Kabanata 43

18.5K 1K 818
                                    

ISANG malalim na buntong-hininga ang narinig ni Choleng mula kay Lucas bago ito nagsalita. "Ang maigi pa siguro ay magpahinga ka na. Maaaring dala lamang iyan ng iyong pagod."

Agad namang nag-angat ng ulo si Choleng mula sa bahagya nitong pagkakayuko para salubungin ang tingin nito. He seems to be not convinced. "Hindi ka ba naniniwala?" Aniya habang nakatitig sa mga mata nito.

"Maaaring guniguni mo lamang iyon." Pag-amin nito.

"Pero totoo ang sinabi ko Lucas. Si Rafael ang papaslang sa 'yo at hindi iyon guniguni lang. Malinaw kong nakita 'yon." Pagkatapos ay nagsimula na si Choleng na ikuwento rito ang nakita niya.

Buong paligid ay nagkakagulo. Kanya-kanya nang takbuhan ang mga tao para mailigtas ang kani-kanilang mga buhay sa gitna ng kaguluhan. Marami ring mga sibilyang sugatan at nasawi. Patuloy naman sa pakikipagpalitan ng putok ng baril ang hukbo ng mga guwardiya sibil na mula sa magkalabang panig. At sa gitna ng kaguluhan, nakita niya si Rafael.

He's wearing the uniform of a governor-general. His face was void of any emotions. Only the deep anger is visible in his eyes while pointing his gun to his target. May mga galos at sugat na rin sa buong katawan si Rafael. Umaagos din ang masaganang dugo mula sa kaliwang sentido nito. Ngunit hindi naging hadlang ang nagdurugo nitong kanang dibdib at kaliwang tagiliran na tinamaan ng bala upang kalabitin ang hawak nitong baril.

Hindi man nahagip sa tagpong iyon kung saan tumama ang bala, alam ni Choleng na si Lucas ang tinamaan niyon. Dahil si Lucas lang naman ang lalaking binaril ng salarin sa kanyang panaginip. Subalit hanggang sa matapos ni Choleng ang kanyang pagkukuwento ay nananatili pa rin sa mukha ni Lucas na hindi ito kumbinsido sa kanyang mga isinalaysay.

"Maniwala ka sa akin Lucas. Ang kapatid mo ang papatay sa 'yo." She heard him sighed again. May himig na ayaw nitong tanggapin ang kanyang sinabi at muling nagsalita.

"Lubos akong nagpapasalamat sa iyo Maria at palagi kang nariyan upang ako ay tulungan. Subalit hindi ito ang oras upang biruin mo ako nang ganyan sapagkat hindi nakatutuwa."

"Pero hindi ako nagbibiro sa oras na 'to. Kitang-kita ko na meron siyang binaril."

"Ibig sabihin hindi ka tiyak kung sino ang binaril ng aking kapatid sa tagpong iyong nakita, tama ba ako?"

"Pero ikaw lang naman ang lalaki sa panaginip ko na binaril ng kung sinumang taong gustong pumatay sa 'yo. Kahit hindi pinakita kung sino ang binaril ni Rafael, sigurado akong ikaw 'yon Lucas."

"Bakit naman iyon gagawin ni Kuya Rafael sa akin? Hindi mo ba nagugunita ang naganap noon sa gubat? Kahit na alam kong napopoot siya sa akin ay hindi niya ako nagawang barilin. Ibig sabihin, hindi ako kayang saktan ng sarili kong kapatid. Kaya imposible ang iyong mga ipinahayag sa akin."

May biglang eksenang sumagi sa kanyang isip.

"M-Marunong kang gumamit niyan?"

Iyon ang tanong noon ni Choleng kay Rafael habang kinakargahan nito ng bala ang hawak nitong baril na nakuha nito sa nasawing guwardiya sibil nang sila ay tinutugis noon ni Lucas sa loob ng gubat.

"Dating guwardiya sibil ang aking ama. Isang beses lamang niya akong tinuruang humawak ng baril ngunit naaalala ko pa kung paano bumaril."

"Hindi mo naman sasaktan ang kapatid mo, 'di ba?" Nag-aalalang tanong niya rito.

"Depende."

Oh no!

"Ang sabi mo sa 'kin noon hindi mo siya kayang saktan."

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon