Kabanata 09

30.4K 1.7K 350
                                    

"WOW! Ganito pala kaganda ang Rizal Park noon." Manghang-manghang sambit ni Choleng habang pinagmamasdan niya ang napakagandang tanawin mula sa kabogerang karwahe kung saan sila nakalulan. Nasa La Calzada o The Road sila sa mga sandaling iyon.

Isa iyong malawak na daanan ng mga transportasyong panlupa tulad ng carruajes de primer clase na tanging laan para sa mga mayayaman at makapangyarihang tao, quilez naman para sa mga nasa gitnang uri, at carromatas na pinakagamit na transportasyong panlupa na para lamang sa mga karaniwan at mababang-uri ng mga mamamayan.

Napaliligiran ang daanang iyon ng mga malalawak na damuhan at mga farola (Spanish style lamp post) na nagsisilbing liwanag kapag sasapit ang gabi. Kahit na hindi taga-Maynila si Choleng, ang Rizal Park ang isa sa pinakamakasaysayang pook sa Pilipinas. Ang liwasang iyon ang kabisera ng lahat ng social activities ng mga tao noon at kahit sa kasalukuyang panahon.

"Ito ang Paseo de la Luneta." Narinig ni Choleng na sabi ni Lucas sa kanyang tabi. Oo nga pala, magkatabi sila ni Lucas sa loob ng karwahe at damang-dama naman niya ang maging first lady ng isang Gobernador-Heneral. Charooot! "Dito nagaganap ang iba't ibang uri ng pagdiriwang sa buong lungsod."

"At sa taong isang libo walong daan pitumpu't apat ay tatawagin itong Paseo de Alfonso XII, sunod sa pangalan ni Alfonso XII ang susunod na magiging Hari ng Espanya. Kilala rin ito sa tawag na Bagumbayan na sa mga susunod na taon ay tatawaging Luneta Park na ngayon ay Rizal Park sa kasalukuyang panahon bilang pag-alala sa kagitingan ni Dr. Jose Rizal." Pagbibigay kaalaman niya kay Lucas sa mga pagbabagong magaganap sa liwasan sa mga susunod na taon.

"Tila napakarami mong nababatid, Maria. Kapuna-puna rin ang iyong taglay na katalinuhan." Namamanghang puna sa kanya ni Lucas. Siyempre, natuwa si Choleng sapagkat pinuri siya ng lalaking crush niya.

Ene beh?

"'Di naman masyado, sakto lang." Subalit sa loob-loob ay nagyayabang na siya. Haha!

Sayang nga, eh. Kung naririnig marahil ng kanyang Professor ang mga pinagsasasabi niya kay Lucas, may dagdag puntos sana siya sa recitation.

"Saka, kasama 'yon sa pinag-aaralan sa kurso na pinili ko. Kaya medyo may kaunti rin akong nalalaman sa World History."

"Eres realmente una mujer interesante, Maria." (You are really an interesting woman, Maria.)

"Ano naman ang ibig sabihin ng sinabi mo?" Nang alisin ni Choleng ang kanyang pansin sa magandang tanawin sa liwasan, natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na pinagmamasdan ang magaganda ngunit seryoso nitong kulay tsokolateng mga mata kung saan ay malinaw niyang napagmamasdan ang kanyang sariling repleksyon.

Pero teka! Kanina pa ba siya pinagmamasdan ni Lucas nang ganoon? Kasi nang lingunin niya ang gawi ni Lucas ay sa kanya lamang talaga ito nakatingin na buong akala naman niya ay sa magandang tanawin ng Paseo de la Luneta nakatuon ang pansin nito. Hindi man ngumingiti ay mababanaag naman sa mga mata ni Lucas na tila ba naaaliw habang siya ay pinagmamasdan na hindi niya namamalayan.

Nakaramdam tuloy si Choleng ng pagkailang sa kanilang pagitan. Kasabay niyon ay ang kakaibang pintig sa kanyang puso. Sa pagkakaalam kasi ni Choleng, konserbatibo ang mga tao noon. Hindi rin kaaya-ayang makipagtitigan nang matagal sa mga mata ang babae at lalaki. Subalit tila wala marahil pakialam si Lucas sa ganoon at ito ang batas sa ibig man nitong gawin.

Sa mga sandaling iyon ay hindi mapangalanan ni Choleng kung para saan ang kakaibang tibok na kanyang nararamdaman. Ngunit may bahagi sa kanyang isip na gusto niya ang ganoong pakiramdam. Iyong tila ba nasasabik siya na hindi niya maintindihan o talagang ganoon lamang ang likas na nadarama kapag may hinahangaan ang isang tao? O, masyado lamang siyang feelingerang froglet?

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now