Kabanata 15

22.5K 1.5K 253
                                    

DALAWANG araw nang nasa loob ng silid si Choleng kung saan siya ibinilanggo ni Lucas. Wala rin siyang makitang durungawan kaya naisin man niyang tumakas ay hindi naman niya magawa. Naroroon lamang siya sa pinakasulok ng silid. Nakahigang namamaluktot sa malamig na sahig at walang lakas. Gutom at uhaw na rin siya. Ngunit ni pagkain o inumin ay walang dumarating sa silid na iyon upang siya ay pagbuksan. At ang impaktong Lucas na iyon! Balak pa yata siya nitong masawi sa gutom at uhaw!

Ibigin man niyang bumangon ngunit hindi niya magawa sapagkat nanlalambot ang buo niyang katawan at wala pa ring nagigiling na pagkain ang kanyang tiyan. Iyong mawaglit nga lamang sa kanya ang kumain tuwing lunch break ay nahihilo na siya sa gutom, ang hindi pa kaya kumain ng dalawang araw? Ikasasawi niya talaga iyon! Salamat sa Panginoon sapagkat buhay pa siya sa dalawang araw na walang lamang pagkain ang kanyang tiyan.

Sa buong buhay niya, ni minsan hindi siya ginutom ng kanyang mga magulang! Kumakain siya ng tatlong beses sa isang araw with merienda at midnight snacks pa. At hindi akalain ni Choleng na matitiis siya ni Lucas na hindi pakainin! Kung na saan man ang lalaking iyon ngayon, hiling niya nawa na madapa ang hinayupak o 'di kaya masipa ng kabayo. At dahil hindi pa siya kumakain, tuklawin nawa ng ahas ang ano nito─

Inday, ibang bahagi na lang ang ipatukalaw natin 'wag lang ang ano niya! Sayang ang genes ni Fafa Lucas!

Barbe-Q ka talaga Choleng! Pinapatay ka na nga sa gutom ng Lucas na iyon nakukuha mo pang pagnasaan siya? Utak mo may ubo! Talak agad ng isa pang bahagi ng isip ni Choleng.

Oo nga! Porke ba pinakitaan siya ni Lucas ng topless nitong katawan?─

Correction, Choleng, nagbibihis siya noon. Ikaw lang itong hayok makakita ng hubad na katawan! 'Wag ka nang magmalinis!

Maaari bang magmura uli? Murahin lamang niya ang kanyang echoserang isip. Pinagbibintangan pa siyang manyak! Eh, kahit naman magburles sa harap niya si Lucas, kiber ba niya? As if namang magagawa siyang akitin ni Lucas gamit ang topless nitong katawan? Saka pake rin ba niya kung mayroong magandang hubog ng katawan ang lalaking iyon? Duh!

Weeeeehhh? Pektos, gusto mo, Choleng?

Ah, basta! Oras lamang na magpakita sa kanya ang lalaking iyon, lalapain talaga niya ito nang buhay una ang abs nito! Grr!

Gigil niyo si watashi!

Mayamaya ay isang marahang katok ang naulinigan ni Choleng mula sa labas ng kanyang silid-kulungan. Kasunod niyon ay ang pagbukas-sara ng pinto at ang tinig ni Clarita na may bahid ng pag-aalala.

"B-Binibini?"

Unti-unti ay iminulat ni Choleng ang kanyang namumungay na mga mata. Hanggang sa masilayan niya ang nag-aalalang mukha ni Clarita habang may dala-dalang bandeha ng pagkain. Nagwala tuloy ang mga bituka ni Choleng nang makakita siya ng pagkain. Hindi naman nagtagal ay lumapit sa kanya si Clarita saka inilapag sa sahig sa kanyang tapat ang bandeha ng pagkain.

"Binibini..."

"P-Pagkain..." tuloy ang nasambit niya sa halip na pangalan ni Clarita.

Naapektuhan na marahil ng gutom pati ang kanyang utak. Buset! Kasalanan talaga ito ni Lucas! Kapag nangulubot at natuyuan siya ng utak, ay naku!

"Opo, Binibini. Para sa iyo talaga ang mga pagkaing ito. Ako mismo ang nagluto niyan para sa iyo."

Tila hinaplos maalagang kamay ang puso ni Choleng. Hindi niya akalain na ipagluluto siya ni Clarita.

El Gobernador General De Mi CorazónWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu