Kabanata 16

24.5K 1.6K 341
                                    

"BINIBINI, ngumiti ka naman. Hindi ako sanay na masilayang nalulumbay ang iyong mukha." Puna ni Clarita kay Choleng. Kanina pa kasi hindi umiimik si Choleng at tahimik lamang habang abala sa paglalagay ng hikaw sa tainga. Sa mga sandaling iyon ay nakaupo sa isang silya at nakaharap sa salamin ng tokador si Choleng habang nasa likuran naman niya si Clarita na abalang sinusuklay ang kanyang alun-aluning buhok.

Pagkatapos siyang suklayan ni Clarita ay sinimulan na nitong ipusod ang kanyang buhok sa pormang French bun style. Isang magandang payneta na may disenyong bulaklak sa gitna at may mga maliliit na batong diyamante sa palibot niyon ang inilagay ni Clarita sa nakapusod na buhok ni Choleng upang dumagdag na palamuti.

Naglagay din si Choleng ng kaunting pulbos sa kanyang mukha na mula sa pininong mineral (talc) na sasakto lamang sa kulay ng kanyang kutis at kaunting pampapula ng labi mula sa atsuete upang maging makulay ang kanyang buhay. Dalawang araw ba naman siyang kinulong sa loob ng silid at pinuyat sa gutom. Kaya kukulangin talaga siya ng nutrisyon sa katawan at mamumutla ang kanyang labi.

Sa totoo lamang, kanina pa si Choleng naiinip na pumunta sa kaarawan. Hindi upang mang-gate-crash, kundi upang makikain. Nakikini-kinita na ni Choleng kung gaano karami ang mga handang pagkain sa hacienda ni Don Francisco. Nasasabik na siyang kumain ng mga masasarap na panghimagas! Yummy!

Saka kanina pa naka-outfit of the day si Choleng. Sobrang gara ng kanyang kasuotan. Iyong pakiramdam na tila ba kakabugin niya ang birthday celebrant na unica hija ni Don Francisco sa labis na ganda at mamahalin ng kanyang kasuotan. Hiling niya nawa na hindi ma-bad trip sa kanya ang may kaarawan. Mayroon din siyang magandang panyo na bulaklakin ang burda at mamahaling pamaypay with matching tassel o palawit na disenyo para sosyal.

"'Wag mo na lang akong pansinin, Clarita. May iniisip lang ako." Oo nga pala, bukod sa pagkain ay may iba pa siyang iniisip.

"Ang Gobernador-Heneral ba?"

"Hindi, ah." Defensive na tugon kaagad ni Choleng. Duh! With matching rolling eyes pa. Bakit naman niya iisipin ang lalaking iyon? Matapos siya nitong hindi pakainin ng dalawang araw? Wala nang karapatan ang lalaking iyon upang kanyang isipin!

"Kung hindi ang Senyorito ay ano?"

Doon na tuluyang hinarap ni Choleng si Clarita. "May sasabihin ako sa iyo, Clarita. Atin-atin lang ito, ha?"

Nagtatakang tumango-tango lamang sa kanya si Clarita.

"Tatakas ako. Mamaya." Walang palikaw-likaw na pagtatapat ni Choleng.

"Ano?" Hindi makapaniwalang sambit ni Clarita. "Ikaw ay tatakas? Mapanganib ang iyong binabalak, Binibini." Anito sa mahinang tinig habang masasalat din ang pagsalangsang sa binabalak ni Choleng.

Sang-ayon si Choleng kay Clarita. Naisip na niyang mapanganib ang kanyang binabalak. Ngunit kailangan pa rin niyang gawin.

"Alam ko. Pero ayoko na kasi rito. Nakasasakal na siya." Tukoy niya kay Lucas.

Totoo namang nakasasakal na ang lalaking iyon sapagkat daig pa niya ang isang bilanggo sa loob ng hacienda ng binata at isa lamang siyang sunud-sunuran sa nais nitong maganap gaya ng maging huwad na kasintahan ni Lucas.

"Mahirap iyang nais mong maganap, Binibini. Maraming nakapalibot na mga guwardiya sibil sa labas nitong Hacienda Rueda. Hindi ka basta makalalabas dito lalo pa at iyon ang aking naulinigang utos ng Gobernador-Heneral na higpitan ang pagbabantay sa labas."

"'Wag kang mag-alala. Hindi ako masasaktan ng mga guwardiya sibil niya. Saka nakaisip na rin ako ng plano kung paano ako makatatakas dito na hindi napapansin ni Lucas."

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon