Kabanata 27

24.2K 1.6K 623
                                    

HINDI agad nakaapuhap ng sasabihin si Choleng sapagkat wala siyang maisip na maaari niyang idahilang tugon kay Anastacio. Labis din siyang nabigla sa pagsulpot ng guwardiya sibil mula sa kanyang likuran. Kaya napapatlang ang kanyang isip lalo na at nakatutok sa kanyang likod ng kanyang ulo ang baril ni Anastacio. Nang walang nakuhang tugon si Anastacio ay malakas nitong itinulak si Choleng mula sa likuran.

Naging dahilan iyon upang mapasandal ang dalawang niyang kamay sa pinto at tuluyan iyong bumukas. Kaalinsabay niyon ay ang pagsubsob niya sa sahig ng silid. Nagulat at napatayo naman mula sa kinauupuang mga silya sina Tenyente de la Cuesta at Padre Hurtado sa bigla niyang pagsubsob sa sahig. Mahinang napaaray si Choleng. Sheet! Yare!

"Anastacio, ano ang ginagawa mo rito at sino ang babaeng iyan?" Nagtatakang tanong ni Tenyente de la Cuesta kay Anastacio. Nakayuko kasi si Choleng kaya hindi agad siya nakilala nina Padre Hurtado at Tenyente de la Cuesta.

"Nahuli ko ang babaeng iyan na nakikinig sa inyong pinag-uusapan." Pagsisiwalat ni Anastacio.

Mabilis namang nakabawi si Choleng sa bilis ng kaganapan. Mula sa sahig ay dali-dali siyang tumayo saka hinarap sina Tenyente de la Cuesta at si Padre Hurtado.

"B-Binibining Choleng." Gumuhit sa mukha ni Tenyente de la Cuesta ang gulat nang mapagsino siya.

"Ahm...h-hello po, Tenyente. H-Hi po, Father." Bati ni Choleng kina Padre Hurtado at Tenyente de la Cuesta na may bahid ng magkahalong takot at hiya sa kanyang tinig.

Kay bilis din ng tibok ng kanyang puso sapagkat tila mauuna pa siya marahil na bitayin kaysa kina Rafael sa kalagayan niya ngayong kanya nang kaharap ang mga tunay na salarin. Hindi naman naibigan ni Padre Hurtado na siya ay muling makita. Kitang-kita sa mukha ng prayle na hindi pa rin nawawaglit sa isip nito ang ginawa niyang pag-walkout maging ang pagsagot-sagot niya noon sa misa nito.

"Ano ang ginagawa ng kasintahan ng Gobernador-Heneral sa pook na ito?" Usisang tanong sa kanya ni Padre Hurtado na may kalakip na panganib sa tinig nito.

Nataranta naman ang isip ni Choleng habang nauutal siyang tumugon. "N-Nagsimba lang po, F-Father."

Patawarin nawa siya ng Panginoon! Hindi niya ibig na magsinungaling sa sarili Nitong tahanan. Subalit wala na siyang maisip na maaari niyang kapitan kundi ang humabi ng kuwento.

"Saka, kanina pa po ako nawiwiwi kaya naghahanap po ako ng CR." Sandali uli siyang napaisip.

Ano nga pala uli ang malalim na Tagalog ng Comfort Room?

"Ang ibig ko pong sabihin, Father, pupunta po sana ako sa palikuran pala. Paumanhin po. A-Akala ko po kasi palikuran kaya sumilip ako. Pero wala naman po akong narinig." Tanggi pa ni Choleng kahit na mayroon siyang narinig. "S-Sige po, gora na po ako. Ba-bye po..."

Maingat na tinalikuran ni Choleng si Padre Hurtado at Tenyente de la Cuesta. Sa muli niyang pagharap sa likuran ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Anastacio. Binigyan ni Choleng magalang at nahihiyang ngiti ang guwardiya sibil. Buong akala niya ay ayos na. Sapagkat wala naman siyang narinig na anumang komento mula sa tatlo. Subalit nang lagpasan niya si Anastacio ay mabilis din nitong hinaklit ang kanyang braso.

"T-Teka! B-Bitiwan mo ako!" Ang higpit ng pagkakahawak ni Anastacio sa kanyang braso. Bumabaon iyon sa kanyang balat. "Lalabas na po ako..."

Subalit hindi siya pinakinggan ni Anastacio at nananatiling hawak pa rin nito ang kanyang braso. "At sa iyo bang palagay, Binibini, ay madali mong mabibilog ang aming mga ulo? Batid kong kanina mo pa ako sinusundan kanina. Kaya hinayaan lamang kita sa iyong ninanais upang hindi mo mahalata na batid kong may sumusunod sa akin."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now