Kabanata 33

21.6K 1.3K 901
                                    

MAGKASABAY na naglalakad sina Choleng at Lucas patungo sa hacienda habang nasa likod naman nila si Iñigo maging si Clarita. Masasabi niyang kabaligtaran ni Lucas si Iñigo. Madaldal si Iñigo at hindi nauubusan ng sasabihin. Ang dami rin nitong chika sa buhay.

May pakiramdam si Choleng na maaaring nagpapakitang-gilas si Iñigo kay Clarita. Subalit habang tumatagal na papalapit na silang apat sa pinto ng hacienda ay hindi naiwasan ni Choleng na mapahinto saglit sa kanyang paglalakad. Nagtatakang nilingon siya ni Lucas.

"Bakit huminto ka sa iyong paglalakad?" May pagtatakang tanong sa kanya ni Lucas.

"A-Ano...kasi kinakabahan akong pumasok sa loob." Ang lakas din ng kabog sa kanyang dibdib. Tila ba anumang oras ay bibitayin siya sa kanyang kinatatayuan.

"Bakit ka naman kakabahan?" Takang tanong ni Lucas.

"Hello? Naririto ang mga magulang mo. Nakakakaba 'yon. Pagkatapos, ang pagkakalarawan mo pa kanina sa tatay mo, eh, sobrang nakakatakot sa personal at pakiramdam ko na kasingtaray naman ni Donya Chiquita ang nanay mo."

Puro kunsumisyon na nga ang hatid sa kanya ng matapobreng mag-ina ni Don Francisco, paano pa kung mag-join force ang nanay at tatay ni Lucas?

"Maayos humarap sa mga tao an gaming mga magulang. Kaya wala kang dapat na ikabahala o ikakaba. Naririto naman ako sa iyong tabi at hindi ka mapapaano." Paniniyak pa sa kanya ni Lucas.

Enebey!

"Okay. Sabi mo eh." Sumilay ang pa-tweetams niyang ngiti. Kaswal lang ang pagkakasabi nito pero ang sweet ng dating sa kanya. 'Yong tipong ala-teleserye ang peg nila na para bang langit at lupa lang dramahan. Chos!

Gumaan din sa huli ang pakiramdam ni Choleng nang ipagpatuloy nila ni Lucas ang paglalakad. Tuluyan silang nakapasok sa loob ng hacienda na hawak-hawak pa rin ni Lucas ang kamay niya nang may isang boses silang narinig.

"Lucas, hijo!" Nagmula ang tinig na iyon sa tuktok ng marangyang hagdan.

Isang magandang babae na nasa mid-fifties ang edad ang nakita ni Choleng. Maputi, maganda ang kutis, matangos ang ilong at may magagandang mga mata. Nakasuot ito ng isang blue Victorian dress with matching pamaypay pa. Para itong isang reyna nang magsimulang bumaba sa hagdan at tuwang-tuwang sinalubong nito nang mahigpit na yakap si Lucas. Hindi na kailangan pang magtanong ni Choleng dahil halata naman na ang ginang na iyon ang kinalakihang ina ni Lucas.

"¡Te extraño mucho, hijo mío!" (I miss you so much, my son!) Mayamaya ay humiwalay ang ginang sa pagkakayakap kay Lucas ngunit naroroon pa rin ang masigla at maganda nitong ngiti. "Mabuti at nakauwi ka na. Kanina pa ako sabik na sabik na makita ka hijo. Saan ka pala nanggaling at bakit ngayon ka lamang umuwi?"

"Mayroon lamang akong mahalagang bagay na inasikaso kanina kaya ngayon lamang ako nakauwi. Yo también te extraño, Madre." (I miss you too, Mother.)

Awtomatikong sumimangot ang mukha ng ginang.

"Kung tunay nga ang iyong sinabi, bakit hindi ka man lamang nagpapadala sa amin ng liham? Labis mo akong pinag-alala nang husto, Lucas." May bahid na nang pagtatampo ang tinig nito. "Mabuti na lamang at nakabakasyon ngayon ang iyong kapatid matapos ang naging digmaan sa bansang Kuba kaya sinamahan kami ni Iñigo papunta rito sa Las Islas Filipinas."

"Naging abala lamang ako nitong mga nakalipas na buwan ngunit huwag kayong mag-alala. Maayos naman ang aking kalagayan dito."

"Palagi ka na lamang abala. Ganyan din palagi ang iyong dahilan noong ikaw ay isang teniente general pa lamang. Ngayong isa ka ng Gobernador-Heneral ay tila lalo pang lumubha iyang pagiging makakalimutin mo. Ilang linggo rin akong nalumbay nang ikaw ay umalis sa ating tahanan upang dito ka manirahan at gampanan ang tungkuling ibinigay sa iyo."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now