Munting Paalala

90.2K 2.3K 363
                                    

Ito ay nakasulat sa ikatlong panauhan o 3rd POV. Kung ikaw ay hindi sanay na makabasa nang ganitong pagsasalaysay ay huwag mo nang tangkain pa itong basahin. Pagkatapos sa akin magrereklamo na writing style ko ang mag-a-adjust dahil pangit, boring, dull, unrelatable, cringey, at corny ang paggamit ng 3rd POV.

Iwasang magbanggit sa bawat comment sections ng ibang nobela o ibang mga tauhan na wala namang kinalaman sa akdang ito.

Iwasang ihambing ang akdang ito sa ibang akda rito sa Wattpad sapagkat mayroong sariling isip at konsepto ang mga manunulat.

Hindi ibig sabihin na porke mayroon itong time travel, kapangalan ng mga tauhan, mga tagpong nagkataon lang at hindi sinasadya na mayroon din sa ibang mga akdang nauna mo nang binasa ay ginaya na ng akdang ito ang mga iyon.

Kung hindi mo gusto ang kuwentong ito at wala sa iyong bokabolaryo ang respeto ay huwag ka nang tumuloy sa ibang kabanata nito. Makikialis na lamang po ng aking akda sa iyong Reading List upang hindi tayo rito nagkakasayangan ng oras.

Block or mute sa akin ang mga pasaway. Nasa inyo na po ang pasya kung ibig ninyo akong i-unfollow.

Paumanhin din kung sa inyong pananaw ay kalabisan at demanding ang dating ng munting kahilingang ito. Ngunit kailangan ko pa ring ipaskil ang paalalang ito sapagkat ilang ulit na akong nakatatanggap ng pamba-bash, hate, at panlalait mula sa ibang rude readers nang dahil sa mga nabanggit sa itaas at umabot na rin sa puntong binalak kong i-delete sa Works ko ang kuwentong ito.

Bukas naman po ako sa friendly jokes maging sa constructive criticism upang higit ko pang malinang ang aking pagsusulat. Kaya kung mayroon man po kayong marubdob na hinaing ay ipabatid lamang po ninyo sa akin sa maayos na paraan. Nawa'y maunawaan po ninyo ako bilang isang manunulat.

Maraming salamat po sa inyong malawak na pang-unawa.

Nagmamahal,
Senyorita Maria

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now