Kabanata 13

26.6K 1.6K 1.1K
                                    

NAKATANGHOD si Choleng sa malaking durungawan sa kanyang silid na gawa sa capiz habang pinapanood niya ang mga nagdaraang mga tao sa kalsada sa labas. Para tuloy siyang nasa isang period drama at isa siya sa mga tauhan sa pelikula.

"Hmm...ang Gobernador-Heneral kaya?" Wala sa sariling banggit niya sa Gobernador-Heneral habang nakapangalumbaba siya sa hamba ng durungawan.

Ni minsan ay hindi pa niya nakitang ngumiti si Lucas. Palagi na lamang kasing seryoso ang binata at salubong ang mga kilay. Tipong galit lagi ang anyo sa mukha at kulang na lamang ay palakulin ng tingin ng binata ang mga tao sa paligid.

Maaaring nahihiya rin ang Gobernador-Heneral na ipakita ang tunay nitong damdamin sa lahat. Sa titulo pa lamang ng katungkulan ng binata ay hebigat na talaga. Marahil ay wala na ring natitirang oras sa sarili si Lucas upang magsaya kaya nawawaglit na rin sa isip ng binata na maging normal na tao pansamantala.

"Saka, bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Dapat ang isipin mo, Choleng, ay kung saan mo hahanapin ang daang pabalik sa panahon mo. Hindi ang magandang abs ng lalaking iyon..."

Ngayong nabanggit iyon ng kanyang madaldal na bibig, lumihis tuloy ang kanyang isip at muling nagbalik sa kanyang gunita ang tagpong naganap kanina sa silid ng Gobernador-Heneral. Basa-basain pa ang buhok ni Lucas kaya batid niyang katatapos lamang nitong maligo at magbibihis pa lamang ng kasuotan nang hindi niya sinasadyang matitigan ang magandang hubog ng katawan ng binata. Damn! He has sexy sculptured body, megowsh!

"Binibini?" Si Clarita ang nalingunan ni Choleng. Nakasungaw ang ulo nito sa pinto.

"O, Clarita. Pasok ka. May kailangan ka ba?" Tanong niya nang lumapit siya sa pinto upang lakihan ang awang niyon. Nakita rin ni Choleng sina Celerina at Ludivila na naroroon din sa labas ng kanyang silid.

Kasing edaran lamang ni Clarita sina Celerina at Ludivila. Si Celerina Aguilar ay marunong sumulat ngunit mahina pa sa pagbabasa. Si Ludivila Parodelfino naman ay hindi marunong bumasa at sumulat. Kulang man sa kakayahan ang dalawang Binibini ay pareho naman silang nagtataglay ng iwing kagandahan.

"Kami ay patutungo ngayon sa merkado upang bumili ng mga sangkap para sa tanghalian mamaya. Dumaan lamang kami rito upang itanong kung mayroon ka bang ibig ipabili sa amin?" Tanong sa kanya ni Clarita.

Sandaling nag-isip si Choleng. Ano ba ang maaari niyang ipabili? "Ah, meron pala akong ipabibili. Saglit, kukuha lang ako ng pera."

Dali-daling tinungo ni Choleng ang kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang handy pouch na naiilaliman ng unan. Kumuha siya roon ng limang daan na may mukha ng dating Senator Ninoy Aquino bago niya muling binalikan si Clarita at ilagay sa palad ng kaibigan ang perang papel.

"Here's the money. Ibili mo na lang ako ng one chicken fillet ala king with one large fries and pineapple juice sa McDo. Kung wala naman, Ice Cupped Supreme mocha medium na lang sa Tim Hortons. 'Wag mong kakalimutan iyong resibo. Sayang ang libreng donut nila."

Kitang-kita sa mukha ng tatlong tagapagsilbi na hindi pamilyar sa mga binanggit ni Choleng lalo na sa perang papel na nasa palad na ngayon ni Clarita.

"Hindi ko batid ang iyong mga binanggit, Binibini. Saka ano ang bagay na ito? Ito ba ang iyong tinutukoy na salapi?" Usisang tanong ni Clarita habang sinusuri ang pagkakahabi ng perang papel dahilan upang makiusyoso rin sina Celerina at Ludivila.

Nasapok ni Choleng ng kanyang palad ang sariling noo. Oo nga pala. Nakalimutan na naman niya. Hindi pa pala uso noong 1855 ang Starbucks, Tim Hortons, McDonalds, Jollibee, KFC, Mang Inasal, at kung ano-ano pang mga fastfood chain. Kaya hindi makaugnay sina Clarita sa orders na kanyang binanggit. Mabilis din namang binawi ni Choleng ang limang daang papel mula kay Clarita.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now