Kabanata 28

24.6K 1.5K 1K
                                    

HINDI nag-alinlangan sa utos ni Lucas ang tatlong guwardiya sibil saka mabilis na pinalibutan si Padre Hurtado habang hawak ang magkabilang braso ng prayle upang hindi makawala.

"S-Sandali! Ano ang ibig sabihin nito, Gobernador-Heneral?" May bahid na ng pagkabahala sa tinig ni Padre Hurtado. Subalit hindi tinugon ni Lucas ang prayle. Bagkus ay binalingan ng binata ang berdugo.

"Berdugo! Pakawalan si Rafael! Si Padre Hurtado ang nababagay na umupo sa puwestong iyan." Mabilis na sinunod ng berdugo ang utos ni Lucas. Pinakawalan nga nito si Rafael at inalalayan ng dalawang guwardiya sibil upang makababa ito sa entablado.

Kahit nakagapos pa sina Joaquin ay hindi napinigilan pa ng ibang guwardiya sibil na salubungin si Rafael. Humulas namanang kulay sa mukha ni Padre Hurtado at nagsimula nang kumawala sa tatlongguwardiya sibil nang igiya ang prayle patungo sa puwesto ng garote.

"Hindi mo maaaring gawin sa akin ito, Gobernador-Heneral! Isa akong pari! Kalapastanganan itong ginagawa mo sa Panginoon!" Sinimulan na ring gapusan ng tali ang mga kamay nito.

"Huwag mong gawing pananggala ang katayuanmo sa simbahan, Padre Hurtado! Huwag ka na ring magmaang-maangan na wala kangnababatid sa mga kaganapang ito kung ikaw ay nais ko mang ipabitay ngayon. Batidkong alam mo ang aking tinutukoy kaya hindi mo na ako malilinlang! Umamin narin sa akin si de la Cuesta at malaking katibayan din si Maria na siya mismoang nakatuklas kung sino ang tunay na may pagkakasala." Nagpupuyos sagalit na tugon ni Lucas.

"Batid mo naman kung gaano kagaspang at kamaldita ang pag-uugali ng babaeng iyon. Kaya batid kong siya ay nagsisinungaling lamang!" Pagtanggi pa ni Padre Hurtado upang pabulaanan ang ibinabatong paratang.

"Huwag mo nang itanggi ang lahat, Padre Hurtado! Ikaw ang taong nais pumaslang sa akin at kinasangkapan mo pa ang ibang tao upang maghugas-kamay sa iyong kasalanan!"

"Mag-iingat ka sa iyong binibitawang paratang, Gobernador-Heneral! Batid ng Panginoon na wala akong ginagawang masama!" Sinasabi iyon ni Padre Hurtado habang pinauupo sa silya ng garote at pinupulutan ng kuwelyong bakal sa leeg. Isang prayle na may katandaan ang lumapit kay Lucas upang pakiusapan ang binata.

"Pakiusap, Gobernador-Heneral. Huwag mo itong gawin kay Padre Hurtado. Sa oras na ituloy ninyo ang pagbitay sa kanya, ang Arsobispo maging ang buong kaparian na ang iyong makakalaban." Mahinahong pagpapaalala ng prayle kay Lucas.

"Siyang tunay, Gobernador-Heneral." Sang-ayon naman ng isang binatang prayle. "Hindi naman ninyo nanaising maging sanhi ito ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Maraming naiambag sa simbahan si Padre Hurtado at hindi makatarungan na siya ay bitayin sa mga maling paratang ninyo sa kanya." Paghikayat pa nito kay Lucas.

"Gobernador-Heneral..."ang Koronel naman ang kumausap kay Lucas. "Kung hindi ninyo iuurong ito, maaaring magkaroon ng lamat ang samahan ng simbahan at pamahalaan kapag hindi ninyo binawi ang iyong pasya."

"No me importa!" (Idon't care!) Walang pakialam na komento ni Lucas. Pagkatapos ay muli nitong binalingan si Padre Hurtado na kay sama ng tingin. "Kahit is aka pang prayle, Padre Hurtado, pantay-pantay lamang ang tingin ko sa mga taong nakagagawang pagkakasala at hindi ka naiiba sa kanila! Kaya nararapat lamang ang kaparusahang kamatayan para sa iyo!"

Pagkatapos ng sinabi ni Lucas ay sinegundahan iyon ng mga indio na may lihim na galit kay Padre Hurtado.

"Tama ang tinuran ng Gobernador-Heneral! Marami ka nang inagrabyadong mga pamilya!"

"Ginagawa mong trabahong nakawin ang aming mga kinikita na para sana ay pagkain ng aming mga pamilya!"

"Inabuso mo rin ang aming kababaihan! Hindi lamang namin masabi-sabi ang aming mga hinaing laban sa iyo sapagkat kami ay iyong pinagbabantaan!"

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now