Kabanata 42

12.6K 701 616
                                    

"SAAN ipinadala ni Heneral Rueda ang aking kapatid?" Nag-aalalang salubong na tanong ni Clarita kay Joaquin habang nangingilid ang luha sa mga mata nito.

Nalaman kasi nina Choleng kay Señora Agueda ang masamang balita tungkol sa nangyari kay Rafael at sinabi nito na nasa labas si Joaquin para makausap si Clarita. Kaya hindi na sila nagdalawang-isip na babain ang binata.

"Kasalukuyan siyang nakapiit sa karsel." Malungkot na tugon ni Joaquin kay Clarita. "Tinanggalan na rin siya ng ranggo dahil sa nangyari."

"A-Ano ang ginawa nila kay Kuya Rafael?"

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman nila sinaktan ang iyong kapatid. Naroroon lamang siya sa loob ng piitan at naghihintay kung kailan siya makalalabas."

"Batidna ba ito ng Gobernador-Heneral?"

"Hindi pa. Wala ang Gobernador-Heneral sa palasyo nang sadyain ko ang kanyang opisina kanina."

"Baka bumalik si Lucas sa Santa Ana." Pakikisabad naman ni Choleng sa usapan ng dalawa at natutok ang pansin ng mga 'to sa kanya. "Nasabi sa 'kin kahapon ni Lucas na kakausapin niya si Padre Vendicto tungkol sa lupa para sa mga magsasaka roon. Kaya mamaya pa siguro siya makakabalik."

Lalong nanlumo si Clarita sa pag-aalala nito para kay Rafael.

"Hindi matatahimik ang aking isip kung hanggang sa mga oras na ito ay nasa loob pa rin ng piitan ang aking kapatid. Baka mamaya ay saktan nila si Kuya Rafael. Alam mo Joaquin ang hirap sa loob doon."

Bumadha sa mukha ni Joaquin ang awa para kay Clarita kaya hindi napigilan ng binata ang sarili na yakapin at damayan ang kaibigan ni Choleng.

Kung sa ibang pagkakataon, iisipin ni Choleng na dumadamubs si Joaquin kay Clarita. Pero hindi 'yon ang nakikita niya rito. Puno iyon ng sinseridad at ingat na ingat itong aluin ang naluluha niyang kaibigan. Saka hindi katulad si Joaquin sa ibang mga lalaki sa hinaharap na mananamantala ng pagkakataon dahil hindi iyon uso sa panahon noon.

Wala sa sariling napangiti si Choleng habang pinagmamasdan ang dalawa. Ganoon pala si Joaquin kapag hindi mainitin ang ulo. He's such a caring man. Napakasuwerte ng kanyang kaibigan kay Joaquin.

Bigla siyang nainggit. Wala kasi iyong ka-partner niya kaya OP siya sa dalawa.

"Nauunawaan ko ang iyong nararamdaman Clarita. Humihingi rin ako ng paumanhin kung wala man akong nagawa upang pigilan sila. Alam kong hindi magagawa ng aming Pinuno ang paratang sa kanya. Hindi niya kayang magnakaw ng mga bagay upang ihandog sa iyong kaarawan."

Tumindi ang kalungkutan sa mga mata ni Clarita. Base pa lang sa ekspresyon sa mukha nito ay sinisisi nito ang sarili kung bakit nalagay sa alanganin si Rafael. Kumalas ito kay Joaquin.

"Hindi na niya iyon kailangan gawin. Sapat na sa akin na nakikita siyang nasa maayos na kalagayan at ligtas. Aanhin ko naman ang mamahaling mga gamit kung nakasadlak naman siya ngayon sa loob ng piitan?"

Birthday na birthday pa naman ni Clarita pero ang panget ng salubong ng kaarawan sa kanyang kaibigan.

"Wala akong ibang maisip na paraan upang palabasin siya roon."

"Pakikiusapan ko si Heneral Rueda." Mayamaya ay sabi ni Clarita.

"Magsasayang ka lamang ng iyong pagod Clarita." Sabi naman ni Joaquin na may pagtutol sa boses nito. "Alam kong hindi siya makikinig sa iyong pakiusap. Kung pakinggan man niya ang iyong pakiusap, nangangamba naman ako na maaaring mayroon iyong ibang kapalit. Kilala mo naman ang mga Kastila. Ayaw nila na sila ay nalalamangan."

"Hindi naman marahil gagawin iyon ni Iñigo ang iniisip mo Joaquin. Minsan ko nang nakausap ang kapatid ni Lucas. Mabait naman siya at maayos makitungo."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now