na ang hitsura ninyong dalawa?" Si Rafael naman ang binalingan ni Joaquin. "Ano ang ginawa ninyo ng Binibini sa ilog at bakit suot niya ang iyong kamisa?"

Wala kasing kasuotang pang-itaas si Rafael kaya lantad na lantad ang katawan nito. Habang si Choleng naman ay suot-suot ang kamisa ng binata. May kalakihan sa kanya ang kasuotan at kalahati ng kanyang hita lamang ang natatakpan niyon. Basa pa ang buhok ni Choleng kaya ang tubig na dumadaloy sa dulo ng kanyang buhok ay bumabasa naman sa kanyang suot na kamisa.

"Oo nga, Pinuno." Si Segundo naman ang nagsalita. "Kasintahan siya ng Gobernador-Heneral. Malilintikan tayo kapag nakarating sa kanyang kaalaman na ginawan mo ng kamilagruhan ang Binibini."

"Wala naman akong tutol sa nagaganap na ito." Nakangising wika naman ni Santiago. "Hindi ko lamang inasahan na magiging mabilis ang pangyayaring ito. Nawa'y huwag mo akong iwawaglit sa iyong magiging kasal, Pinuno."

"Binibini, kung anuman ang pagkakasalang nagawa sa iyo ng aming pinuno, nawa'y mapatawad mo siya." Hinging-paumanhin naman ni Karyo.

Ramdam ni Choleng ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi. Subalit hindi niya hahayaan na mag-isip ang mga kasama nila ng lisya sa kanila ni Rafael.

"Mali kayo ng iniisip. Hindi kami nag-chukchak chenelin ekek ni Rafael." Singit ni Choleng sa usapan.

"Ha? Chukchak?"

"Chenelin?"

"Ekek?"

Salubong ang kilay na banggit nina Ignacio, Santiago, at Karyo mula sa mga banyagang katagang narinig mula kay Choleng. Sina Joaquin at Segundo naman ay parehong nakahalukipkip na kawangis ng iba pang kasamahan ay nakakunot-noo rin. Doon lamang napagtanto ni Choleng na mayroon siyang nabanggit na mga katagang hindi naaangkop sa pang-unawa ng kanyang mga kausap.

"A-Ano...ang ibig kong sabihin ay hindi kami nag-anuhan ni Rafael." Paglilinaw ni Choleng saka sinabayan pa niya iyon ng pag-iling ng kanyang ulo.

Subalit lalo lamang nagsalubong ang kilay nina Joaquin kung ano ang kanyang tinutukoy. Kitang-kita sa mukha ng lahat na tila ba hirap na hirap unawain ang ibig sabihin ni Choleng. Magsasalita sana uli si Choleng subalit narinig na niyang nagsalita sa kanyang tabi si Rafael.

"Mayroong kawatang tumangay kasuotan at payneta ni Choleng. Kaya ipinahiram ko muna sa Binibini ang aking kasuotan kaysa naman mababad siya nang matagal sa tubig at magkasakit." Paliwanag at paglilinaw ni Rafael sa mga kasamahan nito.

"Ah..." lamang ang nasambit ng lahat habang napapatango-tango sa kani-kanilang puwesto.

"'Wag niyo na kaming pag-isipan nang masama. Hindi naman porke ganito ang hitsura namin, ibig sabihin, eh, may ginawa na kami." Segunda uli ni Choleng.

"Naniniwala naman kami, Binibini. Batid naming hindi iyon gagawin sa iyo ng aming pinuno. Masyado lamang kaming nabigla nang makita namin kayo sa ganyang ayos." Mapang-unawang komento naman ni Segundo.

"Ang mabuti pa ay sumalo na kayo rito sa pagkain." Yaya naman ni Karyo kina Choleng at Rafael. "Paumanhin kung hindi na namin kayo hinintay. Buong akala namin ay mamaya pa kayo babalik. Kaya aming napagpasyahan na mauna na kami sa inyong kumain."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now