Kabanata 45

15.6K 794 442
                                    

NAUNA nang umalis sina Lucas, Lolita at Iñigo. Hindi naman na nagreklamo pa si Choleng nang magpaalam sa kanya si Lucas. Nabahala rin daw si Lucas kay Lolita dahil napansin daw nitong anumang oras ay parang iiyak na.

Napa-roll eyes na lang siya nang maalala 'yon.

Ano na naman ba ang drama ng babaitang 'yon?

Hindi na nga nakipag-cooperate kanina sa pamamahagi ng mga gamit sa mga bata, tumambay lang at nakikain lang ng kakanin without saying 'thank you,' pagkatapos meron pa itong nalalamang paluha-luha effect. Papansin lang?

Tss! Naiinis siya sa pagiging pabebe ni Lolita. Halata namang nagdadahilan lang ang bruhang 'yon para masolo na naman nito si Lucas. Pero syempre, dahil concern siya sa mga bibe ay pinagbigyan niya ang kaartehan nito. At isa pa 'yon sa kinaiinisan niya. Palagi na lang niyang pinagbibigyan si Lolita kaya namimihasa ang babaitang 'yon mam-bully ng kapwa. Pero sa susunod lang talaga na gawin uli sa kanya 'yon ni Lolita, hindi siya mangingiming tanggalan ang bruhang 'yon ng kilay!

"Naririto na tayo, Choleng." Narinig niyang kausap sa kanya ni Rafael nang mapansin niyang huminto na ang kanilang sinasakyang kalesa sa tapat ng kanilang paupahan ni Señora Agueda.

Bago rin pala umalis si Lucas ay hinabilin siya nito kay Rafael para ang kapatid na lang nito ang maghatid sa kanya pauwi. Si Joaquin naman ay kanina pa nakabalik sa trabaho nitong magbantay sa merkado. Pinagbawalan din ni Lucas si Joaquin na hindi ito maaaring pumunta sa bahay na kanilang tinutuluyan ni Clarita hangga't walang pahintulot mula kay Lucas. Gusto ngang magreklamo ni Joaquin kaso hindi nito magawa kaya no choice ito kundi ang sundin ang sinabi ni Lucas.

Tsk! Tsk! Tsk! Poor Joaquin.

Hindi naman nagtagal ay naunang bumaba mula sa loob ng kalesa si Rafael. Pero nang siya na ang bababa ay tahimik niyang tinanggihan ang nakalahad nitong palad at sariling sikap na bumaba siya sa kalesa. Alam niyang napahiya si Rafael sa kanyang ginawa kaya mas pinili na lang ng Tenyente na lapitan ang kutsero at iabot ang bayad dito.

Nang tuluyang makaalis ang kalesa ay saka naman naglakad si Choleng patungo sa direksyon ng paupahan. Ngunit huminto rin siya sa kanyang paglalakad nang magsalita si Rafael.

"Sandali Choleng..." tawag nito sa kanya.

Nanatiling hindi nililingon ni Choleng si Rafael pero handa naman siyang makinig sa sasabihin nito.

"Nakatitiyak ka bang wala kang tinamong sugat o galos kanina nang muntik kang mahulog sa bangka?" Tanong sa kanya ni Rafael na may pag-aalala sa tinig nito. "Maaari akong magpatawag ng manggagamot upang matingnan ang iyong kalagayan. Nais ko lamang makatiyak na hindi ka nga nasaktan nang husto kanina."

"Hindi na kailangan. Okay lang ako." Malamig na tugon niya rito.

Awkward silence...

"Ganoon ba...masaya akong malaman na hindi ka nasaktan kanina." Kahit hindi siya nakatingin dito, alam niyang hindi ito masyadong masaya lalo na sa gawi ng pakikipag-usap niya rito. "Paumanhin kung nakukulitan ka sa kababawan ng aking pag-aalala."

"Ahm...salamat. Sa tulong kanina." Tipid niyang tugon bago siya muling humakbang.

"Choleng, sandali..."

Agad din siyang huminto sa paghakbang na ginagawa nang muli siya nitong tawagin.

"Mayroon bang suliranin, Choleng?"

Hindi siya umimik. Hindi naman niya maaaring sabihin ang kanyang dahilan dito.

"Bakit tila iniiwasan mo ako? Mayroon ba akong nagawang mali? Hindi ako sanay na ganyan ang iyong pakikitungo sa akin ngayon." Puna nito.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now