Kabanata 04

37.3K 2.1K 913
                                    

MULA sa mahimbing na tulog ay nagising si Choleng nang umalingawngaw ang chorus ng As If It's Your Last ng BLACKPINK. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata at pinabayaan muna niyang patapusin ang paboritong rap part ni Lisa na pinaka-bias niya sa grupo. Saka niya sinimulang kapa-kapain ng kanyang kamay ang nag-iingay na phone. Hindi rin naman nagtagal ay nahanap din ng kanyang kamay ang phone. Bahagyang iminulat pa ni Choleng ang kanan niyang mata upang tingnan ang oras at petsa niyon. Ika-walo na pala ng umaga. Napaungol tuloy siya nang makita niyang maaga pa pala.

"Linggo na pala..." alipalang pinatay ni Choleng ang nag-iingay na alarm sa kanyang phone bago muling ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa siya kaya niyakap pa niya nang husto ang malambot at mabangong unan na tila ba ibinabad sa sariwang mga bulaklak.

Subalit napamulat din siya ng kanyang mga mata nang mapagtanto ang taon na kanyang nasulyapan sa screen ng phone. Kaya muli niya iyong binuksan upang tiyakin ang taon na kanyang nakita.

"1855?" Hay naku! Nagloloko na yata ang phone niya. Kailangan na niya sigurong bumili ng bago dahil magdadalawang taon na rin niyang ginagamit ang phone na iyon. Kaya may tendency rin na baka nagloloko na ang settings niyon.

Mayamaya rin ay sinimulang kalikutin ni Choleng ang date and time setting sa kanyang phone para i-adjust iyon. Subalit laking pagtataka niya nang mapunang naka-disable ang taong 1900 hanggang sa taong 2017. Kung saan-saan na nagpipindot si Choleng sa screen ng kanyang phone pero naka-disable pa rin iyon. Tanging ang taong 1855 pataas lamang ang active na taong nakalagay sa setting ng phone niya.

She rolled her eyes in irritation before she finally decided to get up in her bed. But automatically stunned when she noticed that it's not her room. She was in someone's room!

"Oh my gosh!" Hindi napigilang sambit ni Choleng habang ang kanyang buhok ay magulo pa. Ano'ng ginagawa niya sa ibang silid?

Teka, nakipag-one night stand ba siya?

Tiningnan niya agad ang kanyang suot. Okay naman. Sunod niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Ang sabi sa mga nababasa niya sa pocketbook, eh, kapag daw masakit ang Bataan ng isang babae ay ibig sabihin, may nangyari o 'di kaya ay nadekwat na ng lalaki ang V-card ng babae.

Kaso...wala namang masakit sa cherry boom boom bells niya kaya hindi niya maaaring sabihin na nakipag-chukchakan chenelin ekek siya. Ang tanging masakit lang kay Choleng nang mga oras na 'yon ay ang kanang paa niya. Mahapdi at makirot ang bahaging 'yon.

Muli niyang nilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Masasabi niyang hindi iyon isang pangkaraniwang silid gaya sa silid niya na may posters ng Hey! Say! JUMP, BTS, BIGBANG, BLACKPINK, 2NE1 at kung ano-ano pang Kpop at Jpop posters. Ang silid na iyon kung saan siya naroroon ng mga oras na iyon ay nahahawig sa silid ng mga taong nabuhay sa panahon pa ng nineteenth century. Isa iyong silid na kung saan uso pa four-poster bed na may puting kurtina.

May mga lumang kagamitan din siyang nakikita roon gaya ng silya, aklat, pluma, lampara, at iba pa na nakita na niya noong dumalo siya sa isang historical museum. Sa lawak at ganda ng silid na iyon, nakatitiyak siyang hindi iyon simpleng bahay lang kundi isang hacienda na pagmamay-ari ng isang mayamang tao. Mayamaya ay nakarinig si Choleng ng pagbukas at pagsara ng isang pinto na sinundan ng isang baritonong tinig na nagmumula pasalungat sa kanyang direksyon.

Tila nawaglit sa isip ni Choleng kung paano ang magsalita nang makita niyang pumasok sa loob ng silid na iyon ang isang lalaki na matangkad, makisig, at may kakaibang awtoridad sa presensiya nito. Saka ang outfit mga mare! Susme! Hindi niya batid kung paano ilalarawan ang kasuotan ng lalaki. Subalit nahahawig kasuotan nito sa outfit ng mga dating Gobernador-Heneral na namuno noon sa Pilipinas.

El Gobernador General De Mi CorazónDonde viven las historias. Descúbrelo ahora