Kabanata 31

23.8K 1.3K 912
                                    

KUMATOK si Choleng sa pinto ng opisina ng Gobernador-Heneral. Hindi nagtagal ay narinig niya ang tinig ng binata mula sa loob ng silid upang magbigay pahintulot na maaari nang pumasok sa loob. Kaagad namang pinihit ni Choleng ang busol ng pinto saka marahan niya iyong itinulak upang buksan.

Nakita niya si Lucas na posturang nakaupo habang kaharap nito ang gabundok na mga dokumento sa ibabaw ng mesa. Tila ba may puwersang nagsasabing bawal itong abalahin. Kahit sino mang tao ang makakikita sa Gobernador-Heneral ay uurong ang dila, tatamaan ng hiya, at agad-agad ding lalayas upang hindi maabala ang binata.

"Magandang araw sa 'yo, Gobernador-Heneral." Nakangiting bati ni Choleng nang siya ay makapasok sa loob. Kaagad namang nag-angat ng ulo si Lucas saka ibinaba ang dokumentong binabasa nang makita siya ng binata.

Ngayong nakikita ni Choleng si Lucas sa ganoong tagpo ay tila ba may bumalot sa kanyang puso na magkahalong lumbay at habag nang kanyang mapagmasdan ang mga mata nito. Wika nga nila, sa mga mata ng isang tao makikita ang tunay nitong damdamin. Kaya kahit hindi ipahayag sa kanya ni Lucas ang totoo, matitigan lamang niya ang mga mata nito ay sapat na iyon upang kanyang mabatid na pagod ang binata.

"Ikaw pala, Maria." Sambit ni Lucas nang tuluyang makalapit si Choleng sa harap ng mesa. "Ano pala ang ginagawa mo rito?"

Sa halip na tumugon ay ipinatong ni Choleng ang dala niyang buslo sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay lumapit siya kay Lucas saka inilapat ang kanyang kanang palad sa noo nito upang alamin ang temperatura niyon.

"Wala ka namang lagnat." Sambit ni Choleng sabay alis ng kanyang palad sa noo ni Lucas. "Pero parang nagpapakatiwakal na 'yang hitsura mo. Sigurado ka bang nag-agahan ka kanina? Lilipad talaga ang isip mo kung hindi ka kumakain sa tamang oras." Mahihimigana ng pag-aalala sa kanyang tinig.

"Marami lamang akong inaasikasong mga dokumento at katatapos ko lamang kumain. Kaya hindi mo na ako kailangang paalalahanan pa sa bagay na iyan. Ayaw ko ring makipagtalo uli. Batid ko namang hindi ako magwawagi sa iyo." Paliwanag sa kanya ni Lucas.

"Kumain ka na pala." Nakaramdam ng panghihinayang si Choleng sapagkat hindi na pala makakain ni Lucas ang inilutong niyang payak na pagkain. "Sigurado ka bang nakabubusog 'yang kinain mo? May nutrisyon ka bang makukuha roon?"

"Nakabubusog naman ang pagkaing dinala sa akin kanina ni Lolita." Payak na tugon sa kanya ni Lucas.

"D-Dinalahan ka niya ng pagkain?" Kaya naman pala pangiti-ngiting lumabas sa opisina ang babaitang iyon, nakapuntos pala ang bruha!

"Ganoon na nga."

"Impaktang bruha 'yon, ah. Unahan ba naman daw ako?" Pabulong na kausap ni Choleng sa kanyang sarili na may halong inis lalo na nang ma-imagine niya ang ngiting tagumpay na mukha ng bruha with matching halakhak pa sa kanyang isip.

"May sinasabi ka ba, Maria?" Pukaw sa kanya ni Lucas.

"Ha? Ah...wala, wala." Sinabayan pa niya iyon ng pag-iling ng kanyang ulo. "Pero bakit pumayag kang hatiran ka niya ng pagkain?"

"May masama ba kung hatiran man ako ni Lolita ng aking makakain?" Nalilitong tanong sa kanya ni Lucas.

Oo! Masamang-masama! Nagawa mo akong pagtaksilan sa pamamagitan ng pagkain na dinala ng bruhang 'yon! You know? It hurts from the bottom of my balun-balunan!

"Hindi naman." Subalit mula sa kaibuturan ay nakikipag-slam-an na siya kay Lolita sa kanyang isip. "Pero maigi na rin ang nag-iingat. Malay mo may inilagay siyang lason sa kinain mo." May halo pang pananakot na wika niya kay Lucas. "Babae ako kaya ramdam ko na hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa nakaraang anunsiyo mo nawalang mangyayaring kasal sa pagitan ninyo. Uso rin 'yan sa teleserye at isa'yan sa mga hobby ni Georgia. Kaya alam na alam ko na ang raket niLolita." Aniya na may ipinaglalaban.

El Gobernador General De Mi CorazónHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin