Kabanata 37

17.9K 1.1K 376
                                    

BINABAGTAS ni Choleng ang daan patungo sa tahanan nina Lolita kung saan doon maghihintay si Lucas. Hindi naman nagtagal ay saktong natanaw niya ang karwahe ng Gobernador-Heneral sa tapat ng tahanan nina Lolita. Mukhang kararating lamang nito dahil kahihinto lang ng kutsero sa kabayo.

Mula sa loob ng karwahe ay nakita niyang bumaba roon si Lucas. Posturang-postura ito na hinarap at kinausap ang kutsero. May binibilin siguro ito sa kutsero bago ito tuluyang lumakad.

Dali-dali naman siyang tumakbo para habulin si Lucas at mula sa likod nito ay sinalubong niya ito ng yakap kaya agad itong napahinto sa paglalakad.

"Holdup 'to! Akina puso mo!"

"Anong...ano ba? Bitiwan mo ako!" Utos nito habang inaalis nito ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa bewang nito.

"Ayoko." Agad bumakas sa mukha ni Lucas ang rekognisyon nito sa kanyang boses.

"Maria?"

"Ang nag-iisang babaeng bumihag sa puso ng Gobernador-Heneral."

Agad din siyang kumalas sa pagkakayakap dito at hinarap siya ni Lucas. Subalit mabilis ding nagsalubong ang kilay nito nang makita nito ang hitsura niya.

"Bakit ganyan ang iyong suot?"

"Bagay ba?" Tukoy niya sa kanyang bagong outfit. She's wearing one of Joaquin's guardia civil uniform. Iyon ang hiningi niyang kapalit sa gagawin niyang pagtulong dito. "Pasado na ba akong maging guwardiya sibil?" Nakangiting tanong niya rito.

"Saan mo nakuha ang unipormeng iyan?"

"Pinahiram ako ni Joaquin. 'Buti nga nagkasya sa 'kin kaso medyo mainit at balot na balot ako sa uniform na 'to. May props din pala akong baril." Sabay tapik pa ng isa niyang kamay sa baril na nakasabit sa bewang niya.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo kahapon na hindi ka sasama."

"Tapos na ang klase ko kaya wala na akong gagawin. Ayoko namang buong maghapon na tumambay sa silid namin. Ang boring niyon. So, ano na? Bagay ba sa 'kin? Hindi na ba ako makikilala rito ni Lolita?" Umikot pa siya para makita nito ang kabuuan ng kanyang suot.

May kinuha itong puting panyo mula sa loob ng bulsa ng slacks nito. Binuklat nito ang panyo at tinupi para maghugis tatsulok saka nito 'yon tinakip sa kanyang ilong at bibig.

"Makikilala ka pa rin ni Lolita. Matalas ang kanyang isip na kumilala sa mukha ng tao." Anito habang binubuhol nito ang magkabilang dulo ng panyo sa likod ng ulo niya.

Tiningala niya si Lucas nang matapos ito sa ginagawa nito.

"Mukhang kilalang-kilala mo nang husto si Lolita." Puna niya.

"Sinabi ko na sa iyo na palaging dumadalaw noon ang kanilang pamilya sa aming tahanan sa Madrid kaya lubos kong kilala si Lolita."

"Lucas? Sino iyang kausap mo?"

Oops! Speaking of...naririto na ang bruha. Kabababa lang nito sa hagdan. As usual, hindi na naman padadaig ang maganda nitong European gown. She cleared her throat and tried her best to speak like a guy.

"Ahm...magandang hapon Binibining Lolita. Ako po si Santiago. Bagong hired na bodyguard ng Gobernador-Heneral."

"Badi...gard?" Salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Lolita nang tumabi ito kay Lucas at pinulupot ang braso nito sa braso ng boyfriend niya.

Grr! Na sa'n ba ang lagare? Lalagariin talaga niya ang braso ni Lolita!

"Ang ibig kong sabihin, Binibini, bago po akong guwardiya sibil. Kasisimula ko lang ngayon sa trabaho." Saka niya palihim na sinibat ng tingin si Lucas.

El Gobernador General De Mi CorazónOnde as histórias ganham vida. Descobre agora