Kabanata 60

17K 686 623
                                    

NGAYONG matagumpay nang napatalsik ng mga taong may lihim na galit ang dating pinuno ng Las Islas Filipinas at kasalukuyang nakabilanggo ang magkapatid na Ruiz sa Fuerza de Santiago, iba't ibang kaganapan naman ang natunghayan ng mga mamamayan sa ilalim ng pamamahala ng bagong Gobernador-Heneral.

Unang-unang ipinawalang bisa ni Iñigo ang lahat ng mga kautusang ipinatupad noon sa ilalim ng pamumuno ni Lucas. Triple na ang sisingiling tributo sa mga tao. Binawi rin ni Iñigo sa mga magsasaka ang karapatang pag-aari mula sa mga lupang sinasaka at muling ibinalik sa mga dating nagmamay-ari ang mga lupain. Lahat ng mga taong nagserbisyo sa ilalim ng pamumuno ng dating gobernador-heneral ay inalis ni Iñigo at muling ibinalik ang mga lokal na opisyales na sinibak noon ni Lucas matapos matuklasan ang pagwawaldas ng mga nalilikom na tributo mula sa mga nasasakupang bayan.

Inaprubahan din ni Iñigo ang suhestiyon ni Koronel Llerena na pagkalooban ang mga kakilala nitong Kastila ng encomienda upang lalong mapagtibay ang kanilang katapatan sa pamumuno ng binata. Ang mga Kastilang tinutukoy ng Koronel ay tubong Navarre, Aragon, Valencia, at Biscay (kanlurang bahagi ng Basque) na ipinatapon noon ng Reyna sa Las Islas Filipinas upang pagbayaran ang ginawa nilang kataksilan laban sa monarkiya na pinabulaanan lamang ng mga napagbintangan.

Kinasangkapan lamang daw sila ng mga malalapit na opisyales ng Reyna upang lalong umangat sa katungkulan at makakuha nang malaking pabuya upang may maiulat lamang sa Reyna na mayroong nagaganap na lihim na pagtataksil sa pamumuno nito. Dahil ibig ni Iñigo na maging tapat ang lahat sa kanya ay madaling ipinagkaloob ng binata sa mga nabanggit na Kastila ang mga bakanteng puwesto hindi lamang sa Real Audiencia kundi maging sa iba pang sektor na sakop ng pamahalaan.

Pinagkalooban din ni Iñigo ng gantimpala ang mga taong tumulong upang maisakatuparan ang kanyang layuning masukol ang magkapatid na Ruiz. Kaya bilang pagtanaw nang malaking pasasalamat ay sinimulan ng binata na taasan ng ranggo ang mga taong sa tingin nito ay karapat-dapat. Ang dating tenyente na si Lazaro de la Cuesta ay inakyat sa katungkulan nito bilang Komandante.

Si Bartolome Manriquez naman ang pumalit sa nabakanteng puwesto sa pagkatenyente. Isa nang Sarhento si Anastacio Severino. Nanatili pa rin sa katungkulan si Alferez Enrico Almanza. Itinaas naman si Derio bilang cabo (korporal) habang si Hidalgo naman ang pumalit sa iniwan nitong puwesto bilang punong guwardiya sibil.

Marami pang tinaasan ng ranggo at sinibak na mga tao sa puwesto si Iñigo kabilang na roon ang mga kaibigan ni Rafael na kasalukuyang nagtatago matapos malaman na ipinatutugis din sila ng mga tauhan ng Gobernador-Heneral. Maging si Padre Solano ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Iñigo at pinalitan din ang kura-paroko ng Iglesia de la Reina Isabel ng isang bagong paring Pransiskano.

Ang mga pagbabagong iyon ay ginawa ni Iñigo sa loob lamang ng ilang araw sa gabay ng kanyang kanang kamay at butihing tagapayo na si Koronel Llerena. Ang mga bagong luklok na opisyales ay binigyan naman ni Iñigo ng kani-kanilang gawain upang ipalaganap sa loob at labas ng Maynila ang kanyang mga binagong kautusan.


"BAKIT maging ang pag-aaral ng mga batang indio ay kailangan pang ipagbawal ng Gobernador-Heneral?" Takang usisa ni Padre Crustacio nang sumadya si Tenyente Manriquez sa opisina ng paaralan matapos ipahayag ang pakay nito sa pagdalaw.

Naroroon din nang mga sandaling iyon si Padre Agripino kasama ang iba pang mga paring Kastila na tahimik lamang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Saka wala naman akong nakikitang masama kung matuto man sila ng mga bagong kaalamanan dito sa paaralan kaysa makita sila sa lansangan na pagala-gala at sinasayang ang kanilang oras sa mga walang kabuluhang bagay."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now