Kabanata 12

26.8K 1.6K 569
                                    

"CLARITA, saan mo dadalahin ang mga 'yan?" Usisang tanong ni Choleng nang makita niya si Clarita na may dala-dalang bandeha ng agahan sa kusina. "Para sa akin ba 'yan?"

Maaga kasi nagising si Choleng dahil na rin sa ingay ng alarm clock ng kanyang phone. Nakaramdam din siya ng uhaw kaya dumiretso siya sa kusina saka niya naabutan si Clarita na katatapos lamang maghanda ng agahan.

"Ang mga pagkaing ito ay para sa Senyorito. Doon daw siya sa kanyang silid mag-aagahan." Pag-imporma nito sa kanya.

"Ay gano'n? Puwedeng ako na lang ang maghatid niyan sa kanya?" Para masilayan ko si crush. Agiduy!

"Bakit naman po, Binibini?"

Siyempre, magdadahilan siya. "Napansin ko kasi na masyado ka nang haggard. Ang dami mo yata sigurong ginagawa kaya mukha ka nang pagod. Kaya ako na lang ang maghahatid niyan kay Lucas."

"Subalit, Binibini─"

"Hala! Nagkaka-wrinkles ka na rin Clarita." Batid ni Choleng ang sunod na tanong kaya naman inunahan na niya agad si Clarita. "Nagsisimula nang mangulubot ang noo sa mukha mo."

"Ha?" Bumalatay sa mukha nito ang matinding pagkabahala.

Maingat na ibinaba ni Clarita ang bandeha ng agahan sa ibabaw ng mesa. Kinapa-kapa pa ng palad ni Clarita ang sariling mukha.

"N-Naku, kay bata ko pa upang mangulubot ang aking mukha. Ano ang aking gagawin, Binibini?" Nababahalang tanong sa kanya ni Clarita.

"Ang gawin mo, matulog ka uli. Alas sais pa lang ng umaga. Masyado pang maaga at para meron ka pang sapat na pahinga."

"Nakatitiyak ka ba riyan, Binibini? Maaaring magalit sa akin ang Gobernador-Heneral kung hindi niya ako nakitang gumagawa ng mga gawaing-bahay dito."

"Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa 'yo, Clarita. Ako na lang ang magdadahilan sa kanya."

"Ano naman ang idadahilan mo Gobernador-Heneral, Binibini?"

"Sasabihin kong nakipagtanan ka ng isang araw pero babalik ka rin naman."

"Binibini naman! Walang matinong babae ang makikipagtanan ng isang araw at babalik pagkatapos!" Nanghihilakbot nitong sambit.

"Ah, di, extend natin. Gawin nating isang buwan. Sabihin ko kay Lucas na sobrang nagmamahalan kayo ng kasintahan mo para makapagpulot-gata na rin kayo nang kabonggahan. Ako ninang, ha?" Bumungisngis pa si Choleng sa naisip niyang kalokohan. Sira ulo talaga siya kahit kailan!

Nahilot ni Clarita ang sentido nito. "Masisiraan ako ng bait sa iyong mga naiisip na dahilan, Binibini."

Tumawa si Choleng. "Joke! Biro lang!" Sabay akbay pa niya kay Clarita. "Alam mo, dapat masanay ka na sa mga hirit ko kasi magkaibigan na tayo, baks. O, 'di ba? Baks na ang tawag ko sa 'yo. Ibig sabihin niyon ay kaibigan na rin kita."

Kahit walang naunawaan si Clarita sa mga pinagsasabi ni Choleng ay nagawa pa rin ng dalaga na ngumiti. "Kakaiba kang maging kaibigan, Binibini. Tila araw-araw ay bibitayin ako sa iyong mga hirit."

"Alam mo, para na rin kitang nakatatandang kapatid kahit na hindi nagkakalayo ang edad natin. Dalawa lang kasi kaming magkapatid at ako lang ang babae sa amin. 'Tapos, bunso pa ako kaya pakiramdam ko na meron akong kapatid na babae sa katauhan mo." Masayang wika ni Choleng kay Clarita.

"Pareho pala tayo, Binibini. Tatlo naman kaming magkakapatid. Ako lamang ang natatanging babae sa amin at bunso rin. Simula nang dumating ka rito sa Hacienda Rueda, tila mayroon na rin akong kapatid." Nakangiting komento naman ni Clarita.

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now