Kabanata 29

23.8K 1.4K 875
                                    

"MANONG, para po!" Nagulat ang kutsero sa ginawang pagpara ni Choleng nang kanyang matanaw ang daungan. Kaagad namang inihimpil ng kutsero ang kalesa sa gilid ng daan. Malakas din ang simoy ng hangin kaya pinapayad niyon ang kanyang alun-aluning buhok. Kaagad namang inabot ni Choleng ang kanyang bayad sa kutsero saka siya nagmamadaling umibis mula sa kalesa.

Pag-angat ni Choleng ng kanyang tingin ay binati siya ng mga naglalakihang barko at tunog ng mga alon mula sa malawak na look. May mga pasahero din siyang nakikitang pumapasok na sa kani-kanilang nakatakdang barkong sasakyan. Mayroon din siyang nakitang mga barkong nagkakarga ng iba't ibang mga kalakal na sa palagay niya ay iaangkat pa iyon sa ibang bansa.

Sinubukan ni Choleng na ilibot ang kanyang paningin sa buong paligid. Nagbabaka sakali na kanyang makikita ang karwahe na ginamit ni Lucas patungo sa pook na iyon. Subalit nabigo siyang mahanap iyon. Maaaring nakapasok na marahil si Lucas sa loob ng barko sapagkat kanina pa nakaalis sa Hacienda Rueda ang binata.

"Pero alin sa mga barkong ito ang sinakyan niya?" Kausap ni Choleng sa kanyang sarili. Hindi siya maaaring mag-aksaya ng kahit na segundo! Kaya nagpasya si Choleng na puntahan ang barko na katapat lamang ng kanyang puwesto. Nakipila rin siya sa mga pasahero na pumapanhik sa hagdan. Subalit agad din siyang huminto sa kanyang paglalakad nang hingian siya ng boleto (ticket) ng isang lalaking tripulante ng barko.

"Boleto?" Tanong sa kanyang tripulante.

"Makapapasok ka lamang sa loob kung ikaw ay mayroong boleto at upang tiyakin na pagmamay-ari mo iyon, Binibini." Paliwanag pa sa kanya ng lalaking tripulante.

Eh, nganga.

"Paumanhin po, manong, pero wala akong boleto, eh."

"Kung ganoon, Binibini, hindi ka maaaring makapasok sa loob ng barko."

"Pero, manong, saglit lang po ako sa loob. May hinahanap lang po kasi ako." Naroroon ang pakiusap sa tinig ni Choleng.

Sa kasamaang palad ay hindi siya pinansin ng tripulante. Pinatabi pa siya sa gilid upang mabigyang daan ang iba pang mga pasahero na kanina pa naiinip nang dahil sa ginagawa niyang aberya.

"Manong, payagan mo na po akong pumasok sa loob ng barko. Gusto ko lang pong makausap ang Gobernador-Heneral." Pakiusap ni Choleng.

"Nagsasayang ka lamang ng iyong oras dito, Binibini. Hindi sa barko na ito nakasakay ang Gobernador-Heneral, kundi roon."

Mabilis na sinundan ni Choleng ang direksyong tiningnan ng tripulante.

"Doon siya nakasakay sa ikatlong barko. Sa loob ng labing limang minuto ay aalis na rin ang barkong iyon patungong Espanya." Dagdag imporma pa sa kanya ng tripulante.

No way! She won't let half of her heart leave her!

"Maraming salamat po, manong!"

Dali-daling nagpasintabi si Choleng sa mga pasahero. May nabangga pa nga siyang isang masungit na Donya. Subalit hindi na niya pinansin ang pagsusungit ng Donya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay maabutan si Lucas! Subalit sa kasamaang palad, gaya sa unang barko ay hinarang din siya ng lalaking tripulante ng ikatlong barko kung saan doon nakalulan ang Gobernador-Heneral.

"Manong, payagan mo na po akong makapasok sa loob. Kakausapin ko lang po ang Gobernador-Heneral." Pakiusap niya sa tripulante.

"Hindi pinahihintulutan sa barkong ito ang walang boleto. Isa pa, naghabilin sa amin ang Gobernador-Heneral na wala kaming papapanhikin na sinuman lalo na kung mayroong taong maghahanap sa kanya." Pag-imporma ng tripulante kay Choleng.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now