Kabanata 70 (Wakas)

26.9K 1.2K 2.1K
                                    

Paumanhin kung hindi ito ang klase ng wakas na gusto ng iba sa inyo. Ganoon pa man ay masaya pa rin ako sapagkat marami mang kapintasan, maling pagpapasya sa buhay, at red flags ang lahat ng mga tauhan dito maging ang leading man at leading lady ay nagawa pa rin ninyong makaabot dito sa huling kabanata. Maraming salamat sa lahat ng mga sumubaybay at sumabay sa aking paglalakbay sa pagsusulat upang mabuo ang akdang ito.


UMALINGAWNGAW ang malalakas na tilian at hiyawan ng mga estudyante nang magsimulang pumailanlang sa buong campus ang instrumental intro ng Love Goes ng SB19 habang may kanya-kanyang dalang lightsticks at banners para ipakita ang pagmamahal at suporta sa grupo. Sila ang pinakasikat na Ppop boy group sa Pilipinas na humahakot na rin ng recognition at appreciations mula sa mga tagahanga sa labas ng bansa. Katatapos lang i-perform ang Go Up, Tilaluha, Ikako, Alab, What, MAPA, MANA, at Bazinga. Ngunit lalo pang naging hyper ang mga estudyante nang patugtugin ang kasalukuyang awitin dahil isa iyon sa pinakapaboritong kanta ng fans ng grupo.

Higit pang nagwala ang mga estudyante sa labis na kasabikan nang sabayan pa iyon ng grupo ang nakaiindak na beat ng maaangas at astiging dance moves sa malawak na entablado at simulang kantahin ng main dancer na si Ken ang unang linya sa liriko ng awitin habang maririnig sa buong paligid ang malalakas na fan chants. Sa mga sandaling iyon ay naroroon sa ikaapat na palapag gusali ng Grade 9 nakatayo si Choleng habang tinatanaw ang kaganapang nangyayari sa malawak na campus ground ng St. Archangel High School. Iyon ang paaralan kung saan siya nagtuturo bilang isang ganap na guro.

Maganda ang puwesto niya sapagkat katapat lang kasi ng kanilang gusali ang harap ng entablado. Kaya tanaw na tanaw ni Choleng mula sa kanyang kinatatayuan ang dance performance ng grupo. Marami kasing estudyante sa St. Archangel High School ang fan na fan ng Ppop boy group. Kaya halos mapuno ng mga estudyante ang malawak na campus habang ang ibang mga guro, school personnel, at securities ay nag-e-enjoy ding manood sa masiglang dance performance ng grupo.

Dahil katatapos lang din ng nakaka-stress na periodical exams ay inaprubahan ni Mr. Zaldy Imperial-ang mabait at guwapong Principal ng SAHS-ang request ng mga estudyante na magkaroon ng School Attack ang Ppop boy group sa paaralan para kahit paano ay maaliw naman ang mga bata. Saka mukhang silent fanboy din ang Principal nila kaya pinagbigyan nito ang kahilingan ng mga estudyante. Ah...such a sweet guy for his students!

"Si Stell ang bias ko sa kanila." Kinikilig na sabi ni Rachelle na katabi lang ni Choleng habang ang pansin ay nasa dance performance sa katapat nilang stage.

Fan din kasi si Rachelle ng SB19. Kaya alam ni Choleng na isa ang kanyang kaibigan na makikipagbangasan ng mukha sa mga estudyante makalapit lang sa SB19. Pero mayamaya rin ay narinig nila ang malakas na pagtikhim ng katabi ni Rachelle sa kabila na si Greg na ngayon ay kasintahan na ng kaibigan ni Choleng. Kapwa niya ring co-teachers ang dalawa.

"Pero syempre, si Greg talaga ang bias wrecker ko." Sabay bawi ni Rachelle sabay pulupot ng kamay nito sa braso ni Greg.

"In fairness ha? Magaganda ang mga kanta nila. Very inspiring..." saglit huminto si Choleng sa kanyang sasabihin nang marinig niya ang chorus. Tipong ang saya-saya ng beat ng kanta pero pumipiga sa puso ang lyrics. "At mapanakit."

Saka hanga si Choleng sa musikang nililikha ng SB19. Nakuwento rin sa kanya noon ni Rachelle na si Pablo mismo ang pangunahing nagsusulat ng liriko ng mga kanta para sa grupo. Sina Ken, Stell, at Josh naman ang umiisip ng steps para sa kanilang sayaw. Si Justin naman ang nagsilbing manunulat at nagdirehe para sa music video ng kanilang awiting Hanggang sa Huli. Nakatutuwa at nakapagbibigay inspirasyon ang gaya ng SB19 maging ng iba pang mga mahuhusay na Filipino singers na patuloy isinusulong ang OPM ng Pilipinas sa kabila ng kasikatan at malaking impluwensiya ng Western at Hallyu music sa buong mundo.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now